Chapter 47: "Bakasyon"

40 1 0
                                    

This will be a Long Chapter, Brace thy Self ;) -Cristero

...

10 Months later....

Fr. Juarez

Nakakapagod ang mga lumipas na dalawang araw...
Paano ba naman kase Mahal na Araw. Maraming mga ginawa sa Simbahan. Lalo ng isang tulad ko na Pari...
Ang nakakalungkot pa dito, ito na ang huling Mahal na Araw ko dito sa Parokya ng San Jose de Obrero. Dahil ililipat na ako sa ibang Parokya at ibang kura na ang lilipat sa Parokyang ito...
At syempre kasama dito ang kasamahan kong Pari na si Fr. Ferdinand na nasa kabilang parokya. Ililipat daw siya sa Sto. Niño Parish sa may Muntinlupa. Tapos ako naman ay ililipat sa parokya ng Immuculada Conception sa may Las Piñas. Nakakalungkot rin dahil matagal kaming nagsama ng mga parishioners ko dito. Marami akong naging mga karanasan na di ko makakalimutan.
Tapos magkakahiwahiwalay rin naman pala. Kaya minsan kahit kami'y mga pari ay naniniwala rin sa kasabihang Walang Forever.

(Walang Forever sa Diocesan Lolz!)

Napakaganda ng ayos ng Altar!
Ang mga bulaklak ang pagkakaayos o pagkaka-arrange ng mga bulaklak ay talagang napakahusay!
Ang alam kong makakagawa lang ng ganitong ayos ng Altar ay si... At nakita ko nga si Anne, na nasa altar nag-aayos ng mga bulaklak!
Wala na akong ibang makitang ganitong kagandang ayos ng bulaklak mula nang maging kura ako dito! Nawala yata ang pagod ko! 
Lalo ang gumawa pa nito ay ang isang abalang abalang Church Worker na muling nagbabalik!

"Mararamdaman ng mga tao ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa ganitong kagandang bulaklak at ayos ng altar!"

Sabi ko kay Botchoy.

"Alam mo ba kanina pa po siya nandito. Mas nauna pa nga siyang dumating kaysa sa iba eh. Nagsabi pa po siya sa akin kung pwede ba siyang tumulong. Kaya hinayaan ko na rin siyang tumulong dahil buo sa kalooban niya ang tumulong sa pag-aayos ng Simbahan. Kahit ngayon lang daw po at gusto niya rin makipag-usap sa inyo."

Sabi sa akin ni Botchoy.

"Hindi na Kailangan. Dahil lagi siyang Welcome tumulong sa ating Simbahan. Afterall, isa siyang flower designer at tapat na Church Worker, tapat na lingkod ng dambana ng Diyos."

Sabi ko.

"Padre!..." Sabi ni Aries sabay mano sa akin.

"Bakit ka napadaan dito hijo?"

"Gusto ko po sanang magpa-spiritual direction sa inyo kung pwede po kayo ngayon?"

"Bakit naman hindi?? Baka kailangan na kailangan mo rin naman yun, kaya sige hindi kita tatangihan."

"Maraming Salamat po Padre! Saan po tayo mag-uusap?"

Kaya naglakad lakad kami nitong si Aries sa palibot ng Simbahan. Halos kaming dalawa lang ang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw. Nakikita rin namin ang mga kaabalahang nagaganap sa loob ng Simbahan.

"Sabihin mo sa akin, anak anong gusto mong ituwid sa iyong Spiritual na buhay?? May kinalaman ba ito sa Bukasyon mo?"

Tanong sa akin ni Fr. Juarez.

"Opo Padre, may kinalaman nga po ang Bukasyon ko. Pakiramdam ko naghihina po ang Bukasyon ko. Minsan pati ang pananampalataya ko na rin..."

"May kinalaman ba ito sa isang babae?" 

"Wala naman po Padre! Pero sa pamilya ko po meron. Ilang buwan na po kase ang nakakaraan ng mawala ang kapatid kong si Leomer. Siya po ang dahilan kung bakit naghihina ang bukasyon ko ngayon. Dahil sinisisi ko po yata ang sarili ko sa pagkawala niya. Nawala po siya simula nang hindi na raw po siya umuwi sa smin, sabi ni Mama. At naiisip ko rin minsan na baka kailangan kong tulungan ang Mama ko sa paghahanap sa kanya. Dahil baka ako rin naman ang may kagagawan kung bakit rin naman siya hindi umuwi sa amin. Pakiramdam ko wala akong silbi sa kanila. Dahil nandoon lang ako sa loob ng seminaryo at wala akong magawa para tulungan silang hanapin si Leomer."

One Call AwayWhere stories live. Discover now