Catching A Falling Star - 22

1.7K 41 1
                                    

-Reina-

"WHERE have you been? We were calling you for countless times. We called the office, hindi ka raw pumasok. We called Rondell pero hindi ka raw niya kasama. We were worried as hell, Reina. Sa susunod ay magsabi ka naman."

Panay ang tanong ni Daddy habang inaakyat namin ang hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ni Lolo pero nanatiling tikom ang aking bibig. Wala pa ako sa huwisyo para pag-usapan ang mga nangyari.

Daddy heaved out a frustrated sigh. "Are you with Laurence the whole time?" lumingon siya sa akin at tiningnan ako gamit ang mapanuring mga mata. Nanatili akong nakayuko. I couldn't meet his gaze knowing that it would fail me.

"You don't have to answer. It's quite obvious."

"Daddy, I'm really sorry," iyon lang ang kaya kong sabihin ngayon.

"Malaki ka na, anak. Kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. But make sure to weigh everything para hindi ka na muling masaktan. All we want for you is to be happy, nasasaktan kami sa tuwing nakikita ka naming umiiyak. He's the reason why you are hurting but we also know na siya lang din ang magpapasaya sa iyo." Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Kaagad kong niyakap si Daddy.

"Thanks, Dad." Hindi ko inasahan na ganito ang magiging pag-uusap namin ni Daddy. I didn't expect him to be this understanding. Akala ko ay pagagalitan niya ako at sesermunan dahil sa ginawa kong katangahan.

"Do what makes you happy pero sa oras na masaktan ka ulit, hindi ko maipapangako na hindi ako makiki-alam." Matigas niyang sabi bago kumalas sa pagkakayakap.

Mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong pa dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.

"Let's see your Lolo. Marami ka pang dapat malaman," aniya bago naunang maglakad.

"By the way, Ina," huminto si Daddy sa paglalakad at bumaling sa akin. Sobrang seryoso ang kanyang mukha. Tumatagos ang titig niya sa akin. Para ba'ng may kung ano'ng nais ipahiwatig. "Things are actually more complicated than it looked like," makahulugan niyang sabi bago magpatuloy.

Sumunod na lamang ako at sinubukang ayusin ang takbo ng isip ko. Pero dahil sa sinabi ni Dad ay lalo lamang akong naguluhan. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

• ♥•♥•♥•

KAAGAD akong tumakbo palapit kay Mommy nang makita ko siya sa tapat ng pinto ng silid ni Lolo. Namumugto ang kanyang mga mata. Kinukurot ang aking puso dahil sa nakikita ko. Dagling nawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Daddy. Hindi ko dapat abalahin ang aking utak dahil sa bagay na iyon, may mas importante pang dapat pagtuunan ng pansin at iyon ay ang pamilya ko.

"Ina."

"Mom, how is he?"

Umupo siya sa bench at tinabihan ko naman siya. Umalis si Daddy dahil may biglang tumawag sa kanya.

"Hindi pa rin stable ang kanyang kondisyon. He's still fighting."

"Ano po ba'ng nangyari?"

"Umabot na sa stage four ang colon cancer niya. Kahit ang operasyon ay walang nagawa para pigilan ang pagkalat ng cancer cells." Nagbuntong hininga si Mommy bago hinawakan ang kamay ko.

"Kailan pa ito? Kailan pa may sakit si Lolo? Bakit hindi ko alam?"

"Few months ago. I'm sorry, Ina, hindi namin nasabi sa iyo?" Binitiwan ko ang kamay ni Mommy at tumayo ako. Naglakad ako nang pabalik-balik sa harap niya. Pilit kong inaanalisa ang mga nalaman ko.

"Ilang buwan na pero wala akong kamalay-malay? Lahat na lang ba ay ililihim ninyo sa akin? Pati ba naman ito? Ma, naman," I almost shouted. Nangangatal ang aking boses. I didn't expect na maging ang ganito ka-importanteng bagay ay hindi ko alam.

I consumed myself with the pain of losing Laurence samantalang may ganito na palang sitwasyon, pakiramdam ko tuloy ay ang sama-sama kong tao.

"We couldn't tell you. Ayaw ng Lolo mo na malaman mo. Ayaw niyang madagdagan pa ang mga iniisip mo. He wanted you to be happy, he wanted you to fight for Laurence. Kung malalaman mo pa ang tungkol dito ay baka bitiwan mo na lang basta ang kaligayahan mo."

"What?" tinitigan ko si Mommy. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ano'ng kinalaman ni Laurence dito? Lolo is sick, he's dying. What has it to do with me and Laurence?"

"Hindi ako ang makapagsasabi sa iyo niyan, Ina."

Muli kong tinitigan si Mommy pero yumuko lamang siya at umiwas ng tingin. Gulong gulo na ang takbo ng isip ko. Patong-patong na ang mga katangunan. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang maze at hindi ko alam ang daan palabas.

"What else? Ano pang hindi ko alam? Ano- ano pa ang mga lihim at kasinungalingan ninyo? Puwede ba na ipaalam n'yo na sa akin. Huwag n'yo naman akong gawing tanga. Don't I deserve to know everything? Wala na ba akong karapatang malaman ang totoo. You know how much I loathed lies and secrecy pero pare-pareho lang kayo. Paulit-ulit n'yo lang akong niloloko."

Walang humpay ang pag-agos ng luha ko nang layasan ko si Mommy. Walang katapusan ang pagbagsak ng mga butil ng tubig sa aking mga mata, katulad ng mga kasinungalingan nila na tila hindi mauubos, katulad ng mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

Pigil hiningang pinihit ko ang seradura ng pinto ng kuwarto ni Lolo. Lalong bumuhos ang mga luha ko nang makita ko siyang nakaratay. Kaagad kong hinila ang isang silya at umupo sa gilid ng kanyang kama.

Pinagmasdan ko si Lolo, natutulog siya. Ang laki ng ipinayat niya. Bakit hindi ko iyon napansin? Masyado ko ba'ng naituon ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko? Masyado akong naging ignorante sa ibang bagay. Totoo ngang nakakawala sa sariling kaisipan ang magmahal, nagiging bulag ang isang tao sa nangyayari sa kanyang paligid kapag nagmahal siya at nasaktan.

"Lolo..." hinawakan ko ang kanyang kamay. Malamig iyon at tila wala nang buhay.

"Lolo, magiging okay ka, 'di ba? Promise, hindi na ako magpapasaway maging okay ka lang. Palagi na akong papasok sa opisina. Hindi ko sisirain ang pinaghirapan mo. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko sa Reymundo Empires."

Reymundo? Saglit akong natigilan. Isa akong Reymundo. Hindi ako para sa isang Madrigal. May kinalaman ba iyon sa sinabi sa akin ni Mommy kanina? Na nilihim nila ito sa akin para ipaglaban ko si Laurence. Ito ba ang tinutukoy ni Daddy na mas kumplikado? Nakakasakit na talaga ng utak ang lahat ng ito. Parang bagyo na basta na lamang humagupit.

Mabilis akong tumayo at pinunasan ang mga mata kong hilam sa luha. Alam ko kung sino ang makakasagot sa napakarami kong katanungan. Puwede kong tanungin si Lolo pero sa kondisyon niyang ito ay hindi makakabuti sa kanya.

Lumabas na ako ng kanyang silid. Hinarang ako ni Mommy at mukhang may nais sabihin. Pero umiling lamang ako at nilagpasan siya.

Pagod na akong maging mahina. Nagsasawa na ako na maging tanga sa paningin nila. I have to know the damn freaking truth. Kung ayaw nilang sabihin sa akin, ako na mismo ang maghahanap ng sagot. 

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now