Twenty Fourth Star

3.1K 74 4
                                    

REINA

Kailangan ko nang makatapos kaagad ng isang novella pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung paano iyon gagawin. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa blangkong Microsoft Word pero ni isang salita ay wala akong masulat. Inabot na ako ng ilang oras dito sa balcony. Bakit ba ganitong concept ang ibinigay sa amin? Nakakatuyo ng braincells.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang balcony sa tapat. Nandoon si Laurence na seryosong nakaharap sa kanyang laptop. Kanina pa ba siya roon? Hindi ko napansin. Hindi pa kami nag-uusap mula noong isang gabi. Hindi ko siya mahagilap. He asked me to stay pero siya naman iyong palaging nawawala.

Umiling na lang ako. Maybe he's not really meant to stay. Nothing's permanent in this world, sanay na ako sa bagay na ito. Isa ito sa mga bagay na pinaniniwalaan ko, dahil na rin siguro lumaki ako na palipat-lipat kami ng bahay. Walang permanente. Maraming nagbabago. Maybe he's just going to stay for a little while hanggang sa matapos na ang misiyon ko... ang maibalik ang Laurence sa likod ni Iceberg.

Pinagmasdan ko lang siya. Itinukod ko ang aking dalawang siko sa mesa at nangalumbaba.

Thump! Mabilis ang lagabog ng dibdib ko nang tumunghay siya at nagtama ang aming mga mata. He's got a pair beautiful eyes. Daig ko pa yata ang tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Kaagad na umiwas ako ng tingin at binalikan ang ginagawa ko sa aking laptop. Something's happening to me but I can't point it out!

Iceberg messaged you.

Naka-bukas nga pala ang messenger ko.

Iceberg:

Megaphone, gabi na. Bakit di ka pa natutulog?

Blue Rose:

Madami pa akong ginagawa Iceberg, inaayos ko pa ang concept ng novella ko.

Iceberg:

About?

Blue Rose:

Hmmp... nakakapraning na nga ito, eh. I've never experienced a thing like this pero kailangan kong gawin ang novella na ito, ang hirap tuloy kumuha ng idea.

Iceberg:

Parehas lang tayo, kailangan ko ng concept para sa exhibit ko sa susunod na linggo at hanggang ngayon wala pa rin akong idea. Wala namang naitulong ang mga mokong kong kaibigan.

Blue Rose:

Ano bang kailangan mong concept? About saan?

Iceberg:

About love. Romance.

Blue Rose:

Ano ba iyan? Ganiyan din ang theme na dapat kong sulatin. Ang problema nga lang ay never pa akong na-inlove, ni hindi ko alam ang pakiramdam ng in love.

Bumalik ang tingin ko kay Laurence. Titig na titig siya sa akin. Muling lumagabog ang dibdib ko.


LAURENCE

Blue Rose:

Ano ba iyan? Ganiyan din ang theme na dapat kong sulatin. Ang problema nga lang ay never pa akong na-inlove, ni hindi ko alam ang pakiramdam ng in love.

Mabilis na dumapo ang mga mata ko kay Reina. Mula sa balcony na iyon ay sinalubong niya ang mga titig ko. She has never been in love. Hindi ko mawari kung bakit nasiyahan ako sa nalaman ko. If she's never been in love, then there's nothing between her and Rondell. Ngayon pa lang ay pipigilan ko na ang pagkakataon na mahulog siya rito... na masaktan siya and more than that...I could still keep her.

Iceberg:

What are you going to do?

Blue Rose:

Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung saang lupalop ng daigdig ako hahanap ng tulong para rito.

Iceberg:

So do I, why don't we help each other?

HINDI ko alam kung saan iyon nanggaling. Basta naisip ko na lang na gusto ko siyang makasama. Sana ay pumayag siya.

Blue Rose:

Sigurado ka?

Iceberg:

Oo naman.

Blue Rose:

May naiisip na akong romantic scenarios kaso mahirap isulat kung hindi ko mismo nararanasan.

Blue Rose:

I mean, hindi ko nakikita first hand. I'd like to make the story appeal more personal. Afterall, you can find inspiration when you observe the people around.

Iceberg:

I could only agree. We will work things out together, kaya natin ito.

Blue Rose:

Thanks, Rence.

Iceberg:

You need not say that, the gratitude is mine. Wala akong klase for the rest of the week.

Blue Rose: Ako rin.

Iceberg:

See you tomorrow.

Blue Rose:

See you, bye.

Iceberg:

Bye :)

Nag-sign out na si Reina. Mula rito ay pinagmasdan ko siya, isinarado na niya ang kanyang laptop. Tumingin siya sa akin and I smiled at her. I couldn't help but smile back.

Bakit sinabi ng mga mokong na iyon na in-love ako? I don't even know how to love.

How to love?


m

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon