Chapter 16: Voc Tour

66 2 0
                                    

Bro. Aries

Pagkatapos ng Rising...

Tulad ng nakagawian, misa muna.
At Taga-gitara ako ngayon sa misa. Sa Communion, napansin ko na mataintim ang pagdarasal ni Richmond. Pagkatapos mag-communion, nagdasal din ako ng mataintim...

"Panginoon, gabayan at liwanagan niyo po si Richmond. At mapakingan niya nawa kayo sa puso niya. At sana patuloy pa niyang maramdaman ang pagtawag niyo sa kanya para sumunod siya lagi sa inyo."

Pagkatapos nun breakfast muna sa Refectory. Kinamusta ko si Richmond.

"Ok ka lang ba Richmond? Nararamdaman mo pa rin ba yung nararamdaman mo kahapon?"

"Nararamdaman pa rin naman ng kunti. Pero mas nararamdaman ko na parang na-hohomesick na ko. Halos hindi nga ako makatulog kagabi." Sabi niya.

"Ganun ba? Puwes mawawala yang pagka-Homesick mo sa mga pupuntahan natin mamaya!"

Diba kung kailan patapos na doon pa lang siya ma-hohomesick pero ayos lang dahil sa araw na ito lilibutin namin ang buong community namin.

Mula dito hanggang sa probinsya. Itotour namin sila sa mga iyon. Kaya naman sinabihan ko na rin ang mga kasamahan naming mga applicants para mag-handa dahil marami kaming pupuntahan buong araw.
Hinanda ko na rin ang mga dadalhin ko. Habang yung ibang mga brothers hinahanda yung mga sasakyan na gagamitin.
Mayroong dalawang groupo sa kada dalawang van.

Sa isang sasakyan kasama namin ang groupo ng St. Dominic Savio. Sumakay na kami doon agad agad. At ako lang ang semenaristang kasa-kasama nila doon. Habang driver naman namin si Bro. Gus. At nang magsimula nang umandar ang sasakyan. Sinimulan ko ang maikling pagdarasal.

"Hail Mary full of grace..."

After 15 minutes ng mahabang biyahe nakarating na kami agad sa bahay ng mga Postulants.

Pagbaba...
Kinamayan ko at binati agad ang pinakamatalik kong kaibigan na Vietnamese na Postulant na si Postulant Dan. Nag-kamustahan kami. Medyo nakakaintindi siya ng tagalog at ako ang nagtuturo sa kanya na mag-tagalog.
Ipanakilala namin sa kanila si Fr. Peter Kotska. Ang superior ng mga Postulants. Lahat ng mga Postulants dito ay mga Foreigner. Na galing sa Cambodia, Thailand at sa Vietnam. May mga pilipino rin naman, kaso na sa bakasyon sila sa mga panahon na ito. Nilibot nila kaming lahat sa loob ng kanilang Bahay. Syempre familiar na ang lugar sa akin. Ilang beses na akong pabalik balik dito. Meron ditong Chapel at syempre Study Room. Dalawa sa mga bahagi na mahalaga sa isang Seminaryo. Pero ang pinaka-atraksyon dito ay ang kanilang Museum sa kahiwalay na Hall. Meron doong mga iba't-ibang Relic ng mga Santo May ibang mga Icon rin na galing pa ng ibang bansa. Sobrang masaya ang mga Applicants, sa Mini Museum. Wala silang tigil sa kaka-picture at sa kaka-tingin sa mga exhibit doon na halos ayaw na nga nilang lumabas doon.

Pinuntahan rin namin ang Workshop ng mga Postulants. Gumagawa sila ng mga kwintas, bracelet at Rosario. At mga libangan tulad ng pag-papainting, pottery at sculpture. Si Post. Dan ay mahilig mag-painting. Pinainting niya ako noon at binigay niya sa akin.

Kinunan ni Richmond ng litrato ang lahat ng mga paintings ni Dan mula sa kanyang cellphone. Kaya dinamay na rin namin ang mga sarili namin.

Pinakilala ko si Richmond kay Dan. Mukhang natuwa siya nang i-kwento ko si Richmond sa kanya. Kaya binigayan siya nito ng isa sa kanyang Painting... Isang larawan ng mga mangingisdang nangingisda sa karagatan. Masaya itong tinangap ni Richmond at in-appriciate niya pa ang iba pang mga ginawa ni Post. Dan. Bago kami umalis, pinakain muna nila kami ng Puto. Tapos binigyan pa ang mga Applicants ng souviner. Isang rosary bracelet na gawa sa kahoy, na gawa nila.

Umalis na kami, susunod naming pupuntahan ang mga Sisters. Pagkadating namin sinalubong kami ni Mother Flora ang Mother Superior nang bahay ng mga madre. Naka-brown habit sila. At unti unting lumabas ang mga Sisters para salubungin kami.
Hanggang sa lumabas ang isang artista sa aming sasakyan. Halos dumungin na ng mga madre si Richmond ng lumapit ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na yung mga mapuputi at mga bata pa nilang mga aspirant na wala pang belo.

Nilapitan ako ng kaibigan ko doong sister na si Sis. Martha. Madalas siyang bumibisita sa Seminaryo namin. Dahil sa bumibisita rin doon sila Mother Flora para bisitahin ang aming Fr. Rector. At ako minsan ang nakaka-usap niya doon.
Magaling mag-advice at mag-luto si Sis. Martha. Kaya sa kanya ako madalas nakikipag-usap ka pang may mga pinag-dadaanan ako minsan. At lagi niya pa akong dinadalhan ng pagkain. Masaya rin siya kasama.

"Wow naman Richmond, dinalhan mo kami ng artista dito. Tignan mo tuwang tuwa ang mga sisters!"

Sabi ni Sis. Martha sa akin.

Tapos ipinakilala ko si Richmond sa kanya. At nagpapicture pa sa kanya...

"Ipapa-frame ko tong picture na toh at isasabit diyan sa Hall. Yan ay kung ok lang kay Mother Flora."

Sabi pa niya.

Pina-tour muna namin ang lahat ng mga applicants sa paligid. Ipinakita rin namin sa kanila ang Garden ng mga Sisters, kung saan sila nagtatanim ng mga iba't-ibang mga halaman. Mahilig rin mag-alaga ng mga ibon at mga kuneho ang mga sisters dito.

Sila ang mga counter-part naming mga sisters. Ang Sisters of the Heart of Jesus o SHJ. Tapos nang Tour, pinakain kami ng mga sisters ng hinanda nilang egg sandwich. At nakipag-group picture bago kami umalis. Tapos nun pupunta kami ng Tagaytay para puntahan ang Theologians house namin doon.

2 hours later...

Nakarating rin kami sa Theologians house namin sa Tagaytay at sinalubong kami ng mga brothers at mga pari doon.
Ito na rin ang parte ng tour na medyo tinatamad na ako. Kaya mas pinili kong tumambay sa tagong gazebo na naroon kaysa sa mag-bantay.

Uhhhh!!! Ang sarap talaga ng hangin dito!

10 minutes later

"Brother!"

Gising sa akin ni Richmond.

"Uh! Bakit?"

"Nandito lang pala kayo"

Nakita ko siyang may mga pinabili galing sa religious shop namin dito.

"Dami mo namang namili"

"Oo nga po eh, maganda po kase yung shop niyo."

"Malapit na ba tayong umalis dito?"

"Ahm di pa naman."

"Hinahanap ba nila ako?"

"Di rin naman."

"Kamusta ka naman sa mga pinuntahan natin Richmond?"

"Ok lang naman brad, medyo nawala ang pagka-Homesick ko."

"Diba gala lang ang kailangan diyan!"

Nagdisisyon na kaming umalis sa lugar na iyon. At hinintay na pabalikin na kami sa aming van. Pagbalik nga namin dumaan naman kami ng Picnic Grove para makita ang Taal lake. Pagkatapos nun ay umuwi na kami pabalik. Nagdasal kami ng Rosario habang nasa daan. At hinayaan rin namin si Richmond at ang mga kasakay naming mga Applicants doon na mag-lead rin ng panalangin.

Nakabalik kami sa Seminaryo ng medyo madilim na. At ang mga naiwang brother doon ang silang naghanda para sa Voc Night. Ang huling Gathering ng lahat ng mga applicants kasama kaming mga brothers at facilitators.

One Call AwayWhere stories live. Discover now