CHAPTER 17: Lost Soul

454 13 0
                                    

"A-ang Dark Lord mismo?" Pagtataka ni Seila.

"Gamit ang Spiritual Magic niya"

"Eunice, bakit mo 'to ginagawa?" Tanong ni Rhea.

"Hindi naman talaga ako demon. Just a half. Nangyari 'to 10 years ago .."

"1-10 years ago .. " mahinang bulong ni Seila. "I'm from the Land of Eye. Hindi Eunice ang totoong pangalan ko kung hindi Relia ... "

"A-Ate? .... " nagluluha na ang mga mata ni Seila "Matapos umataki ng Dark Lord sa land natin, natagpuan niya akong buhay. Actually marami pa kami ng buhay nung mga oras na 'yon. Nakita ko kung paano niya gawing mga demons ang iba nating kasamahan. Ginamit ko ang mga mata ko para hanapin ka pero nakita kitang hindi ka makagalaw. Inisip ko puntahan ka pero nahuli ako .. naramdaman ko ang pagpasok ng Dark Magic niya sa katawan ko pero hindi niya 'to natapos dahil mukhang naramdaman niya ang kapangyarihan ng Death Goddess at ng maraming Guardian kaya umalis din siya kaagad dahil hindi pa siya handa para kuhanin ang Goddess"

"K-kung ganuon, bakit hindi mo ako pinupuntahan?!" Sabi ni Seila at patuloy na ang pagtulo ng luha niya "Gusto ko pero hindi ko magawa. May Dark Spiritual Magic na sa katawan ko na kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko macontrol. Natatakot akong masaktan ka. Kontrolado ako nuon ng Dark Lord, wala akong nagawa kung hindi ang magpa-alipin sa kanya. Marami kami na alipin niya, at duon ko nakilala ang mga taong tinuring din akong pamilya. Hanggang sa binigyan niya ako ng mission sa lupa. Kinontrol ko ang isipan ng mga tao at pinaniwala sila sa kung sino ako ngayon"

Hindi na nakasagot si Seila at umiyak sa braso ni Nate "Kung hindi mo talaga siya gustong saktan, bakit mo siya nagawang saktan kanina? Muntik mo ng mapatay si Ate Freiya" Tanong ni Zion.

Napaiwas ng tingin si Eunice.

"Zion, ito ang way niya para maprotektahan si Selia. Kung mapapalapit lalo si Selia kay Eunice, malalaman niya ang totoo na si Eunice at Relia ay iisa. Pero kung lilitaw na masama si Eunice sa mga mata ni Selia, hindi niya maiisip na kapatid niya ang gustong pumatay sa'kin" at gumaan ang tingin ni Rhea "Pero seryoso ka sa bawat pagbitaw mo ng arrow kanina"

"Dahil naniniwala ako na hindi ka mamamatay sa mga atake ko. Pero gusto kong malaman kung hanggang saan ang kakayahan mo"

"Naprove ko naman, hindi ba?" at ngumiti si Eunice.

"Magkakasama na ba tayo?" Tanong ni Seila.

Naglaho ang ngiti sa labi ni Eunice, "Umiksi ang buhay ko dahil sa Dark Margic.... hindi magtatagal, maglalaho rin ako"

"H-hindi... hindi maaari 'yon" Sabi ni Seila at yumakap siya kay Eunice "Seila, ang laki mo na talaga. Haha. Kaya h'wag ka ng umiyak"

"E-Eunice, a-ang katawan mo.. " sabi ko ng mapansin ko na unti unti siyang naglalaho. "H-hindi, Hindi ka pawedeng mawala! Ate!"

"Seila, okay lang ang lahat. Katawan ko lang ang maglalaho pero hindi ang puso at isip ko. Gamitin mo ako para protektahan si Freiya. Ikaw na ang bahala sa'kin, Selia" at naglaho siya, sa higaan na kaninang pinaglulugaran niya ay mayroong isang mahabang espada.

"Hm, ako na ang bahala.... .. " nakita kong niyakap ni Rhea si Seila.

Hindi rin nagtagal kumalma na si Seila at in-exquip na niya ito para matago. Bumalik narin kami sa room pero nagulat kami sa bumungad sa'min "WELCOME TO 2-B, Rhea .. Jhiro"

"P-para saan--" putol sa'kin ni Janna.

"Remember, hindi pa namin kayo nawewelcome sa section namin"

"And gusto din naming magpasalamat sa'yo, Rhea. A-at mag sorry din" sabi pa ng ilan.

Si Rhea hindi makapaniwala sa nangyari.

RHEA'S POV

Maraming nangyari nung mga oras na 'yon. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil sa nangyari na nakakasundo ko na 'yung mga kaklase ko o dapat ba kaming maging malungkot dahil pwede silang madamay sa akin.

"Ate, pwede ba tayong mag-usap?" Tumingin ako kay Zion.

"Hm, in private? .. " Tumingin siya sa'kin ng seryoso at tumango
"Seila, punta muna kami sa roof top. May sasabihin daw sa'kin si Zion" tumango lang ng may pagtataka si Seila.

Pagkadating namin sa roof top naging seryoso ang paligid hindi siya nagsasalita na parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya 'yon o hindi. "Zion, bakit hindi ka lumaban kanina?"

"M-marami kasing pumapasok sa isip ko that time"

"Katulad ng? "

"Ang Dark Lord" kaagad akong napatingin sa kanya ng seryoso. "Nararamdaman ko ang presensya niya simula nang pumunta ako dito. Simula nung magkita tayo sa gate hanggang sa pagpasok ko sa room niyo kanina"

"Mararamdaman mo talaga siya dahil kay Eunice"

"Iyan din ang akala ko. Pero nanatili ang presenya niya kahit naglaho ang tauhan niya"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lost Soul" lumingon kami sa likod ng biglang magsalita si Seila "Nililinis ang mga kaluluwa ng mga namayapang mapupunta sa impiyerno, magdudusa at matapos magsisi ay magkakaroon siya ng panibagong buhay at katawan maging paghahanda para sa mga bagong ala-ala. Pero bago sila maging isa ng bagong katawan niya ay tumanggi siya na mabuhay ulit sa ibang katauhan. At iyon ang tinatawag na Lost Soul"

"A-ang ibig mo bang sabihin Ate Seila may chance na nandito ang dapat na katawan ng Dark Lord kapag pumayag siya na mabuhay siya sa ibang katauhan?" Tanong ni Zion.

"Nandito talaga siya ... naramdaman ko siya, a week after mag transfer ni ate Rhea dito sa Norwood Academy"

"Sino .. ?" Tanong ni Zion.

A week after I transfered? .. Sino..

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें