Catching A Falling Star - 14 Part 2

1.6K 36 5
                                    

REINA

"We will not talk about Laurence, Miss Reymundo. We are here for business. I didn't come here to gossip and waste my time," pormal na wika niyong lalaki pero bakas talaga sa awra at tono ng pananalita niya ang kayabangang taglay. Naitaas ko na lamang ang aking kilay at umiling.

"Well then...why are you here?" tinalikuran ko sila at naglakad na patungo sa mesa. Sinesyasan ko naman sila na maupo sa sofa.

"Reina... can I talk to you for a second?" hinarap ko si Daddy. Tumango ako at sumama sa kanya patungo sa pantry.

"You don't need to do this, kung ayaw mo silang kausapin, it's okay." Umiling ako at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Dad, it's okay. I can handle it. It's not gonna be easy. It's still painful and I know I haven't moved on. Talking to Tito Enzo will bring a lot of memories but I have to do this until it's all gone. I don't want to benumb myself. I need to feel this pain so that one day, I'll be happy again."

"Come here," Dad opened his arms and I let him hug me. Wala akong kinausap na kahit sino maliban kay Rondell tungkol sa sakit na nararamdaman ko mula noong iniwan ako ni Laurence. Nakababawas pala ng bigat sa dibdib ang tanggapin na lang ang lahat at ang maging open ka sa totoong nararamdaman mo.

"Just remember that I'll be here for you, Princess," tumango ako at kumalas sa pagkakayakap. Pinagmasdan ko si Daddy. He looked stressed and I know it's because of me.

"How are you, Dad?"

"You should not ask me that," umiiling niyang wika. "ikaw ang dapat na tinatanong ko."

"I'm okay. I'm going to be okay. But you, Tito Enzo is your best friend. He is like a brother to you." I sighed knowing that I'm not the only one damaged here. Maraming bagay ang nasira ng trahedyang ito pero naging makasarili ako... sarili ko lamang ang inisip ko. Hindi ko man lang naisa-alang alang ang pagkakaibigan na mayroon ang pamilya namin.

"He was my best friend," aniya habang ineemphasize ang pagiging past tense niyon. "But he betrayed you, he betrayed us. No one is allowed to hurt my princess as long as I'm alive. No one," matigas niyang wika.

"I love you, Dad."

Now I realize that, when you love someone, it also means that you have to sacrifice... that you have to let go of the things that matters to you for the person you love. Dad was willing to let go of their friendship just because I'm hurting. Siguro dapat, ako naman ang magbalik sa kanila. I will let go of Laurence, I will let go of this pain. Makakaahon ako at gagampanan ang tungkulin ko para sa pamilyang ito. Afterall, my family is all I have. Maybe in time, maibabalik pa ang pagkakaibigan nina Daddy at Tito Enzo pero sa ngayon ay kailangan munang maghilom ang lahat ng sugat bago muling buoin ang mga nawasak.

• ♥•♥•♥•

My Miss Blue Rose  (Royal Astra #01 and #1.5)Where stories live. Discover now