Third Star

5.6K 134 6
                                    

-Third Star-

REINA

KINAGABIHAN ay nagtungo kami ni Mama sa bahay na nasa tapat dahil ayon sa kanya ay doon nakatira ang kaibigan niya noong college. Nandoon rin kaya ang lalaking nakita ko noon sa balcony? Bakit ko ba iniisip iyon?

"Roxanne, andiyan ka na pala. Bueno, magandang gabi, iyan na ba ang dalaga mo?" Pinagmasdan ako ng babaeng sa tingin ko ay kasing edad ni Mommy. Nakangiti siya sa akin at ang ganda-ganda niya. Maganda rin ang suot niyang damit at mahahalata na kaagad ang estado niya sa buhay.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "She's more beautiful than I thought, anyway let's continue inside," paaniyaya niya sa amin.

"Thanks, Marianne. Sino'ng mag-aakala na after all these years, you still look the same?" Ang ganda naman kasi talaga ng kaibigan ni Mommy. Mahaba at makintab ang itim niyang buhok at balingkinitan pa rin ang kanyang katawan.

"Well, thanks for the compliment. Ikaw din naman, walang pinagbago. The lady who caught every man's eyes sa campus, same fate, right? And surely your daughter inherited the legacy," nakangiting sabi niya bago tumingin sa akin. Ano raw? Ganoon kasikat si Mama noong college? Inherit the legacy? Malabong mangyari iyon, bukod sa palipat-lipat ako ng school ay mas sanay ako na palaging mag-isa, bihira akong makihalubilo sa ibang tao. Hindi rin ako kagandahan at hindi ako naglalagay ng kung anong kolorete sa mukha kaya imposibleng makuha ko ang atensiyon ng mga lalaki sa campus.

"Mama, and'yan na po ba si Daddy?" Biglang may dumating na isang batang babae at lumapit kay Tita Marianne.

"Wala pa, eh," sagot ni Tita Marianne. Humarap siya sa amin at ipinakilala ang bata. "Si Laurein, apo ko."

"Apo?" Sa ganda niyang 'yan, batang bata pa ang hitsura pero may apo na agad?

"Yeah, she's my grand-daughter, sa akin na siya lumaki kaya Mama ang tawag niya sa akin at ang tinatawag niyang Daddy ay ang bunso kong anak."

Ang cute naman ng batang 'to, ang sarap kurutin. Kung tutuusin ay may pagkakahawig sila ni Tita Marianne. Lumapit siya sa akin, "Wow, ang ganda mo naman po, puwede ba kitang tawaging mommy?"

"Ako? Mommy mo? O sige," sagot ko na lang. Sino ba namang makakatanggi, eh, ang cute cute niya?

"Let's sit," wika ni Tita at pumunta na kami sa living room.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan nang bumukas ang pinto ng silid-tanggapan. "Daddy is here," tuwang tuwang wika ni Laurein. Tumayo siya at tumakbo patungo sa pinto. Pumasok ang isang lalaki. Siya na kaya iyong nakita ko noon sa balcony? Pinagmasdan kong mabuti ang bagong dating. Teka! Parang...kilala ko ang lalaking ito.

"Daddy," he bent on one knee. Sinuklay ng lalaking iyon ang mahabang buhok ni Laurein gamit ang mga daliri. He's smiling as he does that. "How's the day of my baby? Was it fine?"

"Okay lang daddy, Look." itinuro ni Laurein ang mga bisitang nakaupo sa sofa. "We have visitors tonight."

He stood. Kakaiba ang kabang nararamdaman ko. Bakit? Papalapit siya rito at bawat hakbang ng paa niya ay parang may kung anong umiikot sa aking sikmura! This is so unusual!

"IKAW! Ikaw na naman! Bakit ka naririto? Bakit ba lagi na lang kitang nakikita?" Hindi sinasadyang sabay naming nabigkas ang mga salitang iyon. What is he doing here?

"Daddy, kilala mo si Mommy Reina?" Anak ng patis! Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Laurein. Mukhang dina-digest pa ng kanyang isipan ang sinabi ng bata.

"Mommy? Mommy ang tawag mo sa kanya?"

"Yes Daddy, she's pretty and nice, I like her Daddy," Nakangiti pang sabi nito.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon