Thirty first Star

3.3K 70 9
                                    


REINA


"AKALAIN mong one week na pala ang lumipas, bukas ay uuwi na agad tayo." Sabi ko kay Rence habang nakaupo kami sa may balcony ng resthouse nila.

"Sana nga ay huwag muna tayong umuwi." Narinig kong bulong ni Laurence.

"May sinasabi ka ba?" tanong ko. Kunwari ay hindi ko narinig.Umiling lang siya.

"May sinabi ka kaya kaso hindi malinaw ang pagkakarinig ko," pang-aasar ko pa. Gusto ko kasing ulitin niya iyon.

"Wala kaya akong sinabi."

Oo, sana nga ay huwag muna tayong umuwi.

Tumayo si Laurence at muling hinawakan ang kamay ko. "Tara, let's do the last thing here."

Tumayo na rin ako. "Saan ba tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot. Ano na naman kaya ang pakulo ng Iceberg na ito? Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa nakarating kami sa dalampasigan.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita kung ano ang mayroon doon. Laglag ang aking panga habang ginagala ang aking paningin. May naka-set na table for two. May isang violinist sa may gilid ng lamesa, may candelabra sa table at three red roses.

"Tara," sabi niya. Lumapit kami sa lamesa, he pulled a chair for me.

"Thank you very much, Reina, for this whole week, nag-enjoy ako." Sabi niya pagka-upo niya.

"Ako rin naman, nag-enjoy din naman ako, salamat."

"Tara, kain na tayo."

Habang tumutugtog ang violinist ay tahimik lang kami na kumakain.

"Reina, pinasaya mo ako, alam mo ba iyon?"

"Mabuti naman." I answered jokingly. Humalakhak lang siya. "I'm really glad that you came with me here. You never fail to make me smile." Napa-ubo ako sa sinabi niya. Kaagad akong kumuha ng tubig. Heart, huwag ka munang lumukso, kumakain pa ako.

"Are you okay?" tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kumain ay niyaya niya akong sumayaw. Pumayag ako dahil minsan lamang mangyari ito. Pagbalik namin sa Maynila ay baka hindi na ito maulit. Pagbalik namin sa Maynila ay ang yelong si Laurence na muli ang makikita ko. Masaya ako sa buong linggong ito. Ngayon lang ako naging ganito kalaya at kasaya. Ngayon ko lang naranasan na maging espesiyal. At least, sa loob ng isang linggo, nasaksihan ko ang mga bagay na sa nobela ko lamang nakikita. We were only here to observe, but Laurence made me feel how it is to be in love.

"Ayan na, highlight na ng event," aniya nang matapos ang tugtog. Pansamantala kaming huminto. Boom!

Napatingala ako sa langit nang marinig ko iyon. Makukulay na fireworks ang nakita ko. Dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ay napayakap ako kay Laurence nang hindi oras. "Laurence, thank you. Ang ganda."

Thump! Thump!Heart, umayos ka. Oo na, kinikilig ako pero hindi mo na kailangang magmarathon.

LAURENCE


IT FELT so good to be in her arms. It felt like home. Iyon ang naramdaman ko noong bigla niya akong niyakap.

I love her. I love Reina Empress Reymundo. It's hard to explain how how or why, I just know that I love her. There's no perfect word to describe it and those chocolates and rainbows kinds of stuffs won't do. I just love her, that's it.

Matapos ang dinner ay nag-decide kami na manatili na lang muna sa pampang buong magdamag. Nahiga siya sa buhangin samantalang ako ay naka-indian seat.

"Inaantok na ako." Humihikab na sabi niya.

"Dito ka dali." Pinalapit ko siya sa akin at ginawa kong unan niya ang hita ko.

"Ano naman iyan?" nanlalaki ang mga matang tanong niya?

"Inaantok ka, 'di ba? Sige, matulog ka na, gigisingin na lang kita kapag may malaking alon na dumating." Ngumiti pa ako na mapang-asar.

"Sira ulo ka talaga," aniya na humahalakhak bago pumikit.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha. I combed her hair with my fingers katulad ng ginagawa ko kay Laurein. I even played with the strands the fall on her face. Puwede ko na sigurong buoin ang pamilya na gusto ni Laurein. She likes Reina so much and I know that she likes her for me, too. If I'm going to choose a person to share my life with, that must be someone who would love Laurein as much as I do and that's Reina.

"Reina, sana ganito na lang tayo palagi, sana ay ikaw na ang makasama ko habang-buhay. Siguro ay hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin kaya lahat ay gagawin ko para huwag ka lang makawala. Mahal kita, Reina, sana ay alam mo iyon." Sabi ko kay Reina habang natutulog siya. Then I bowed my head and kissed her on her lips.

"I love you."


REINA


"REINA, sana ganito na lang tayo palagi, sana ay ikaw na ang makasama ko habang-buhay. Siguro ay hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin kaya lahat ay gagawin ko para huwag ka lang makawala. Mahal kita, Reina, sana ay alam mo iyon."

Sa haba ng sinabing iyon ni Laurence ay hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin. Ilang beses iyong nagpa-ulit-ulit sa isipan ko.

"Laurence Madrigal, panindigan mo sana iyong sinabi mo kagabi dahil kapag nagawa mo iyon ay hindi talaga ako mawawala sa iyo. Paano ba iyan, Iceberg, mahal din kita."Pero syempre, sinabi ko lang iyon sa harap ng salamin.

Hindi ko pa kaya na sabihin iyon nang harapan. Kung siya nga, nasabi lang niya iyon dahil akala niya ay tulog ako. Alam ko at sigurado ako sa nararamdaman ko. Alam kong mahal ko si Laurence. Sa kanya ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Pero hindi ko pa rin kayang harapin ang nararamdaman kong ito. Maraming puwedeng mangyari... isa pa, hindi pa tapos ang orihinal kong misiyon, ang ipakita ni Laurence sa ibang tao kung sino siya talaga at kung anong nararamdaman niya.

Natatakot ako na kapag nalaman niyang mahal ko rin siya ay bigla naman siyang manlamig sa akin. Baka sa harap ng ibang tao ay iceberg mode on siya at ideny niya ang nararamdaman niya. Mahal ko si Laurence, may tiwala ako sa kanya pero hindi ko maiwasan na matakot. Afterall, ito ang unang beses na nagmahal ako.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-eempake ko ng mga gamit, uuwi na kami sa Maynila ngayon. At pagdating namin doon ay babalik na ulit sa dati ang takbo ng buhay namin.

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz