Chapter 17: Voc Night

69 2 0
                                    

Madilim dilim na rin ng makabalik kami ng Seminaryo. Pagbaba namin ng van agad kaming pumunta sa gym para sa inihandang program bago umuwi ang mga applicants namin bukas.
At dahil rin doon naisip kong kausapin si Richmond. 

"Richmond, Iniisip ko lang kung gusto mong magkaroon ng intermission mamaya. Alam mo naman kase huling gabi na natin dito, diba?!"

pag-aalok ko sa kanya.

"Actually, nga po may hinanda kaming intermission para sa Voc Night kaya abangan niyo na lang po."

May pagka-kampante niyang sinabi sa akin.

"Mukhang may pinaghandaan ka nga talaga ah!"

"Mga Applicants, Brothers at mga Seminarians tinatawagan na po kayo ngayon dito sa gym para sa pagsisimula ng ating program."

Tawag ni bro. Tom na emcee sa program ngayong gabi.

Kaya agad na kaming pumunta sa gym. At umupo sa mesa naming mag-kakagroupo. Sinimulan ni Fr. Carlos ang blessings of the food. Tapos pumila na kami sa buffet para kumuha ng pagkain.

"Handa na ba kayo para sa intermission natin mamaya?"

Tanong ni Richmond sa kanila habang nasa mesa na namin kami at kumakain.

"Medyo kinakabahan."

Sabi ni Kuya Albert.

"Sigurado ka ba sa pagpili sa amin Richmond, kase hindi naman kami kumakanta at sumasayaw na kasingtulad mo?"

Pag-aalinlangan ni Kevin.

"Ayos lang yan! Ito ang patunay ng pagsasama sama nating lima dito! At para ma-entertain natin silang lahat. Hindi ko kase kayo makakalimutan dito sa Camp na ito. At hindi ako nagsisisi na sumama ako dito. At nakilala kayong Apat. Parang wala pa akong nakikilala na  tulad niyo."

Nakakaantig na sinabi ni Richmond sa kanila.

"Oaaahhh Group Hug nga!"

Sabi ni Kuya Albert at nag-group hug silang apat. Bigla akong kinalabit ni Bro. Aries...

"Edi ok yung intermission na gagawin niyo mamaya?"

Tanong ko sa kanila.

"Syempre naman brother." Sagot nilang lahat sa akin.

Mukhang kahit sa saglit na oras na pag-prapractice nila para sa mga performance na gagawin nila. Mukhang handang handa sila dahil sa tulong ni Richmond.

Pagkatapos nga pala namin mag-rosary sa van nag-practice rin sila para sa performance nilang magkakagroupo. 
Natuwa naman ako dahil naging maayos iyon. Narining ko rin na pinag-uusapan nila Richmond, Kuya Albert, si Kevin at si Arnold na may hiwalay na intermission silang ginawa at binuuan pa nila ito ng groupo na tinawag nilang Five Alive.

"Bro!" tawag sa akin ni Richmond.

"Bakit Richmond?" 

"Pwedeng mag-favor?"

"Ayoko nga... Joke! ano yun?"

"Pwedeng mag-gitara kayo para sa amin mamaya."

"Oo naman!"

"Mukhang isinama mo pa ang apat mong mga naging mga kaibigan dito para sa intermission mo."

"Naisip ko lang po kase na bumuo ng groupo dito mula sa aming lima. Yung magiging counterpart ng FIVEtastics. At yun ang Five Alive."

"Panalo ka talaga Richmond! Buti hindi ka naman nahirapan na pakiusapan sila at i-practice."

"Medyo nag-aalangan pa sila noong una pero madali rin naman pala silang pakiusapan at turuan ng kunti. Naging maayos naman lahat lahat ng paghahanda namin para sa intermission namin ngayon."

One Call AwayWhere stories live. Discover now