Twenty Ninth Star

3K 65 2
                                    

REINA


"I will always be your star no matter what happens."

Maaga akong nagising or should I say hindi ako nakatulog nang maayos? Sino'ng makakatulog ng mahimbing kung may parang pirated dvd na play nang play sa utak?

"I will always be your star no matter what happens."

'Ayan na naman!

Bumangon na ako at nagpunta sa balcony sa may left wing ng resthouse. Tiningnan ko ang wall clock na nadaanan ko. Five-thirty na ng madaling araw. Naghihimutok na siguro ang eyebags ko.

Pero pagdating ko roon ay nakita ko si Laurence.

"Good morning, gising ka na pala," bati ko pagkalapit ko sa kanya.

"Maaga pa, bakit gising ka na?"

Kasalanan mo! Hindi mo ako pinatulog ng maayos.

"Ewan ko, hindi ko alam."

Nanginginig ang tuhod na naupo ako sa silyang katapat ng inuupuan niya, ipinatong ko ang braso ko sa lamesang nasa pagitan namin.

Nararamdaman ko na ang antok.

"Who have thought that I could put off my frozen mask? Maski ako ay hindi naisip na posible ang bagay na iyon." Bigla niyang sabi. I can't help myself but stare at him.

"But you are showing the unmasked you to me. Hindi naman sa nanghihimaskok ako ulit but I guess you need to show who you are to everyone because you are not just lying to yourself but also to those who love you and you love."

Habang dumaraan ang bawat araw ay mas lalong nagiging malalim ang usapan namin ni Rence at mas lalong nagiging malalim ang ugnayan naming dalawa.

At... mas lalong lumalalim ang hindi ko maipaliwanag na damdamin para sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I know, Reina. Time will come that I will be ready to face that fact. But please..." he squeezed my hand. "Don't leave me, be with until I'm ready." I smiled at him and squeezed his hand. Pinaglaruan ko pa iyong mga daliri niya.

"Of course, I won't leave you. Ang sabi mo, kahit ano'ng mangyari, you will always be my star so para mo na ring sinabi na kahit ano pa ang gawin ko, hindi ako makakalayo sa'yo."

And now I'm certain. I finally learned how to love, sana ay siya rin.

"I'll assure you that, hinding hindi ka makakatakas sa akin." Humahalakhak niyang sabi.

"Good Morning, Sunshine!" bati naming dalawa nang sumikat na ang araw.

"Magready ka, may gagawin tayo mamaya." Pagyayaya ni Laurence.

" Anong gagawin?"

"Basta." Tumayo na siya. "See you later, Megaphone." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi saka kumaripas ng takbo.

Holy mother of cheese cake! He kissed me! Nasapo ko ang aking dibdib. Hang in there, heart. Huwag ka munang magwala. Ano na naman kayang sumapi sa isang iyon?

In-open ko na lang ang laptop na dala ko.

I don't what love is or how it feels

I don't know what love does or how it goes

I don't know how to love and I thought I will never learn

But I did, I did learn to love

Because my star has taught me how.

-My Star

By: Miss Blue RosE


♥♥♥

"READY ka na ba?" Biglang pumasok si Laurence sa kuwarto ko, mabuti na lang at tapos na akong magbihis.

"Oo naman, ako pa."

"Tara na." Pagkatapos ay lumabas na siya at naunang maglakad.

Bakit walang holding hands? Ewan ko sa'yo Reina, ayusin mo ang buhay mo.

Nakasuot ako ng asul na summer dress and at ang aking buhok ay nakatali na messed up bun. Si Laurence naman ay naka itim na board shorts at dark gray t-shirt.

"You look pretty." Narinig kong bulong ni Laurence habang naglalakad kami papunta sa shore, I was just trailing behind him.

Pretty? He said that I'm pretty pero hindi naman niya ako magawang tingnan. Nakakainis! Nawalan na tuloy ako ng gana kung anuman itong gagawin namin ngayon. Nanatili na lang akong nakasunod sa kanya.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon