Thirty Fifth Star

2.8K 59 8
                                    

LAURENCE

INABOT sa akin ni Reina ang cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako ng malamig. I'm just going to talk to her mother for freak's sake... her mother.

"Hello, Tita. Kamusta na po?" I said testing the waters. Pakiramdam ko ngayon ay isa akong bata na nahuling gumawa ng kasalanan. Kahit wala naman talaga akong kasalanan.

"Mabuti naman ako. Kamusta si Reina? Naaalagaan mo ba siya?"

"Syempre naman po, kahit hindi ninyo siya ihabilin sa amin ni Mommy ay aalagaan ko pa rin siya at pangako kahit nakauwi na kayo rito ay aalagaan ko pa rin ang baby n'yo." I can't believe I just said those. I squeezed Reina's hand tighter. Pinaglaruan naman niya ang mga daliri ko. I calmed a bit.

"Mukhang may mahalaga tayong pag-uusapan pagbalik ko next week."

"Handang-handa po ako sa interrogation."

Kahit ano'ng mangyari ay hindi ko siya bibitawan. I will hold onto her as she has held my heart.

"Sige, Laurence, bye na. See you next week."

"Bye Tita, ingat po kayo diyan."

She ended the call. Binalik ko na lamang kay Reina ang kanyang cellphone. Mabilis kong kinuha ang tubig na nasa mesa at ininom iyon. Nakakakaba palang makipag-usap sa ganitong pagkakataon.

"You okay?" tanong ni Reina. Tumango lang ako.

"Ganiyan pala ang nagiging result ng project, ah, nalusaw ang yelong puso ni Laurence," Sabi ni Rodge.

"Don't start at me, Rodge," sagot ko naman but we all ended laughing. Simula noong naging kami ni Reina, I never wear the ice mask again.

"Bago pa man ma-assign iyon ay lusaw na iyan," gatong naman ni Earl.

"Alam mo ba, Reina na mula nang dumating ka dito, naging bahagi na ng totoong mundo si Laurence, palagi naman kasi iyang may sariling mundo," humahalakhak pang sabi ni Rodge. Wala ba siyang mapag-trip-an kundi ako?

"Ganiyan naman talaga ang praning na 'yan. Kung anu-anong naiisip gawin, kung saan saan nagpupupunta. Kapag sinapian 'yan ng topak, kung saan na lang kami nakakarating," humahalakhak na sagot ni Reina. Siraan ba naman ako sa harap ng mga kaibigan ko.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero nginisihan lamang niya ako. Humarap siya sa akin, "pero hindi lang iyon." Hinawakan niya ang isa kong kamay. Is it possible to feel electric current with just one touch? Jesus! I swear, I felt grounded. "Kahit ganoon siya ay totoo siyang tao. May malinis na puso, may magandang hangarin, totoo kung magmahal. Nakita ko iyon kung paano niya pinahalagahan si Laurein at hindi siya basta-basta sumusuko para sa taong mahal niya." She smiled sweetly. And I fell deeper into her. Mahal na mahal ko na siya.

"Saka iyakin din."

Nagtawanan naman ang mga mokong kong kaibigan and I laughed with them. I felt so good to be able to laugh again without worrying anything. To be free again.


REINA

NANG matapos ang klase ay umuwi na rin kami.

"Naalala mo pa ba iyong gabi na hindi ka makapasok ng bahay mo?" tanong ni Laurence habang nakaupo kami sa sofa. He was cuddling me in his arms.

Oo naman, paano ko makakalimutan ang gabing iyon? Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ako ng first kiss.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt