Catching A Falling Star -21

1.7K 39 4
                                    

-Reina-

KINAKABAHAN ako. Dinadaga na naman ang dibdib ko. Pinanood ko lang si Laurence na palakad-lakad nang pabalik-balik. Pinapakinggan ang bawat yabag ng kanyang mga paa. Panay ang kanyang pag-iling at pagbuntong hininga. Ni hindi niya magawang tapunan ako ng tingin. Nakayuko lamang siya.

Naiinis na ako!

"Kung wala kang balak magpaliwanag kung saang lupalop ka napadpad at kung ano'ng ginawa mo para iwan ako, p'wes, aalis na lang ako. Nakabobo ka, Laurence, alam mo ba iyon?" inis na tumayo ako at hinablot na lamang ang aking bag.

Walang kuwenta! Gusto niyang bumalik sa buhay ko pero ni ang magpaliwanag ay hindi niya magawa. Pagod na akong magpakatanga na naman. Kahit ano'ng sermon pa ang ibigay ng utak ko, may parte pa rin na gustong pagkatiwalaan siyang muli. Nakakainis! Babalik na lang ako sa orihinal kong plano, kakalimutan ko na siya.

Heart naman, e, bakit kasi kahit wasak na wasak ka na ay mahal mo pa rin ang praning na iyon? Masokista ka ba?

Dere-deretso lang akong naglalakad. Pinagsisipa ko pa ang mga batong nadadaaanan ko. Iniisip kong mukha iyon ng mangkukulam niyang lola! Kasalanan niya ang lahat ng ito, kung hindi siya basta-bastang dumating ay baka wala kaming problema. Argh! Ayoko na'ng mag-isip. Masakit na sa utak.

"Reina, wait..."

"Wait your face, ilang beses ba kitang hihintayin? Ako na lang ba palagi ang maghihintay? Nakakatangang hintayin ka pa." Sa sobrang inis ko ay pinulot ko ang isang batong kasing laki ng kamao ko at binato siya. Mabilis naman siyang umilag.

"Hindi mo ba ako pakikinggan?"

"Tanga ka ba, o sadyang tanga lang? Kanina pa tayo doon sa loob. Kanina pa akong mukhang baliw doon, naghihintay kung may babagsak na bulalakaw diyan sa ulo mo at baka maisipan mong magsalita." I laughed sarcastically with what I said, hindi ko naintindihan iyong sinabi ko.

Tumalikod na ako at iniwan siya. "Subukan mo pang sundan ako, hinding hindi na talaga kita mapapatawad kahit kailan," malamig at matigas kong sabi.

Hindi na nga ako pinilit pang kausapin ni Laurence pero patuloy pa rin niya akong sinundan. Bahala siya! Mapapagod din siguro siya. Sana nga ay mapagod na siya at na'ng matapos na ang lahat ng ito.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang nagring ang aking cellphone. Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Pero walang tigil ang pag-ring niyon.

Sa huli ay sinagot ko na. Rumehistro ang pangalan ni Daddy.

"Hello," nag-aalangan kong bati. Malamang ay itatanong niya kung nasaan ako at bakit hindi ako umuwi. Ano'ng idadahilan ko?

"Reina! Where the hell are you?!" napapitlag ako nang marinig ang galit na sigaw na iyon ni Daddy. Lagi naman akong inuumaga ng uwi noon, pero bakit ngayon...

"Dad."

"Anthony, huwag ka namang sumigaw," dinig kong wika ni Mommy sa pagitan ng mga hikbi.

"Dad, I'm sorry kung hindi ako naka-uwi. Bakit umiiyak si Mommy? Ano pong nangyari?" natatarantang tanong ko. Patuloy ang paghikbi ni Mommy sa kabilang linya.

"Mrs. Reymundo, dumating na po ang doktor," dinig kong wika ng isang babae. Ginapangan ako ng matinding kaba. Doktor? Bakit may doktor?

"Dad! What's happening? Nasaan kayo?"

"Reina..." tila nahihirapan niyang sabi. "I'm sorry... ang lolo mo." Tuluyan na akong nakadama ng takot.

"What? Ano'ng nangyari kay Lolo? Dad!"

"Nandito kami ngayon sa Trinity Hospital. Pumunta ka na ngayon din. Dito ko na lamang sasabihin."

"Dad! Dad!" paulit-ulit kong sigaw. Nangiginig ang aking mga kamay.

"Dad! Tell me!" pero hindi na siya sumagot. Pinatay na lamang niya ang tawag. Nangingilid ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na silang bumuhos. Napahagulhol na lang ako sa gitna ng damuhan. Iyak ako nang iyak.

"Reina," mabilis akong dinaluhan ni Laurence at niyakap. "Ano'ng nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

"Ang lolo ko..." dali-dali akong kumalas sa pagkakayakap niya at nagmartsa palayo sa kanya.

"Kailangan ko nang umuwi. Kailangan kong makabalik sa Maynila." Tuliro na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang sinisipa ang aking dibdib. Kinakabahan ako sa posibleng nangyari. Ayokong isipin iyon. Imposible ang hinala ko. Imposible.

Panay ang pag-agos ng luha ko. Panay din ang tanong sa isipan ko.

"Uuwi na tayo, okay? Dito ka lang, kukunin ko lang ang kotse." Hinawakan niya ang aking kamay at marahang hinaplos iyon, pinaglaruan pa niya ang aking mga daliri. "Huwag kang aalis, hintayin mo ako dito, babalik ako kaagad," binitiwan na niya ako at tumakbo pabalik sa bahay.

Lakad lang ako nang lakad. Kinakain na ako ng takot. Hindi puwedeng mangyari ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi na ako nakapagprotesta nang bigla akong kaladkarin ni Laurence at ipasok sa kotse.

• ♥•♥•♥•

MABILIS akong lumabas ng kotse nang marating namin ang ospital. Pigil-hiningang inihakbang ko ang aking mga paa. Natutuliro ang isip ko. Hindi ko alam kung sino ang tatanungin at kakausapin. Tumakbo na lang ako. Kung sino- sino na ang nabangga ko pero wala pa rin ako sa aking sarili.

"Excuse me, saan puwedeng matagpuan si Mr. Ricardo Reymundo?" Nilingon ko si Laurence. Kausap niya ang isang nurse. Hindi pumasok sa isip ko ang pinag-uusapan. Nakita ko lang siyang tumango at nagpasalamat.

"Second floor," aniya na nakatingin sa akin. Kita ko ang concern sa mga mata niya. Umiwas kaagad ako ng tingin bago pa kung saan lumipad ang magulo kong isipan.

Tumakbo ako agad patungo sa elevator. I keep on stomping my heels on the floor. Ang tagal magbukas ng pinto. Pakiramdam ko na sa bawat segundong dumaraan ay unti-unti akong mauubusan ng hangin.

"Rei? Ano'ng ginagawa mo dito?" Narinig kong tanong nang bumukas ang elevator. Mabilis ko siyang niyakap at humagulhol ng iyak.

"Ron... nasaan si Lolo?" sumiksik pa ako sa kanyang dibdib.

"Rei... I'm sorry..." malungkot niyang wika. Nang sabihin niya iyon ay lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko.

"Raya?" Narinig ko ang gulat na reaksyon ni Laurence. Kumalas ako sa pagkakayap kay Rondell. Isang babae ang nasa likuran niya. Tumango iyong babaeng nakatingin lang kay Laurence. Bakas ang gulat at dagling kasiyahan sa mga mata nito.

"Laurence?" ani Rondell. Nagpabalik- balik ang tingin niya sa amin.

"Magkasama kayo?" tanong niya pero hindi na ako nakasagot pa nang mamataan ko si Daddy.

"Dad!" Kaagad siyang tumingin sa direksyon ko at lumapit.

"Where's Lolo?"

"Where have you been?" asik niya. Napaatras ako. Ngayon lang niya ako pinandilatan at sinigawan. Mula noong bumalik siya few years ago, he tried his best to be the loving and caring father. But today, he's shouting at me.

"Hindi na iyon importante, nasaan si Lolo?" hindi ko dapat isipin ang ibang bagay. Naghahalo-halo na sila sa utak ko.

"Tito, ano po ba'ng nangyari?" tanong ni Ron. Pero hindi sumagot si Daddy. Bumagsak ang kanyang tingin kay Laurence. Napaatras ito nang makita si Dad.

"Rence?" Lumipat ang tingin niya sa akin. "Magkasama kayo?" Bakas ang pagtataka at galit sa mga mata ni Daddy.

"It doesn't matter. I need to know what happened to Lolo," hinatak ko na si Daddy palayo sa namumutlang si Laurence, nagtatakang si Rondell at mukhang clueless na babae.

"Laurence, can we talk?" nilingon ko si Rondell na deretso lang na nakatingin kay Rence. Tumango ito at iniwan ko na sila. Kung ano man ang pag-uusapan nila ay wala akong ideya.

Tangay ko si Daddy na madilim ang paningin. Siguradong hindi niya inaasahan na kasama ko si Laurence. Saka na ako magpapaliwanag! Anak ng patis na sitwasyon ito!

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon