Twentieth Star

3.9K 78 8
                                    

REINA


Hindi ko inasahan na mangyayari iyon sa Singapore. Matapos mamili sa night market ay mukhang naging okay ang samahan namin. Ni hindi kami nag-away sa sumunod na dalawang araw na pananatili namin doon. May mga pagkakataon na naiinis ako sa kanya lalo na kapag nakikita ko ang yelong bahagi ng kanyang pagkatao. Naiinis din ako kapag pinagtitinginan siya ng mga babae sa hindi ko malamang dahilan. Royal Astra siya at normal iyon... pero basta... naiinis talaga ako.

Pero ngayon ay bumalik na kami sa school. Nagtext sa akin si Rondell na magkita kami sa greenhouse. Pagdating ko roon ay niyaya niya ako sa kanyang Secret Garden. Naisip ko tuloy ang Secret Haven ni Laurence. Kaagad nag-init ang aking pisngi nang maalala ko iyon. Umiling ako para mawala ang ala-ala sa isip ko. Anak ng patis lang!

"Hey, Rei, try playing this guitar." Inabot sa akin ni Ron ang gitara na ngayon ko lang nakita. Kulay asul ito na may disenyo ng rosas sa gilid.

"Bago ba ito? Ipapagamit mo sa akin? Baka maputol ko lang ang strings nito?"

"Just try playing that one," tugon ni Rondell.

Sinimulan kong mag-strum ng gitara. I Am Only Me When I'm With You ni Taylor Swift ang napili kong kanta.

Tahimik lang na nakikinig si Rondell hanggang sa matapos ang kanta. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya at ngumingiti lang siya sa akin.

"Rei, good job. Marunong ka na talaga," aniya at nag-thumbs up.

"Thank you for teaching me."

Wala iyon. Nga pala, iyong mga na-compose mong tula puwede ba'ng lagyan natin ng himig, balak ko sanang pumili ng puwede kong gamitin sa upcoming album ko. Kung puwede lang naman."

"Really? Sure. Pero nasa bahay ang mga iyon. Dadalhin ko na lang dito next time na magkita tayo."

"Puwede ba'ng bukas ng gabi ay bumisita ako sa bahay ninyo. Doon na lang din natin natin ayusin ang mga kanta and besides ilang blocks lang naman yung layo ng bahay ko mula sa bahay mo."

"Sige."

•♥•♥•♥•

"HINDI ka talaga marunong tumingin sa daan, ano?" asik ko nang may bumangga sa akin habang naglalakad ako sa lobby ng College of Arts and Sciences building. Tapos na ang huling klase ko para sa araw na ito kaya't ngayon ay uuwi na sana ako.

"Baka naman ikaw ang hindi nakatingin sa daan." Kunot-noo niyang tanong.

"Ewan ko sa iyo, Iceberg. Bahala ka riyan, uuwi na ako!" sabi ko pa saka ko siya nilagpasan. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita mula noong makauwi kami mula sa field trip tapos ang sungit sungit niya pa sa akin. Tunawin ko siya, e.

"Sandali lang babaeng megaphone."

Ano raw? Megaphone? Sinapian na naman yata ng topak ang isang ito. Nakakainis!

"Kung hampasin kaya kita ng megaphone at ibilad sa arawan para matunaw ka. Nakainis ka!" nagpatuloy ako sa paglalakad. Ewan ko kung bakit pero naiirita ako sa kanya ngayon.

"Tsk." Narinig ko ang pagmartsa niya sa aking likuran. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Anak ng patis lang!

"Halika nga rito," naramdaman ko na lamang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad. Para akong ginapangan nang naglalagitikang kuryente nang maghugpong ang aming mga daliri. Dumaloy nang dumaloy ang bawat boltahe sa buong sistema ko hanggang sa makarating sa aking dibdib. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin?!

"Praning na yelo, saan mo na naman ba ako balak dadalhin?" Matagal ko nang napapansin na palagi niya na lang akong dinadala sa kung saan-saan.

"Ang ingay mo, Megaphone."Mababatukan ko na talaga itong nilalang na ito.

Pasalamat siya ma...

"Tara na," aniya at nagmartsa na patungo sa kung saan.

...masakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

•♥•♥•♥•

SUMAKAY kami sa elevator. Nakatayo lang kami roon, wala ni isa sa amin ang gustong bumasag sa katahimikan. Nanatiling magkahawak ang aming kamay pero hindi na ito kasing higpit nang kanina. Hindi ko maintindihan ang aking sarili pero mas gusto ko yata na mahigpit iyon, para na rin kasi niyang sinabi na wala akong kawala sa kanya. Kaagad nagbaga ang aking pisngi. Umiling ako para maalis ang ideyang iyon sa utak ko. Anak ng patis! Nasasanay na yata akong palaging kasama si Laurence at palagi niyang hawak ang kamay ko.

"Anong gagawin natin dito?"

"Magpapahangin lang." Cool lang niyang sabi na parang isang normal na pangyayari lang ang pagbitbit niya sa akin dito.

"Magpapahangin lang? Dinala mo ako rito para magpahangin lang?"

"Yeah," kaswal niyang sagot saka naglakad patungo sa may balustre. Sumunod na lamang ako sa kanya.

"Bakit sinama mo pa ako dito kung magpapahangin lang naman? Dapat iyong mga fan girls mo na lang."

Mabilis niya akong tinapunan ng malamig na tingin. Kaagad akong napa-atras.

"Never mention those girls again. I don't want any of them here. They are not like you. They are not you," malamig niyang sabi saka ako tinalikuran. Nanatili akong nakatitig sa kanyang likod. Huminga siya ng malalim saka umiling.

"Huwag mo na ulit babanggitin iyon. Kahit ilang babae pa ang tumingin sa akin, kahit sino pa sila, always remember this... you're the only person who can see right through me."

Nanahimik ako sa kanyang sinabi. Nanahimik kami pareho. Nasapo ko ang aking dibdib at dinadalangin na sana ay hindi niya marinig ang sari-saring ingay na likha nito. Natatakot ako na baka sa sobrang katahimikan ay marinig niya ang paghuhuramentado nito. Hindi ko na talaga maunawaan kung bakit palaging ganito ang reaksiyon nito... kakaiba sa pakiramdam, maingay na magulo, kasing gulo ng takbo ng isip ko. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Pinagmasdan na lang namin ang paglubog ng araw. Magkahalo ang kulay kahel at rosas na siyang pintura ng langit. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong i-f-in-ocus ni Laurence ang kanyang kamera na kanina pa nakasabit sa kanyang leeg. Kinuhanan niya ng litrato ang araw bago pa ito tuluyang mag-paalam para sa araw na ito.

"Napansin ko lang na karamihan ng mga larawang kinukuha mo ay puno ng emosiyon... ng kalungkutan. It's with your camera that you can show the Laurence that others cannot see."

"Tama ka..." humarap siya sa akin, wala na ang malamig na ekspresiyon na nakita ko kanina bago kami pumunta rito. Muli kong nakita ang Laurence na sa akin niya lamang ipinapakita.

"Through this, I could be me. And Reina," he paused and stared at me. Hindi ko mahulaan kung anong klase ng emosiyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Titig na titig siya akin. Muli kong naramdaman ang pagkaligaw sa mga abong mata na iyon. Tila tinatangay nito ang kaluluwa ko...

"I'm only me when I'm with you."

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Laurence. Natutop ko na lamang ang aking bibig. Wala akong balak magsalita dahil hindi ko rin alam kung ano'ng maaaring lumabas sa bibig ko. Gusto kong malaman kung saan ba nanggaling ang mga linya niyang iyon? Pero hindi ko siya magawang tanungin, sa huli ay umiwas na lamang ako ng tingin. Sobra-sobra na ang pagkaligaw ko sa mga matang iyon, baka hindi ko na mahanap ang daan pabalik.

Ngunit bakit parang ayaw kong bumalik?

'Umayos ka nga, Reina!' sigaw ng isang bahagi ng aking isipan. 

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now