Catching A Falling Star -18

1.7K 39 7
                                    

- Reina-

WALA sa sariling inihakbang ko ang aking mga paa. Dama ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Pero wala akong paki-alam. Ang gusto ko lamang ay ang magpatuloy sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Naririnig ko ang lagaslas ng tubig, ang ingay na likha ng pagkikiskis ng mga dahon ng malalaking puno kapag humahangin. Marami akong naririnig. Marami akong nakikita pero hindi ko alam kung saan ko itutuon ang aking atensyon. Lakad lamang ako nang lakad pero walang tiyak na direksyon. Para akong nakalutang.

Nadapa ako. Tumama ang aking tuhod sa isang malaking bato. Isang pamilyar na bato. Ininda ko ang sugat ng nagdurugo kong tuhod at naupo sa batong iyon. Sa harap ko ay may umaagos na tubig. Inilublob ko ang aking paa ngunit kahit pa alam kong malamig iyon ay isinawalang bahala ko lamang.

"Reina!" isang malakas na sigaw ang aking narinig. Hindi ako lumingon para alamin kung sino man iyong tumawag sa aking pangalan. Nanatili ako sa puwestong ito at pinagmasdan ang tila walang katapusang pag-agos ng ilog na iyon. Pinakinggan ko ang ingay na likha nito.

"You scared me, tumalikod lang ako ay bigla ka na'ng nawala sa paningin ko," aniya. Hindi ako sumagot. Gusto ko lamang titigan ang tubig.

Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako. Kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na tangayin niya rito. Wala na akong maunawaan. Siguro nga'y tuluyan na akong tinakasan ng katinuan.

"Do you know what fears me the most?" tanong niya saka niyakap ako nang mahigpit. "Iyong tumakbo ka na naman pero hindi kita maabutan."

Tila isang sine sa pelikula ang sumagi sa isip ko pagkarinig ko niyon... ang imahe ng isang lalaking tumatakbo ngunit hindi nito naabutan ang hinahabol na babae. Isinigaw lang nito ang pangalan ng babaeng iyon at nanatiling humahagulhol... pero nawala iyong babae sa eksena at hindi na bumalik pa. Iniwan lang niya iyong lalaki at hindi na bumalik pa.

Ang panaginip ko. Ang noo'y gabi-gabing dumadalaw sa akin. Natigilan ako. Sinubukan kong huminga nang malamim. Sinubukan kong magsalita pero nanatili akong nakatitig sa kawalan.

"I know it's hard for you to trust and believe anyone again. But please, believe me when I say I love you. Mahal na mahal kita."

Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong reaksyon sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya... kung dapat pa ba akong magtiwala. Dahil sirang sira na ang tiwala ko sa lahat ng tao sa paligid ko.

"Hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong gawin para mapatawad mo ako. I don't know where to start or how to explain dahil maging ako ay naguguluhan sa sitwasyon natin. I can't change everything that happened even if I want to. I only know one thing, and that is I love you," muli niyang sabi. Naramdaman ko na lamang na inikot niya ako para humarap sa kanya. Tumitig siya sa mga mata ko. Mayroon siyang abong mga mata.

"Alam kong pagod ka na... pero kahit pa mapagod ka na sa lahat huwag ka lang mapagod na mahalin ako. I'm such a moron for letting you slip away, once. At ayoko na'ng maulit pa iyon."

He tilted my chin and held me by my shoulder. He leaned towards me until we're just breaths away.

"I love you, My Rose," napapikit ako nang mas ilapit niya ang kanyang mukha. And that's the last thing I knew.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now