Catching a Falling Star- 6

1.9K 41 7
                                    

-Reina-

NAGISING ako na parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Para itong pinupukpok ng sampung martilyo. Hinilot ko muna ang aking sentindong pumipitik sa sakit habang nakapikit nang mariin saka ko sinubukang imulat ang mga mata ko. Napapikit akong muli nang masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ano'ng oras na ba? Bakit sobrang liwanag naman yata?

Oh, no! Nagmulat ako kaagad saka ko tiningnan ang orasan sa may side table pero laking gulat ko na wala naman akong nakitang orasan doon. Kumurap-kurap pa ako para makasiguro na wala nga.

Paano'ng nangyari? Pinukpok ko nang bahagya ang ulo kong sumasakit pa rin. Sinusubukan kong mag-isip nang matino pero wala talagang nangyayari.

Ano ba, Reina?! Umayos ka nga! Anak ng patis naman, oh!

"Gising ka na pala." Napatalon ako nang makita kong lumabas ang isang lalaki mula sa isang pinto. Connecting door pa yata iyon? Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pantalon. Umangat ang tingin ko sa mukha niya.

"R-ron? Paano? Bakit? Aaaahhh!" muli akong napapikit dahil sumakit na naman ang ulo ko. Ano ba'ng nangyari? Bakit ganito?

"Iyan kasi. Inom nang inom hindi naman pala kaya. Tsk." Narinig ko ang pagcreek ng kama at ang bahagyang paglundo nito. Naramamdam ko rin ang brasong pumulupot sa balikat ko.

" Rei... don't let your longing for Laurence eat you. He is not here because he has reasons. Whatever his reasons were, we have to understand. I know you love Rence and he loves you, too. Let your love be your strength."

He is not here because he has reasons. Whatever his reasons were, we have to understand.

Napamulat ako ng mata at naitulak ko si Ron na dahilan ng pagkahulog niya sa sahig. Tinitigan ko siya ng deretso. Punong puno ako ng katanungan.

He is not here because he has reasons. Whatever his reasons were, we have to understand. Muling nag-play iyon sa isipan ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit.

"Alam mo kung bakit wala si Rence? Alam mo?" halos nabubuhol kong tanong sa kanya. Marami pa akong gustong itanong pero hindi ko masabi. Para akong nakalunok ng kung ano na bumabara ngayon sa lalamunan ko.

"Rei..." tumayo siya at unti-unting naglakad palapit sa akin. Iniharang ko ang isang palad ko at umiling. Huminto siya sa paglalakad. Rumehistro ang gulat at pangamba sa kanyang mukha. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin.

"No, Rei... that's not what I mean."

"Hindi iyan ang sagot na hinihingi ko, Ron!" halos sumigaw na ako. Nanginginig ang kalamnan ko at parang pinipiga ang puso ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig na dumadaloy sa aking pisngi. Heto na naman ang mga luha ko. I promised myself na hindi na ako iiyak pero heto na naman sila, nag-uunahan na tumakas sa mata ko.

"Alam mo ba kung bakit wala si Rence? Alam mo ba kung nasaan siya? Ron! Sagutin mo ako. Please! Sagutin mo ako," hindi ko alam na may iluluha pa pala ako. Sa sobrang tagal na, hindi ko alam na kaya pang maglabas ng tubig ng mga mata ko.

I've been crying since then. I thought my tears have been to drought already but I was wrong because the mere mention of his name made the waters flow out of my eyes. The possibility that Ron knew where he Laurence is pierced my heart.

"Ron! Alam mo kung gaano ko kagusto na makasama ulit si Rence. Kung may alam ka, sabihin mo sa akin. Don't keep things from me."

"Reina..." mahina niyang wika. Bahagya siyang tumingin sa akin. He was surely testing the waters. "Mahal ka ni Laurence. Hindi ba't iyon naman ang importante."

Pinagmasdan ko siya. May pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Anak ng patis naman! Nakakabobo ang pagpapaligoy-ligoy mo." asik ko sa kanya. Pilit kong pinupunasan ang pisngi kong basang-basa na ng luha pero ang pasaway lang ng mga mata ko. Ayaw tumigil. Hindi maalis ang nagngangalit na pakiramdam sa loob ng aking dibdib. Parang apoy na sumiklab ang galit at sakit. Napakadaya niya.

"Rein..."

"Mahal ako ni Rence? Sabihin na nating mahal nga niya ako. Pero ang tagal niya nang wala. Ang tagal ko nang naghihintay. Ilang buwan na, Ron? Ilan? Kung talagang mahal niya ako, bakit hindi pa siya bumabalik? Kung ano man ang dahilan niya at tinangay siya ng witch na iyon, if he loves me enough, gagawa siya ng paraan para bumalik sa akin. Pero wala. Walang King Laurence Madrigal na dumating. Wala iyong taong nangakong magiging "brightest star" ko. Iniwan niya ako. Iniwan niya ako sa dilim."

All my life, I lived in the dark. Umikot ang buhay ko sa kasinungalingan until Laurence came and told me that there is still light. That he would be my star. He would be my light. But where is he now?

"Ang dilim, Rondell. Ang dilim-dilim." And with that I broke down and cried harder. I could feel Rondell's hand on my chin. My eyes were close as the tears pour.

"Open your eyes, Reina! Hindi habang-buhay ay hahayaan mo ang sarili mo sa dilim. May liwanag pa," pag-aalo niya sa akin na lalo kong kinainis.

"Liwanag? Wala na! Paano ko pa makikita iyon kung iniwan na niya ako? My star has left me. He left!"

"Rei..." he tilted my chin and whispered something that made me open my eyes.

"I could also be your light only if you would let me."

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now