Eighth Star

4.6K 107 5
                                    


-Eighth Star-

REINA

"SA GREENHOUSE ka ba nanggaling kanina?" tanong ni Valerie habang naglalakad kami sa college lobby. Malapit dito ang building ng College of Arts and Sciences. Nandoon ang gallery kung saan nakalagay ang exhibit ni Laurence. Ganoon ba siya kagaling para isa siya sa mapili?

"Oo," sagot ko sa tanong ni Val. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Alam mo bang pinalalayas ng mga bantay ang mga pumupunta doon kapag nandoon si Rondell Ayala?"

"Ah, kaya pala." Iyon pala ang ibig niyang sabihin.

"Kaya pala ano? Napalayas ka ba?" curious na tanong ni Valerie at halatang nag-aalala. Wala naman siyang dapat ikabahala.

"Ah... hindi na naman."

Katulad ng mga nagdaang araw ay tumunog muli ang cellphone niya. As usual, kailangan niyang umalis, this time ay para naman sa closing ng booth nila. Nakasimangot na iniwan niya ako and as for me, pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harap ng pinto ng gallery.

Saglit kong tinitigan ang pinto, wala naman sigurong mawawala kung titingnan ko ang mga pinaglalagay ni Iceberg dito. Pigil hiningang humakbang ako papasok ng gallery. Hindi ko mawari ang kakaibang ritmo ng sistema ko. Bumabalik sa akin ang mga nangyari noong nakaraan. Pilit ko iyong winawaksi sa aking isipan pero pasaway iyon na nagpapabalik-balik. Umiling ako at huminga ng malalim saka naglakad sa loob ng gallery. Isa-isa kong tiningnan ang bawat larawan na kinuha niya.

I've seen two shades of him already, si Iceberg at ang daddy ni Laurein ngunit kung titingnan ang bawat litrato ay parang nagbukas ang mga ito sa iba pang bahagi ni Laurence.

Kinilabutan ako at namangha nang tumapat ako sa malaking frame. Larawan iyon ng babaeng tila may hinahabol, nalilipad ng hangin ang laylayan ng kanyang bestida at kahit pa hindi masiyadong kita ang mukha ay bakas ang kalungkutan nito. Napakalungkot.

'Si Iceberg ang kumuha ng mga larawang ito. Lahat ay kakikitaan ng damdamin pero karamihan ay sakit. Pero bakit siya ganoon? Bakit kasing lamig ng yelo ang mukha niya? Bakit manhid siya? O di kaya'y nagpapanggap lamang siya.'

"Madame."

Nasa malalim akong pag-iisip nang marinig ko ang ingay. Parang dumami ang tao sa loob ng gallery ngayon. May importanteng tao ba na dumating?

Inalis ko ang aking tingin sa malungkot na picture at lumiko sa kabilang alley.

"Daddy, ang galing mo talagang kumuha ng pictures." Awtomatikong nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Pamilyar iyon sa akin.

"Laurein?" nakatayo siya sa tabi ni Tita Marianne. Humarap siya sa akin.

"Ikaw pala, hija, buti na lang at nagkita tayo dito," nakangiting bati sa akin ni Tita Marianne. Narinig ko pa ang pagsinghap ng ilang estudiyanteng nasa loob din ng gallery. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa likuran niya, malamig na tumitig siya akin. Naalala ko ang mga larawan, nag-iwas na ako ng tingin.

"Magkakilala sila?"

"Di ba hindi naman siya mayaman? Bakit sila magkakilala?" dinig ko pang bulungan ng ilang babae.

Calm down, Reina, 'wag mo na silang pansinin. Ngumiti na lang ako kay Tita Marianne.

"I trust you sleep well the other night," aniya. Napalunok ako sa sinabi niya. Sa likod niya ay tumikhim si Laurence. Pilit kong hinuli ang kanyang tingin pero umiwas lamang siya. Dama ko pa ang pag-init ng pisngi ko. Anak ng patis!

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now