Ninth Star

4.1K 101 14
                                    


-Ninth Star-

LAURENCE

"CONGRATS, dude," umupo si Charles sa tapat ko, sumunod si Earl at inabot ang lata ng beer kay Charles. Nag-abot din siya sa akin ng isa pero umiling lang ako.

"Hanggang dito ba naman sa campus ay umiinom kayo?" sita ni Rondell na kadarating lang kasunod si Rodge. Umupo si Ron sa may bintana. Hindi na siya nasanay.

"Huwag ka nga'ng kill joy, Ron," ani Charles. Nag hi-5 pa sila ni Earl. Mga loko.

Naglakad ako patungo sa glass wall kung saan tanaw ang malawak na bahagi ng university.

"Congrats sa success ng exhibit mo. Marami ka raw nabentang pictures," ani Rondell.

"Salamat," tinanguan ko siya at humarap na ako sa glass wall. Pinanood ko na lang ang nangyayari sa labas.

"TGIF! Bar tayo mamaya. Wala namang pasok bukas," ani Earl na sinang-ayunan ni Charles.

"Sa Unknown tayo," ani Rodge.

"Wala ka ba'ng practice?" Tanong ni Ron. Umiling si Rodge.

"Next month pa ang sunod na project ng theater club. Busy rin si Yvonne at ang ibang members sa ibang bagay." Ngumisi ang lokong si Earl. Gigimik na naman ang tatlong ito.

"Paano, Rence?" Tumingin siya sa akin bago lumingon kay Rondell. "Ron? Game?"

"Pass," sabay na sagot namin ni Ron. Nagkatinginan pa kami at sabay na umiling.

"Lumabas nga kayo sa mga lungga n'yo," ani Earl bago ilapag ang lata ng beer sa center table. "Palagi kayong nakakulong sa mga mundo ninyo," palibhasa walang laman ang utak ng isang ito kundi gimik at babae. Naglakad siya papalapit sa akin at humarap din sa glass wall. Mula rito ay tanaw ang mga estudiyanteng naglalakad sa pathway, mga naglalaro sa field at kung ano pa. Malawak ang Ayala University, maraming estudiyante mula elementary hanggang college at sa bawat araw ay maraming nangyayari.

"Yong diwata mo, Charles," ani Earl, sabik na tumakbo si Charles palapit sa amin. Hinanap ng kanyang mga mata ang tinutukoy ni Earl na diwata. Lumapit din sa amin si Ron.

"Shit! Ang ganda niya talaga!"

"Nasaan ba ang diwata mo?" tanong ni Rodge. Sinundan ko ng tingin ang daliri ni Earl nang ituro niya ang isang babaeng nakaupo sa bench sa may garden. Tumatawa ang babaeng iyon at tama si Charles, maganda ito pero napako ang mga mata ko sa kasama nitong babae. Reina Reymundo. Sinasabayan niya ang pagtawa niyong babae. Nakakaaliw siyang tingnan. Maganda ang pagkakakurba ng kanyang mga labi kapag nakangiti, parang tumatawa rin ang kanyang mga mata. Pinigilan ko ang sarili ko na kunin ang camera at kuhanan siya ng litrato. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon, nitong mga nagdaang araw ay lagi siyang nakabusangot. Muli kong naalala ang nangyari noong nakaraan. Pakiramdam ko ay magpapawis pa rin ako kahit naka-full blast ang aircon. Hindi ko akalain na mahahalikan ko siya dahil lamang sa sinabi ni Laurein. Hindi yata magandang ideya na ituloy pa ni Laurein ang pagtawag sa kanya ng mommy.

"Kayo na lang ang mag-bar," ani Charles. Ang bilis yatang magbago ng isip ng isang ito.

"Yayain natin 'yang diwata mo, isama na rin natin iyong kasama niya. Chicks din," Nakangising suhestiyon ni Earl. Sinapak naman siya ni Charles. Napakunot ako sa sinabi ni Earl. Sa tabi ko ay malalim ang buntong hininga na pinakawalan ni Rondell, umiling siya at naglakad na papunta sa sofa.

Hindi maaaring hayaan ko na lang si Reina na sumama sa bar, maraming gago sa ganoong lugar. Nangako ako kay Tita Roxanne na hindi ko siya pababayaan, isa pa ay malilintikan ako kay Mommy. Kailangang may gawin ako. Pero ano'ng gagawin ko?

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now