CHAPTER 6: Hopeless?

781 25 0
                                    

"What brings you here?" Bungad ko kaagad.

"T-tutulungan na kita. Dont you think it's unfair kung ikaw lang ang gagawa ng project natin. Ikaw ang gumawa but still may grade ako" May point naman siya...

"Pumasok ka" pinatuloy ko siya, sa sala lang of course not in my room. "Dito ka maggawa, sa taas ako. Wala naman sigurong problema duon?"

Nilapag ko sa center table ang ibang parts ng ginagawa ko "W-wala naman"

"Okay, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka" then I go uptairs and continue what am I doing.

Sobrang katahimikan lang namamagitan sa'min until he broke it "R-Rhea?" Sabi niya na rinig ko naman.

"What?" Mabilis kong tanong.

"Tapos ka na?"

"Ipagpapatuloy ko nalang to bukas. May oras pa naman. Hindi ko kailangan magmadali" sabi ko habang sinusuot ko ang eye glasses ko. Medyo nagbleblur na kasi ang paningin ko "Tapos na ako sa part one. Pwede mo bang i-check?"

"Okay, ilapag mo nalang diyan"

Tapos panandaliang katahimikan nanaman bago siya magsalita ulit "R-Rhea--" putol ko.

"What?"

"M-mabait ka naman talaga diba? Like what Jhiro told me before. Bago siya lumayo sa'yo. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para palayuin sa'yo si Jhiro dahil alam ko na parang hindi pa siya naniniwala sa mga sabi-sabi, but still nakikita ko na mabait ka namang tao ... hindi lang namin ito napapansin"

"Mabait, seryoso ka ba"

"Of course I'm serious" at huminto siya sandali, "One more thing, the reason kaya lumayo sa'yo si Jhiro.... binanggit mo ang tungkol sa buhay niya, right? Kapalit ng buhay niya ang pakikipagkaibigan sa'yo"

"Sa tingin mo ba iba pa ang sasabihin ko sa iba maliban sa'yo? Sa dami ng tinaboy ko sa buhay mo sa tingin mo magkakaiba pa ang mga reasons ko?"

"Katulad nga ng iniisip ko" nakita kong nawala ang masayang tono niya "He would never hesitate to stay away from you, dahil napakahalaga ng buhay niya para sa kanya. Because there is someone he care .. someone he wants to protect"

"His family of course"

"Hm, especially his mother. May stage 4 cancer ang Mama niya. Nasa Southern Hospital siya. Ang sabi ng doctor, kahit life support-- hindi niya na makakaya.... " Ito ba ang nasa likod ng mga dasal ni Sharmane?


"Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?... "

"Gusto ko na tulungan mo siya. You can tell if someone is about to die, right? Katulad nang nangyari before sa school. Puntahan mo siya, gusto kong malaman na mahaba pa ang buhay ng Mama niya"

"Hah, naniniwala ka talaga duon?"

Napansin ko ang kakaibang malungkot na ngiting lumitaw sa kanya, "Hindi ko alam. Just for a moment, naramdaman ko lang na kailangan ko 'tong sabihin sa'yo. Siguro umasa lang ako na baka may makatulong sa kanya" tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya, "Mauuna narin ako. Salamat" at maya maya narinig ko nalang na sumarado ang pinto.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako sa hospital ng ganto kadilim. Hininap ko kaagad ang room niya and suddenly I found myself in a dark place and knew the unacceptable truth.

SEILA'S POV

"Your late, Jhiro. Saan ka galing?" Bungad ko sa kanya.

"Binisita mo ba si Mom?" Rinig sa mga boses ni Sharmane ang pag-aalala "O-oo, okay naman siya" may halong kasinungalingan ang mga sinasabi niya. May mga boses ang isip, Jhiro.

"Ganun ba. M-magsimula na kayo. Kanina ka pa hinihintay ni Ate Seila dito"

"Ah, sensiya na"

"Okay lang" sabi ko with a smile.

Nagsimula na nga lang kaming maggawa at nasa kalahati na ako ng hindi na kinaya ng utak ko "Ayaw ko na! Sakit sa ulo!!! Kung kasing talino ko lang si Ate Rhea tapos 'to"

"Bilib ako sa ate mo ah? Maliit siya, so maliit din ang utak niya but still mataas pa rin ang grade niya kahit walang recitation"

"Grabe ka kay Ate Rhea. Hindi talaga kayo nagkakasundo, ano?"

"At hinding-hindi na kami magiging close .. " hindi ko mabasa kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi.

"Pero alam mo, mabait siyang tao. Siya nagbago ng buhay ko... "

"Huh?"

"Hindi kami magkadugo"

"H-Ha?" Sabay pa nilang sabi.

"Haha! Ngayon niyo lang ba nalaman?"

"Magugulat ba kami kung hindi?"

"Haha sabi ko nga"

"So paano kayo naging magkapatid?"

"Hmn, kasi tinulungan niya ako?" Sabi ko na patanong.

"Aaay! Sige na Ate Seila sabihin mo na. Paano?"

"Okay let's make a deal. Bago ko sabihin ang tungkol kay Ate Rhea, gusto kong malaman ang situation ng Mama niyo sa hospital" sabi ko with a serious voice.

"Pa--" pareho nilang tanong.

"Never mind that. Just tell me, anong situation niya ngayon"

"M-may stage 4 cancer siya. Ang sabi ng doctor kahit ano ng gawin nila hindi na nila ito mapapababa ng stage. Kahit life support, hindi narin kakayanin..." sagot ni Jhiro.

"Lahat ginawa na namin. Tinawag na namin ang lahat ng mga Diyos at Diyosa pero wala paring improvement sa condition ni Mama"

Ya, I know...

Nagbuntong hininga ako para naman mawala ang napakabigat na atmosphere. I smiled "Alam kong pinapakinggan nila ang mga dasal mo" at pinat ko si Sharmane.

"I forgot. Marami pa nga pala akong gagawin. Sa susunod nalang ulit" Dahilan ko at lumabas nalang bigla kahit hindi ko pa nasasagot ang tanong nila.

Pag-uwi ko sa kabila dun ko nakita si Ate Rhea na papasok ng bahay.

Saan siya galing?

"Ate, saan ka galing ng ganitong oras?"

"May sinigurado lang. Ikaw, tapos na ba kayo sa ginawa niyu?" She's saying the truth ..

Umiling-iling ako "hindi pa"

Sabay na kaming pumasok sa loob "Ate, alam mo na, hindi ba?"

"Hnm?"

"About sa Mama nila Jhiro na nasa hospital?"

Tumango siya "Galing kanina dito si Nate at sinabi niya sa'kin"

"So anong condition ng Mama nila? Binisita mo siya, hindi ba?"

"Hm, and it's hopeless" sabi niya na alam kong totoo at pumasok na siya sa kwarto niya. "Kung kakain ka mag-init ka nalang ng ulam. Mauuna na ako sa'yong matulog"

Hopeless?....

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now