Twenty seventh Star

3.1K 67 4
                                    

REINA

"MABUTI naman na kahit February ay medyo marami na rin ang mga tao rito, makakapag-observe tayo ng matino," ani Laurence habang naglalakad kami sa baybaying dagat. Nakasunod lamang ako sa kanya.

"Oo nga," tipid kong sagot. Wala akong balak makipag-usap. My heart leapt into my throat the moment he held my hand earlier and my voice will probably fail me if I'm going to say anything.

"Siguro naman ay may couples dito," aniya. Lumingon siya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kuryenteng hatid nito.

"Teka, ba-bakit mo na naman hawak ang kamay ko?" halos nauutal kong wika. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tatraydurin ako ng dila ko.

"Gusto ko lang... I mean, how would we know how those couples feel if we will not try? You said you want to see them firsthand. It's one of the scenes on the list that you said."

But we are not couples! Kung sana ganoon kami ay mas madaling tanggapin!

Ano raw? Nililito na naman ako ng sarili kong isipan. I mentally spank myself and breath deeply.

Tinitigan ko ng malamig ang kamay naming magkahawak. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako apektado. Wala lang ito. Kailangan ko lang itong gawin para sa project. Pagkatapos nito ay babalik na kami sa dati.

You're pretending to be couples. That's easy, really easy. Sarkastikong litaniya ng isang bahagi ng utak ko.

"Tara na," ani Laurence. Tinangay na niya ako sa kung saan man niya balak pumunta. I'm trying my best to be a cold-faced Reina.

"You're acting strange," aniya. "Nawawala si Megaphone, naiwan yata sa Maynila," hinampas ko siya sa braso pagkarinig ko niyon.

"Sinapian ka na naman, Iceberg." Humalakhak siya ng malakas. Lalong naningkit ang singkit na niyang mga mata. Wala na! Gumuho na ang depensang itinatayo ko pa lamang. "I miss that," aniya na nakapagpahinto sa akin.

"Ewan ko sa iyo."

"Let's just continue walking until we found something interesting," bigla ay seryoso niyang sabi. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

•♥•♥•♥•

"RENCE."

"Hmmm."

"Ice cream, oh, doon mayroon," itinuro ko si Manong na nagtitinda ng dirty ice cream sa may hindi kalayuan.

"It's on the list, right?" tumango ako. Kagabi ay napag-usapan namin ang mga scenes na naiisip ko, isa na ito roon.

"What do you want?" tanong ni Laurence.

"Chocolate flavor, ano pa ba?" tugon ko naman.

Balik na ulit kami sa normal. Mas magiging madali kung mawawala iyong tensiyon na ako naman ang nagpasimula. Kailangang matapos ang lahat ng ito nang matiwasay. I need to act normal. Hind niya dapat malaman na naguguluhan ako sa sarili kong damdamin nang dahil sa kanya.

"Manong, dalawa nga pong chocolate flavor," ani Laurence nang makalapit na kami sa ice cream vendor. Habang kinakain namin iyong ice cream ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad. And our hands are still entwined.

"So what do you think?" bigla ay tanong niya.

"What do you mean?"

"About our observation? Do you think we can make it?"

"Siguro naman. If we would give better than that of the best that we could give ay siguradong matatapos natin ito ng matiwasay."

"Yeah, you're right. So we should not have any problem especially between the two of us for the whole week." Sabi naman ni Laurence.

"Yeah I understand, no worries, it's fine with me," hindi siguradong sagot ko. Kaya ko nga ba talaga?

"Alas-sinco y media na pala. Maya-maya ay takip-silim na, magandang pagmasdan ang sunset dito."

He let go of my hand at kinuha ang camera niya na nakasabit sa kanyang leeg. Nagpicture lang siya ng mga tao sa paligid especially iyong magagamit niya sa exhibit.

Habang busy siya ay nagpahinga muna ako. Kanina pa rin kaming naglalakad. Umupo ako sa buhangin at pinagmasadan ko lamang siya. With his camera, he could be his self. Muling lumukso ang puso ko nang bigla niyang itutok ang camera sa akin.

"You are really beautiful when you are lost with your own thoughts," aniya. Bago pa ako maka-react ay tinalikuran na niya ako at muling kumuha ng mga larawan.

Tumayo ako. "May gagawin lang ako saglit." Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. He told me that I'm beautiful! Nagsasayaw na ng tango at zumba ang mga paru-paro sa aking sikmura dahil sa kanilang narinig.

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan palayo sa kanya. Mukhang unti-unti ko nang nauunawan kung anong ibig-sabihin ng lahat ng ito.

May nakita akong mahabang stick mula sa 'di kalayuan, pinulot ko iyon at gumuhit ng malaking question mark pero imbes na tuldok ay puso ang naiguhit ko.

Have I finally learned how to love?

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now