CHAPTER 8: REVELATION

754 20 0
                                    

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Pero pare-parehas kaming nagulat nang biglang may mga liwanag na lumalabas sa ilalim ni Rhea pero walang nagbago sa itsura niya. May bumalot lang na kulay pula sa paligid niya "I-itigil mo 'yan Ate Rhea!" Sigaw ni Seila.

At maya-maya may pumalupot sa katawan niya na kadena, kulay blue ito na nagmula sa dibdib niya.

Nasaktan siya duon pero nagpatuloy siya "Using my soul, lead me to the highest heavens ... hear my voice and grant my wish ... " mga salita na naririnig ko mula kay Rhea na nagpapatulala sa'min.

"'Ito lang ang magagawa ko, kaya hayaan mo ako?' Masama 'to. Hindi ko siya mapipigilan. Seryoso siya" sabi ni Seila.

"S-Seila, a-ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko.

"Hindi pa ba obvious, Jhiro?" Huminga siya ng malalim "Hindi kami naninirahan sa mundo na' to. Nabubuhay kami sa mundo ng mga Gods at Goddesses" sabi niya na lalong nagpagulat sa'min "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Nate na litong-lito na sa mga nangyayari.

"Hindi niyo ba talaga naiintindihan? Hindi Rhea Gonzalez ang pangalan niya, it's Freiya Vermillion"

"T-the Death Goddess ... " sabay sabay naming mahinang sabi pero nangiti si Selia. "Yeah, pero alam mo, ang swerto mo"

Hindi pa ako nakakasagot ng dugtungan niya na "Wala siyang gabing pinapalipas. Alam mo ba kung among ginagawa niya? Gumagawa siya ng paraan para maligtas ang Mom mo. Nagresearch siya about sa conditions niya. That was the first time na nakita ko siyang ganuon. Dahil kapag nakakakita na siya ng taong mamamatay, wala siyang sinasabi kung hindi ang word na hopeless. Iyon ang tadhana nila. Hindi nila mababago ang tadhana nila kahit na anong gawin nila. Ganyan ang takbo ng utak ng kilala kong Freiya, but this time. Kakaibang Freiya ang nasa harapan ko. At ginagawa niya 'to, para sa'yo, Jhiro" bumalik ang tingin ko kay Rhea. Pero ngayon, may pag-aalala.

"God of the afterlife, the God of the Goddesses, please let me summond a soul ... come forth, soul of Shiena Fuentes" napatingin kami bigla kay Rhea nang bigla niyang banggitin ang pangalan ni Mom.

"Paparating na siya, you have the ability to see soul spirits right?" Tanong ni Seila.

Tinignan ko ng mabuti ang liwanag sa harapan ni Rhea at duon ko napansin .. Its mom.

Napansin ko na naglaho si Mom kay Rhea at unti-unti nagiging siya ito. After that, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Masaya ako na may kasamang lungkot. Sinabi namin lahat kay Mom lahat lahat ng nararamdaman namin. Dahil alam namin na 'yon na ang huli naming pagkikita. "Jhiro, alagaan mo ang kapatid mo"

"Opo, iyon naman lagi ang ginagawa ko"

"Simula ngayon, mamumuhay na kayo na kayong dalawa lang. Nate, Seila salamat sa lahat. And Jhiro, magpasalamat ka kay Rhea. Walang pagpapanggap ang ginagawa niya, nararamdaman ko 'to mula sa puso niya" lahat kami ay nagsitanguan.

"Aalis na ako. Masyado ng nahihirapan si Rhea"

Kaagad kaming humalik ni Sharmane sa kanya at niyakap ko siya "Mom, mamimiss ka namin"

"Sharmane, babantayan ko parin kayo. Mahal ko kayo"

"Hm" niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Hanggang sa si Rhea na ang yakap ko.

Bumalik na siya sa dating anyo niya at nawala narin ang kadena sa katawan niya.

Bigla siyang bumagsak sa balikat ko "Nagamit niya ang half ng spiritual magic niya. Ganyan ang mangyayari kapag ginamit niya ang 50%. Ihiga mo muna siya dito sa upuan" sabi ni Seila.

Sinunod namin si Seila "Seila, kailangan ko ng paliwanag para sa mga nangyari" Pakiusap ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Plano ko na 'yon bago pa magsimula 'to"

2 week passed pero wala paring malay si Rhea. Nandito kami ngayon sa kwarto niya.

FLASH BACK

Pagkatapos namin siyang ihiga ay nasimula ng magsalita si Seila "Alam niyo na naman na siya si Freiya Vermillion. Naririnig niya ang mga dasal ng mga tao. May kakayahan siyang tawagin ang mga kaluluwa at may kakayahan siyang makita kung oras na ba ng isang tao"

"Sa paningin ng iba, at sa inaakala ng mga mortal, napakadali ng buhay ni Freiya" huminto siya sandili at paghinga ng malalim ay nagpatuloy din kaagad,

"Freiya is different among the 5 goddesses. Sa lahat ng mga God at Goddesses, siya ang natatanging nakakaramdam ng lungkot at takot. Katulad ng ginagawa niya dito, lumalayo din siya sa mga tao sa Land Of Priest dahil takot siya na dumami pa ang nakikita niyang Death Vision. Kung mas marami siyang taong kilala, mas marami siyang makikita. She is the leader of all the Guardians dahil sa Spiritual Ability niya. Siya ang pumoprotekta sa mundo namin ..at mundo ng mga mortal. But still .. 30% lang ng mga tao ang nakaka-alala sa kanya sa araw-araw. Ang naiwang 70% ang mga taong nakaka-alala sa kanya kapag kailangan lang siya. Ngayon, isa rin ba kayo sa mga taong iniisip na napakadali ng trabaho niya? "

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now