Catching A Falling Star- Epilogue

3.8K 78 11
                                    

Epilogue

-King Laurence Madrigal-

SEVEN days. Seven days of loneliness. Of emptiness and self-recrimination. Of sense of loss I think I could never recover from.

Pitong araw na mula noong umalis si Reina at pumunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. She's not answering my emails. All of her social media accounts were deactivated. I could not track her down. I told myself to be patient. To just wait. She would be back soon. She was just thinking things out. But damn it, living without her was like living in hell. It was like waiting for my own death sentence.

No one was telling me where on earth I could find her even if I asked them. Even if I begged. It was so frustrating. I wanted to strangle them for not telling me. But I couldn't because I know she asked for it.

So this was how she felt like before? This frustration. This devastation. Napakalaki ko pala talagang gago. Nagawa kong saktan ang kaisa-isang babaeng minahal ko at patuloy na minamahal. I have hurt her so many times I want to punish myself for all of those.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sumandal ako sa back rest ng sofa. Kusa na lamang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Mahirap na ang taong gustong gusto mong makasama ay siya namang malayo sa iyo.

Bawat umagang gumigising ako na hindi siya kasama ay unti-unting nababawasan ang buhay ko.

Bawat gabing ipinipikit ko ang aking mga mata para matulog ay hinihiling ko na sana ay hindi na ako magising kung hindi rin naman siya babalik sa akin.

Marami nang pinagdaanan ang pagmamahalan naming ito at hinding-hindi ko ito isusuko nang basta na lang. I have gone through the deepest pits of hell and back at kung kinakailangan kong bumalik sa impyerno, kung kailangan kong maranasan ulit ang lahat ng sakit ay gagawin ko makasama lang siyang muli.

"YOU ARE not going to marry that Reymundo and that is final. My decision is clear," mariing wika ni Lola nang sabihin ko sa kanya na tutol ako sa plano niyang ipakasal ako sa iba. I would never marry any girl... never, except if her name is Reina Empress Reymundo.

"You don't know what you are saying, King Laurence. You don't know me." Mabigat niyang wika. Of course, I know her. She's my control freak of a grandmother. Witch incarnate. But I would never allow her to control me. I have my own mind and I definitely know what I am talking about. I don't want anyone except My Rose.

"Tandaan mo, ayoko na sinusuway ako," matigas niyang sabi. Tinitigan pa niya ako nang may madilim na nanlilisik na tingin. Nasindak ako sa titig na iyon pero matapang kong sinalubong ang kanyang titig. I would never step back.

"Disobey me or else, you will never see your precious daughter... I mean, your niece again." Nanunuya niyang wika. Nagsimula na akong kabahan. Kilala ko si Lola. Hindi siya marunong magbiro. Kapag sinabi niya ay ginagawa niya. Kahit pa kaming pamilya niya ay kaya niyang pahirapan masunod lamang ang gusto niya.

"Ilalayo ko si Laurein sa iyo. Your father's company will crumble into pieces dahil sa ginawa ninyong pagsuway hanggang sa magmaka-awa siya sa akin. Maging ang pamilya ng babaeng iyon ay magdurusa. She's not meant for you. You should never trust someone like her. I am your grandmother. I know what is best for you."

"You are cruel, Lola. You never changed. You have to physically damage me, you have to kill me first before you hurt Reina and her family." Nilayasan ko na si Lola Rosalie. Hindi ako makapapayag na mangyari ang gusto niya. Choosing other girl instead of Reina is like suicide. I rather kill myself.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now