Chapter 29: Fr. Juarez

54 1 0
                                    


Fr. Juarez

Ayan natapos ko na ang Recommendation ko kay Ben sa Sacred Heart Seminary.
At ibibigay ko na ito sa kanya. Galing pa kase ako ng Parish Office para ipaprint ito.

Pagkadating ko sa Simbahan, natatnan ko silang nag-uusap sila Richmond at Ben sa unahang pew. Anong ginagawa ni Richmond dito? Diba kagagaling niya lang sa Aksidente?...

Lumapit na ako sa kanila...

"Ben ito na ang aking Recommendation sayo..."

Sabi ko sabay bigay ng papel kay Ben.

"Salamat po pads!..."

Sabi niya pagtanggap ng papel.

"Persevere ah..."

Sabi ko, sabay mano ni Ben sa akin.

"Pag-pray nyo po ako lagi fads."

Sabi niya...

"Sige po mauuna na po ako..."

Sabi niya sabay paalam kay Richmond. At tumuloy na siya...
Nag-mano sa akin si Richmond.

"Good afternoon po fads..."

Bati niya.

"Kaawa ka ng Diyos, anak."

sabi ko pagkaabot ng kanan kong kamay sa kanya.

Umupo pa si Richmond tila hinihintay na malayo si Ben mula sa simbahan bago umalis...

"Kamusta ka na Richmond? Kagagaling mo lang sa aksisente diba?"

Sabi ko sa kanya.

"Opo, ayos na naman po ako...

Parang may kakaiba sa kanya...

"Buti naman kung ganun..."

Parang may pinagdadaanan siya...
Lalo na nung makita ko ang nangyari sa kanya nung fiesta dito nitong linggo lang.

"Kamusta na ang pag-aartista mo?"

"Maayos naman po..."

"Kamusta naman yung mga kasamahan mo ok na ba sila ngayon..."

"Ok naman po yung karamihan sa amin, dalawa lang po sa amin ang nasa malubhang lagay."

Gusto ko pa sanang alamin ang tungkol sa aksidente...
Pero...

"Father gusto ko po sanang mangumpisal."

Ah...

Ano?!

Mangungumpisal siya?!

KAKAIBA nga toh sa kanya ngayon?
Bakit kaya?...May nagawa ba siyang malalang kasalanan?
O di kaya... Dahil sa aksidente?...

"Sige..."

At umupo na ako sa tabi niya...

"Teka lang! BOTCHOY PAABOT NG VIOLET NA STOLA!!!"

Sigaw ko sa alalay ko na si Botchoy na naglilinis ng Santo...
Personal kong napapansin ang pagiging mailap na ni Richmond sa Simbahan. Parang kailan lang kase, ay naging sacristan siya dito.
Napapaisip na ako na baka may bumabagbag kay Richmond. Pero  parang mayroon pa kaseng kakaiba sa kanya. Simula pa noong mga nakaraang mga araw... Bago pa mangyari ang hindi inaasahang aksidente sa kanila. At pagkatapos niyang sumama sa Voc Camp....

"Sige... Ano ang iyong mga nagawang kasalanan?"

Pagsisimula ko nang maisuot ko na ang stola ko.

"Alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa ko. Dahil sinubukan ko ang Diyos! Nag-alinlangan ako sa Kanya at hindi ako tumungon sa Kanya. Pilit ko pa ring isinusunod ang sarili kong kagustuhan... Kaysa sa makining sa kanya... Tinalikuran ko Siya sa gusto niyang sabihin sa akin. Hindi ako sumunod sa Kanya. Inalis ko ang pagiging masunurin ko sa Kanya para mas masunod ang ibang mga bagay kaysa sa Kanya..."

One Call AwayWhere stories live. Discover now