CHAPTER 21: Promise

413 13 0
                                    

"Hindi namin alam ang buong nangyari dahil hindi pa kami buhay that time, actually pinagbubuntis palang si Ate noon. Pero ang sabi nila, siya ang nagprotekta sa mundo namin" sabat ni Zion na biglang sumulpot sa likod namin "Hindi kami pinalad na makita siya at makilala dahil sa tragedy na nangyari" sabi pa ni Seila.

"Maliban sa Forbidden Spiritual Magic niya, ano pa ang kaya niyang gawin?" Tanong ni Jhiro.

"Ang sabi nila, siya lang ang nakakapagtawag sa Four Elemental Guardian's" sagot ko.

"Four Elemental Guardians?"

"Four souls ng four elements na may kakayahan para iseal or i-eliminate ang kahit na anong uri ng Dark Magic--" putol niya sa'kin.

"Bakit hindi nalang iyon ang ginamit niya imbis na ang Forbidden Spiritual Magic?"

"Para tawagin ang Four Elemental Guardians, kinakailangan may malakas ka na Spiritual Magic. Ang sabi nila wala na daw sa tamang kondisyon ang Deity Goddess ng mga oras na 'yon kaya hindi niya magawang matawag ang Four Elemental Guardians. Masyado na siyang maraming nagamit na Spiritual Magic sa giyera"

"Nasaan ngayon ang katawan niya?"

"Hindi namin alam" singit ulit ni Seila.

"Naglaho siya kasama ng Spiritual Magic niya na naging Dark Spiritual Magic na pumatay sa kanya" sabi pa ni Zion.

"D-Death Penalty ... " mahinang sabi ko. Nabalutan ng takot ang buong katawan ko. Naalala ko kung paano ako mamamatay, kung paano tatama sa'kin ang Death Paradox ng Dark Lord. Sa sobrang takot ko nakalimutan ko na ang mga nasa paligid ko. Pero bigla akong nabalik sa sarili ko nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. "Ipangako mo sa'kin na hinding-hindi mo gagamitin ang Forbidden Spiritual Magic mo" Seryosong sabi ni Jhiro.

"P-paano kung may gawin ang Dark Lord sa inyo kapag hindi ko siya binuhay... " Sandaling paghinto ko. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo? H-hindi ko kaya 'yon ... "

"Ako rin .. Hindi ko rin kakayanin na mawala ka. Kaya naman, h'wag na h'wag mo 'tong gagamitin, okay?"

Gusto kong umiyak. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Gamitin o hindi ko gamitin, parehas silang mapapahamak. Kailangan bang patayin ko nalang sarili ko para matapos ang lahat?

"Mangako ka, Ate Rhea"

May ngiti kong nilingon si Selia "Hindi ko mapapangako ..."

"Rhea .."

"Magtiwala kayo sa'kin. Gagamitin ko 'to sa mabuting paraan... poprotektahan ko kayo"

"Nakalimutan mo na atang trabaho ko 'yan, Rhea. Poprotektahan kita. Babaguhin ko ang kapalaran mo, hindi kita hahayaang mamatay" niyakap ko siya at duon nagpunas ng mga luha.

"Ahem, pasintabi lang oh. Nandito rin kami. Hindi lang si Jhiro ang gustong protektahan ka. Poprotektahan ka namin, Ate" sabi ni Seila.

"Hm, poprotektahan din kita, Ate Freiya" sabi ni Zion.

..poprotektahan ko sila kahit na anong mangyari.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora