Catching A Falling Star-9.2

1.8K 48 13
                                    

REINA

KINAUMAGAHAN ay dumeretso na ako sa breakfast buffet ng hotel. Nandoon na rin ang iba pang kasali sa conference. Naglinga-linga ako sa paligid. Matunog pa rin ang pangalan ng Madrigal Son na iyon, pilit kong iginagala ang paningin ko, baka sakaling mag-aparisyon si Laurence. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Alam ko sa puso ko na makikita ko siyang muli. Sa dami ng mga napagdaanan namin ay alam kong siya lamang ang para sa akin.

Umupo ako sa isang bakanteng mesa. Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain pero kaagad ding naagaw iyon nang may tumunog na piano. Boses pa lamang ng kumakanta ay nawalan na ako ng gana. Hindi ko pa nga nasisimulang kainin ang pagkain ko ay wala na ako sa mood. Pinilit ko na lamang ubusin dahil nakakahiya. So totoo nga? Nandito ang successor ng mga Ayala.

"Earl Joshua Madrigal, What a pleasant surprise, man!" kaagad akong lumingon nang marinig ko iyon. Nandito si Earl na isang Madrigal. Siguro ay siya ang tinutukoy ng mga tao na aattend ng event na ito. Imposibleng si Rence! Hindi ba't nawawala siya! Imposibleng nandito siya. Sermon ng isang bahagi ng utak ko pero dahil may matigas akong bungo ay hindi ko iyon pinakinggan. Makikita ko si Laurence dito! Naniniwala ako.

Tumayo ako para batiin si Earl. Para tanungin siya ngunit bago pa ako makalapit sa kanya ay naharang na siya ng iba pang attendees. Bumalik na lamang ako sa aking mesa.

Mabilis na lumipas ang oras, matapos ang breakfast ay nagsimula na ang conference. Sa totoo lang ay nabobore na ako. Hindi ako makarelate sa sinasabi ng speaker. Matagal akong nawala sa industriya, hindi ganoon kadaling bumalik. At hindi ko pa kayang bumalik dahil hindi pa ako kumpleto.

Nakaupo lang ako sa isang mesa kasama ang ibang attendees. Halos ka-edaran ko lang sila at abala silang nagchichismisan, tulad ko'y hindi rin sila nakikinig. Hay! Bigla ko tuloy namiss si, Bessy, kung nandito siya ay marahil nakasundo na niya ang mga ito, isa rin kasing chismosa iyon.

"Ang guwapo talaga ni Rondell Reginald Ayala, ang ganda pa ng boses. Shucks! Masuwerte talaga ang babaeng mamahalin niya. Balita ko ay No Girlfriend Since Birth si Mr. Romantic." One of the girls smiled dreamily na nakatingin sa kabilang table. Nandoon si Rondell at napansin ko ang pagsulyap niya sa akin. Tila naman naihi sa kilig itong katabi ko noong lumingon si Rondell. Umirap na lamang ako. Hindi pa kita napapatawad sa pagsisinungaling mo, Ron! Manigas ka diyan!

Umiling lamang siya saka muling itinuon ang atensyon sa speaker.

Lunch break na. Mabuti naman. Kanina pa ako nababato sa inuupuan ko, binging-bingi na rin ako sa mga tsismosang iyon. Napapalatak ako. Umalis na lang ako sa venue at naggala na lamang sa garden ng hotel. Tatlong oras pa bago magresume ang conference. Nasusuffocate na ako sa dami ng tao doon.

Pero mali yata na dito ako pumunta. Bakit nga ba nakalimutan ko na garden ang paborito niyang lugar?

"Rei!" pagtawag niya sa akin nang mamataan niya ako. Kaagad akong tumalikod. Wala talaga akong balak na makausap ang taong ito. Not now! Kung maibabalik niya sa akin si Laurence ay baka mapatawad ko pa siya.

"Rei! Sandali!" naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa isa kong braso. Kaagad ko iyong inalis at derederetsong lumabas.

"Reina!" sigaw niya na nakatawag ng atensyon ng mga attendees na nasa may entrance pa lamang ng garden. Rondell was not the sort of person to shout and ask for attention! Tahimik siyang tao bagama't sikat siya. Pero anak ng patis!

"No, Rondell! You know how much I hate liars. You have lied to me," at tuluyan na akong umalis. I just can't forgive him yet. I just can't.

Nang magresume ang conference ay wala pa rin ako sa sarili. Napakarami kong iniisip. Batid ko ang tinginan ng ibang nakakita ng eksena sa garden kanina pero paki ko ba naman sa kanila. Panay ang sipat ko sa aking relos dahil gustong gusto ko na'ng matapos ang araw na ito. Gusto ko na'ng bumalik sa kuwarto ko para magpahinga! Gusto ko na'ng bumalik sa Maynila!

"A pleasant afternoon to everyone." Napatingin ako sa stage nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Nakabaon na sa memorya ko ang boses niya. Titig na titig ako sa kanya habang nagdedeliver siya ng introductions, siya ang pinakahuling speaker sa araw na ito! Anak ng patis! Bakit naman siya pa? The evil witch is here! Damn it! possible kayang nandito rin si Laurence?

"May I acknowledge the presence of my grandson who joined us today." Bigla akong ginapang ng kaba pagkarinig ko niyon. Tila nabuhay ang natutulog na pag-asa sa aking dibdib. Grandson? Grandson? Posible kayang si Laurence iyon? It's him! It should be him.

"Earl Joshua Madrigal."

Pakshit! Bakit ang daya? Bakit hindi na lang si Laurence ang isinama niya? Kaagad akong tumayo dahil nadarama ko na ako papatakas na luha sa mga mata ko. Umalis muna ako sa venue at tumungo sa wash room...

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa wash room ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Nakatalikod siya sa akin pero alam ko sa sarili ko na siya iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Ilang taon kaming magkasama. Sigurado akong siya iyon. Pigil hiningang inihakbang ko ang aking mga paa papalapit sa kanya.

"Hey! Sorry to keep you waiting." Lumabas ang isang babae sa wash room at isinukbit ang braso nito sa braso niyong lalaki.

Nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko. Napako ang aking mga paa sa sahig. Hindi ako makagalaw. Nahigit ko lamang ang aking hininga. Pinagmasdan ko lamang sila habang humahakbang papalayo. Kusa ng bumuhos ang kanina pang nagbabad'yang luha.

Alam ko na si Rence iyon. Anak ng patis! Si Rence iyon!

Tila ba natauhan ang mga paa ko. Kusa itong tumakbo para habulin sila. Bawat hakbang ng aking mga paa ay parang mauubusan ng hangin ang aking baga. Sumisikip ang dibdib ko. Parang may sumasakal sa aking leeg. Gusto na lamang bumigay ng kalamnan sa aking mga binti pero nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Maraming pasikot-sikot ang hotel at unang beses ko pa lamang dito. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Tuluyan na akong naligaw. Paulit-ulit kong binabanggit ang pangalan ni Rence, baka sakaling marinig niya ako. Baka sakaling puntahan niya ako. Hindi ako tumigil sa pagbabaka sakali. Pero shit! Umaasa lang ba ako sa wala? Sa isang bagay na imposible? Sumusugal kahit malinaw na malinaw na matatalo lamang ako sa huli.

Muli akong nakabalik sa venue at hindi ko alam kung paano nangyari. Ang alam ko lang ay tumatakbo ako. Hilam na hilam ang mga mata ko sa luha pero wala akong paki-alam. Dama ako ang mabibigat at mapanuring tingin ng mga tao sa akin pero wala akong paki-alam! Hindi sila ang pakay ko.

Iginala ko ang mga mata ako pero wala akong nakitang King Laurence. Muli akong tumakbo pa-alis. Narinig ko pa na sinigaw ni Rondell ang pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin. May hinahabol ako, kailangan ko siyang makita at maabutan dahil baka makuha siya ng iba.

Takbo lang, Reina! Takbo lang!

Nakarating ako sa mabatong garden. Namataan ko ang pigura nila na papunta doon pero kaagad ding nawala. Anak ng patis! Nililinlang lang ba ako ng aking paningin? Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Pero patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa napatid ako at nawalan ng balanse. Iyak lang ako nang iyak. Patuloy ang pagsambit ko sa pangalan ni Laurence, umaasa akong darating siya, na dadaluhan niya ako.

Pero hindi si Laurence ang bumuhat sa akin at pilit akong tinatahan. Si Rondell, siya ang dumating.

"This is why I don't want you to know." Seryoso niyang sabi before I passed out. 

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now