Twenty Eighth Star

3.1K 64 1
                                    

REINA


HINDI ko namalayan na sinundan pala ako ni Laurence. Mabilis kong binura ang tandang pananong na ginuhit ko sa buhangin. Hinatak ko na rin siya palayo roon. Anak ng patis! Kinabahan ako roon. Ano na lang sasabihin ko kapag tinanong niya sa akin kung para saan iyon?

"Dito na lang tayo," aniya at huminto kami. Sabay naming hinintay ang paglubog ng araw. May mga magkakapareha na tulad namin ay naka-upo rin sa buhangin at naghihintay.

A few seconds later, the rose and peach sunset started to drain away beneath the horizon and the sky became a charcoal canvass painted with the specks of silver.

"See, maganda ang sunset dito."

"Oo na! next time, isama natin si Laurein dito."

"As you wished," nginitian niya lang ako at muling binalikan ang pinakamamahal niyang camera. Kinuhanan niya ng larawan ang paligid. Nakakainis! Kapag hawak niya iyon ay hindi niya hinahawakan ang kamay ko!

Ano'ng kalokohan iyan, Reina?

"Sino ba si Gelou sa buhay mo?" bigla ay naitanong ko na lamang. Halos sabunutan ko ang aking sarili dahil sa tanong na iyon. Saan ba iyon nanggaling?

"Anak siya ng caretaker namin, kababata ko."

Nasabi na niya iyon kanina!

"Ganoon ba? Okay." Ngumiti ako ng peke. Pero bakit parang hindi naman ako okay?

"Okay." Ngumiti siya sa akin at binitiwan na iyong camera.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay kong nakatukod sa buhangin. Ang lapad-lapad ng ngiti niya, umaabot hanggang mata.

"Ngingiti ngiti ka pa riyan, nakakatunaw kaya. Itigil mo nga iyan. Sipain kita diyan." Bulong ko sa hangin.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala!" singhal ko. Huuu! Nakakainis! Ano ba itong nangyayari? Bakit ang saya-saya ng praning na ito samantalang nahihirapan na ako dito.

Naramdaman ko na lamang na binitiwan niya ang kamay ko. Lumipat iyon sa aking balikat. Naka-akbay na siya sa akin ngayon. Gamit ang isang kamay ay inihilig niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Katulad noong nasa Secret Haven kami. Muling sumipa ang puso ko. Bakit ba iyon ang naalala ko?

"Laurence, ano itong ginagawa mo?"

"Nagpapaka-romantic, fail ba?"

Gusto kong matawa dahil sa sagot niya. Nagpapaka-romantic? Seriously? Wala rin nga pala siyang experience sa love, noon ang akala ko ay grupo ng mga playboys ang Royal Astra at ang hilig nilang gawin ay paglaruan ang damdamin ng mga babae. Wagas din kasi kung magbigay ng warning noon si Valerie.

"I hope we'll stay like this for a much longer time. Thank you for coming with me," aniya. Nagmamarathon na naman ang puso ko!

"Crescent moon pala ngayon." Sinubukan kong bale-walain ang sinabi niya. Tumingin na lang ako sa langit. As much as possible ay gusto kong iligaw ang takbo ng isip ko.

"Oo nga. Pero maiba ako, naalala mo pa ba ang Archer's Arrow?" tanong niya.

Oo, naalala ko, paulit-ulit nga iyon sa isipan ko.

"Ah, iyon ba? Yeah, naaalala ko pa pero it meant nothing right?"

Utang na loob, huwag kang magsasabi ng kung ano na magpapa-marathon na naman sa puso ko.

Tumingin siya sa akin. May kakaiba sa mga mata niya. Nawala iyong ngiti niyon kanina. Mukha siyang disappointed. "That is just what you think about it?" Hindi pero.... "Well, I cannot change your mind but to me it means a lot." Makahulugan niyang sabi bago tumingala sa langit.

"What do you think about the stars?" Change topic!

"The stars are the symbols of hope, faith, luck and maybe love." Sagot ni Laurence.Maling tanong pa yata ang naitanong ko.

"Do you remember that you told me before that you didn't know what love is. How come that you could say that a star signifies love?" Bakit hindi ko mapigilan ang dila ko kapag si Laurence ang kausap ko? At bakit parang umaasa ako—

"I don't know, maybe I'm starting to learn." Nagkibit balikat lamang siya.

I sighed. Bakit parang nakaramdam ako ng relief? Umaasa ba ako na ako iyong natututunan niyang mahalin?

Alisin mo iyan sa isip mo, Reina! Remember, hindi mo dapat gustuhin ang isang bagay na imposible mong makuha.

"What about you? What do you think about the stars?"

"Stars, they are guardians. A star for me is a guiding light. It gives me warmth. It guides me along the way. Wherever I'll be heading, there'll be a star to watch over me." I answered, almost like a whisper habang nakatingin sa kalawakan.

"This is a bracelet I brought back in Singapore." Inilahad ni Laurence ang kanyang kamay. Napaalis ako bigla sa pagkaka-akbay niya. Ang ganda-ganda ng bracelet na hawak niya. Silver iyon na may pendant na star sa dulo.

"Bakit pambabae? Bading ka?" pabirong sabi ko pero sa kabila niyon ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Tanga siguro ako kasi umaasa ako... umaasa na ibibigay niya iyon sa akin.

"Hindi ah! I just want to give it to you." Kailangan ko na ba'ng magpatingin sa doktor? Kanina pa may problema ang puso ko.

"Bakit naman sa akin mo ibibigay iyan? Saka ang tagal na rin naman mula noong nagpunta tayo roon, bakit ngayon lang kung para sa akin talaga iyan?"

"Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ibigay to sa'yo. Reina, I just want to say thank you for always being there for me and for Laurein."

"Hindi ko naman kailangan iyan, a simple thank you is enough." Hinawakan niya ang isa kong kamay at sinuot iyong bracelet.

"Remember this, Reina Empress Reymundo, I will always be your star whether you like it or not," sabi ni Laurence bago ngumiti ng nakakaloko.

Naramdaman ko na naman ang paghuhuramentado ng puso ko. Pakiramdam ko ay unti-unting umaakyat ang init patungo sa aking pisngi. Hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko kung saan niya isinuot ang bracelet na may pendant na star. Sa pagkakahawak niyang iyon ay parang may milyon-milyong boltahe ng enerhiya ang dumaloy mula sa kamay niya patungo sa lahat ng ugat ng aking katawan— straight sa puso ko.

You will always be my brightest star, Laurence.

"Ewan ko sa iyo, bahala ka," asik ko na lamang. Hindi pa ako handang harapin ang nararamdaman kong ito. Ayoko ring komprontahin si Laurence kung ano ba'ng ibig-sabihin ng mga ginagawa niya... baka sa huli ay mapahiya lang ako.

"Bahala talaga ako, I will always be your star no matter what happens."

"Tara na nga, lumalalim na ang gabi." Sabi ko. Another few minutes with him at mag-eexplode na ang puso ko.

"Baka sipunin ka pa, balik na tayo sa rest house."

"Inaantok na nga ako."

Tumayo na kami at naglakad pabalik habang naka-akbay sa balikat ko si Laurence.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now