Chapter 48: Ransom

34 1 0
                                    

"Anong Dinukot Si Richmond?!"

May pagtatakang Tanong ni Reyven kay Alvin.

"N-Nakita kong dinukot siya!... M-Mabilis ang mga pangyayari may bigla na lang na tumigil na isang puting Van sa aming dalawa habang nasa labas kami ni Richmond, na nag-uusap... Bigla na lamang siyang dinukot ng Dalawang nakaitim na mga lalaki na nakatakip din ang mga mukha... Pinasok nila si Richmond sa Van... May balak sana akong sagipin siya kaso tinutukan ako ng isa sa mga dumukot sa Kanya at pinagbantaan..."

May kaba at takot na ikwenento ni Alvin sa kanila.

Tila ngayon lang nakaramdam ng ganung Takot at kaba si Alvin sa buong buhay niya.

Kaya nag-alala ang lahat ng mga nandoon... Lalo na si Anne,... Kaya naman pinakalma siya ni Reyven dahil alam niyang baka sumama ang pakiramdam nito.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Anak?!"

May pag-aalalang tanong ng Ina ni Alvin sa Kanya.

At dahil bakas sa mukha ni Alvin ang Takot... At kitang kita rin na nagsasabi naman ito ng Totoo. Nagsimula nang ma-alarma ang mga Taong nakarining at nakaalam na May dumukot nga kay Richmond.

Samantala...

Dinala si Richmond ng mga dumukot sa Kanya sa isang abandonadong Lugar... Hindi naman kalumaan ang lugar dahil noong isang taon lang ito naging abandonado... May harang o gate ang lugar na iyon kaya Wala sino man ang makakapasok.

Tinali na nila ang mga kamay niya sa likuran at nilagyan nila ng piring ang mga mata niya bago pa man siya ipasok sa abandonadong Gusali.

Pinahawak muna ng isang lalaki si Richmond sa dalawang mga braso nito ng mahigpit sa isa pang lalaki ng nakaharap sa Kanya. Para Suntukin si Richmond ng ilang beses sa tiyan at sa mukha...

Pagkatapos, Tinulak ng lalaking nakahawak kay Richmond-Si Richmond sa sahig... At doon na parehas na pinagsisipa ng dalawang lalaki si Richmond... Hanggang sa lumabas na ang dugo sa labi ni Richmond...

"Tama na yan!"

Sabi ng isa pang lalaki... Na nang marining ni Richmond ay tila pamilyar ang boses na ito sa Kanya.

"Itayo niyo siya at iharap sa Akin..."

Utos nito sa dalawang lalaking sinaktan si Richmond...
At sinunod rin naman nila ito agad. Agad tinayo ng Dalawang mga lalaking si Richmond at iniharap sa Nag-utos nito na iharap siya sa kanya...

Nakayukong iniharap si Richmond sa lalaki na di hamak na mas matanda kasya sa mga dalawang lalaking kasama nito.
At dahi sa nakayuko ngang nakaharap si Richmond, hinila ng lalaking ito ang buhok niya...

"Naaalala mo pa ba Ako... Ah... Richmond?"

Tanong nito kay Richmond.

Napaisip bigla si Richmond kung sino ang lalaking iyon... Hindi niya makita ang itsura nito dahil nga sa nakapiring siya...

"...Ako ang dati mong manager!"

Sabi nito...

"Sir Ashton?!..." may Pagkabigla at pagtatakang sinabi ni Richmond sa lalaki.

"Ako nga!... Dinala kita dito para pagbayaran ang mga utang mo sa Akin!"

May Galit na sinabi ng Lalaking nakilala sa katauhan ni Sr. Ashton, kay Richmond...

"Bakit?!... Ano po ba ang naging utang ko sa inyo?..."

Palaisipang tinanong ni Richmond kay Sr. Ashton.

One Call AwayWhere stories live. Discover now