Catching A Falling Star- Prologue

2.2K 40 1
                                    

Royal Astra: Catching a Falling Star

(My Miss Blue Rose Sequel)

By: ShaniahMystiqueBlue

(TO BE PUBLISHED)


"Kung saan ka man makarating, kapag napagod ka na sa pagtakbo, I just want you to know that I will be here, waiting for you to come back home."



Prologue

Once upon a time, there lived a beautiful princess and a handsome prince. And they lived happily-ever-after— 'The End'

Ganoon kasimple ang karamihan ng mga kuwento. Ganoon ang mga fairytales. May isang prinsesa na nakatakdang maging maligaya habang buhay kasama ang kanyang prinsipe. Pero hindi ganoon sa totoong buhay. Isa lang iyong malaking kalokohan. Sa reality, ang happiness na siguro ang bagay na pinaka-imposibleng makuha. Kahit gaano mo pa hilingin. Kahit ilang beses ka pang umiyak. Umasa. Kahit gawin mo pa siguro ang lahat, hindi mo pa rin makukuhang maging masaya.

Alam ko. Alam ko ang pakiramdam na humiling sa isang bagay na hindi ko naman makuha-kuha. Ang maghintay. Ang patuloy umasa. Ang magmukhang tanga. Pero, hindi ko pa rin makamit ang gusto ko. Iyon lang naman ang gusto ko. Isang bagay lang— pero pinagkakait pa rin sa akin. I only want happiness but it is still a distant word.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinandal ang aking likod sa backrest ng sofa na aking inuupuan. Sa aking pagpikit ay patuloy na umagos ang mga luha kasabay ng pagbuhos ng mga aalala.

A long time ago, I was a damsel in distress who was rescued from pain by a knight-in-shining-armor. In the end, he turned out to be my prince charming.

And once, he was a lonely prince, hidden in a mask of ice— frigid and impassive. He told me before that I could make him smile, make him show the real side of him, and since then our happy-ever-after-started— our happy ending.

Pero, akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Akala ko ay magtatapos ang aming kuwento na may habang buhay na kaligayahan. I thought my prince and I will be together forever. He will become a king and I will be his queen at itatayo namin ang sarili naming kingdom. Maling akala lang pala ang lahat.

Dahil tulad ng sa ibang kuwento ay mayroong wicked witch ang istorya ko. Isang cliché na elemento. Isang karakter na siguro nga'y hindi puwedeng mawala. In my story, the wicked witch took my prince charming away from me, she took away my star.

I have done everything, but still, my story didn't end with a happy-ever-after.

And now, I'm back to being the damsel in distress. I am living a life with starless sky, like a withered rose. I breathe but I am lifeless.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now