Catching a Falling Star- 1

3K 47 8
                                    

Royal Astra: Catching a Falling Star

(My Miss Blue Rose Sequel)

By: ShaniahMystiqueBlue

(TO BE PUBLISHED)

-First Star-

-Reina-

"ROSALIE!" malakas na sigaw ng isang lalaki habang walang tigil ang pagtakbo. Pagal na pagal na siya at tila mauubusan na ng hininga ngunit tila iniinda niya ang mga iyon. Patuloy ang pagbanggit niya sa pambabaeng pangalan.

"Hintayin mo ako, Rosalie. Huwag mo akong iwan," humihingal niyang sabi. Panay ang kanyang paghikbi. Ang paghabol sa kanyang hininga. Pabagal nang pabagal ang kanyang pagtakbo na tila nawawalan na ng pag-asa. Hindi! Alam niyang hindi siya dapat sumuko. Hindi puwedeng maiwan na lamang siya nang basta-basta.

"Rosalie!" mula sa hindi kalayuan ay may babae ring tumatakbo. Iyon marahil ang hinahabol niya. Bahagyang tumigil sa pagtakbo iyong babae at makailang ulit na umiling. Ni hindi man lamang ito lumingon sa kanya... tila ba walang paki-alam sa nadarama niyang paghihirap. Tumakbo itong muli pagkatapos at tuluyan na siyang iniwan.

"ROSALIE!"

• ♥•♥•♥•

"ROSALIE!"

"My Rose, gising. Reina, wake up!" Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Laurence na nakaupo sa gilid ng aking kama dito sa hotel kung saan kami tumutuloy. Nakakunot ang kanyang noo. Wala nang iba pang available na room kaya wala kaming choice kundi ang magsama. He caressed my face with his knuckles. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata.

Tatlong buwan na ang lumipas mula noong nagtapos kami sa college. After our graduation, we both promised our parents that we would help in managing the business kaya kami nandito ngayon sa London para sa Business ConFex pero hindi ibig-sabihin niyon ay kalilimutan namin ang mga gusto namin. I'm currently working on my first novel and Rence on his first film.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Tumango ako at hinawakan ang kamay ni Laurence na nasa pisngi ko.

Nagkaroon ako ng wirdong panaginip. Nakapagtataka. Alam ko na napanaginipan ko na iyon noon pero bata pa lang ako niyon. Mula noong nag-high school ako ay hindi ko na ulit napanaginipan ang eksenang iyon. Bakit bigla na lang iyong bumalik?

"Are you sure?" muling tanong ni Laurence. At dahil alam kong hindi niya ako tatantanan ay kinuwento ko na rin sa kanya ang panaginip na iyon. He looked puzzled as I was. Napakaraming tanong ang muling gumulo sa isipan ko. Sino nga ba kasi si Rosalie? Sino ba iyong lalaking humahabol sa kanya?

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ba ang mga hitsura nila dahil sa setting ng panaginip ko ay pareho silang nakatalikod. May kinalaman ba ako sa kanila? Kalokohan! Panaginip lang ito, wala itong ibig sabihin. Pero nakakapagtaka pa rin.

"Huwag mo na lang isipin. Mamasyal na lang tayo mamaya," ani Laurence. He smiled a reassuring smile at humiga sa tabi ko. Ginawa pa niyang unan ang hita ko.

"Huwag mo na'ng problemahin iyan. That's just a dream. No meaning at all." Tumango ako pagkasabi niya niyon.

"Hello, Mom, kumusta po?" ani Laurence na sinagot cellphone niyang bigla na lamang nag-ring. Bumangon siya.

"Okay naman po kami ni Reina," lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Si Laurein?"

"Good to hear."

"Ano pong importanteng sasabihin ninyo?"

Well, that caught my attention. Napatitig ako kay Laurence. Pansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Ano'ng sasabihin ni Tita Marianne sa kanya?

"What?" this time ay sumigaw na si Laurence.

"You can't be serious!" galit niyang sabi. He heaved out a heavy sigh. Tinangka kong kunin ang kanyang kamay ngunit umiling lamang siya. Dati naman ay narerelax siya kapag hawak ko ang kanyang kamay. Bakit tinatanggihan niya ako ngayon? Ano ba'ng mayr'on sa Pilipinas ngayon?

"There is no reason para bumalik siya, hindi ba't ang sabi niya ay hinding-hindi siya babalik ng Pilipinas."

Sino naman kaya iyong pinag-uusapan nila? Base sa ekspresyon ni Laurence ay mukhang hindi niya nagustuhan ang nalaman. Bigla tuloy akong kinabahan. Heto na naman ang kakaibang kutob ko. Ayoko nito.

"Okay, Mom, I got it. Ingat na lang po kayo diyan." Ibinaba na niya ang cellphone niya sa side table.

"We need to go back to the Philippines, bukas na bukas, after ng ConFex ay uuwi na rin tayo." Matigas niyang sabi. Napalabi ako. Hindi matutuloy ang european tour namin na matagal nang naka-plano.

Ni hindi niya ako nilingon. Bagsak ang kanyang balikat noong muli siyang umupo sa gilid ng kama. Bakit? Bakit hindi siya tumingin sa akin? Mukhang ayaw din niya na hawakan ko siya?

But I know there's really a big reason behind it.

"I can't believe it! She has returned," ani Laurence as he covered his face with both hands.

Who is 'she'?

• ♥•♥•♥•

"SAYANG naman at uuwi na tayo kaagad sa Pilipinas," sabi ko sa fiancé ko pagkasakay namin sa eroplano.

"Oo nga," walang gana niyang sagot. I looked at him, he seemed to be lost in his own thoughts. Something was amiss, something was bothering him and it's driving me crazy dahil hindi niya sinasabi sa akin ang problema niya.

Nakakapanibago. He used to tell me everything but now— ewan ko, hindi ko alam kung bakit naglilihim siya. Ever since that phone call, he became distant to me. Bihira lang siyang makipag-usap sa akin. Palagi lang malayo ang abot ng kanyang tingin. Kung hindi pa ako lalapit sa kanya ay hindi niya ako papansinin.

I tried asking him several times pero hindi niya sinabi sa akin, nagkikibit-balikat lang siya sa tuwing magtatanong ako. I am worried as hell.

My star, what's wrong, tell me please, I'm worried.

"Ayoko munang dumeretso sa bahay, sa resort muna tayo kahit one week lang," tamad niyang sabi bago sumandal at pumikit.

"Sige." Sumandal na rin lang ako at lumingon sa bintana habang pinakikinggan ang mabibigat niyang paghinga.

Bakit pa kami bumalik kaagad kung hindi naman kami dederetso sa bahay? Naguguluhan na ako. Usapan namin ay walang maglilihim sa isa't isa. Pareho naming ayaw na pinaglilihiman kami, iyon nga ang dahilan kung bakit muntik nang nabuwag ang relasyon namin, dahil sa mga taong nagtago ng malaking sekreto. Pero siya ito ngayon ay may itinatago.

"My Rose," tila nahihirapan niyang sabi. Humarap siya sa akin at punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay hinayaan niya akong makita na nahihirapan siya. Pero hindi pa rin iyon sapat. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang lahat.

"Kahit ano'ng mangyari, huwag mo akong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko, isipin mo lagi ang pangako natin na hindi natin bibitawan ang isa't isa. Mahal na mahal kita, Reina."

Hindi ko alam kung bakit kahit sobrang sweet ng sinabi niya ay bigla akong kinabahan. Lagi naman siyang makeso pero kasi, parang iba, e.

"Oo naman, you will always be my star."

• ♥•♥•♥•

GABI na noong dumating kami sa resort, sinundo kami ni Mang Carding, ang care taker sa resort. We stayed at the same room, sabi niya kasi ay ayaw niya akong mawala sa tabi niya, gusto niya na palagi niya akong nakikita.

I could really feel that something's wrong with him, gusto kong malaman kung ano ang bumabagabag sa kanya pero paano ko aalamin kung hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko.

"Matulog na tayo," sabi ni Laurence. He kissed my forehead pagkatapos ay ipinulupot ang kanyang braso sa akin. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. I heard him sigh. "Good night, I love you."

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now