CHAPTER 16: THE DUEL

439 14 0
                                    

Nung una ayaw pa ibigay ni Seila pero sa huli binigay din niya ang isang Spiritual Knife "Ano naman ang mga 'yan?" Tanong ni Eunice habang nagkakabit ng silencer sa baril niya.

"Hmn, simpleng knife para sa isang mortal"

"Mortal? Anong sinasabi mo?... "

"Eunice, gawin natin 'to sa hindi mataong lugar. Ayaw kong may masaktan"

"Sure. Sa basketball gym ba?"

"Okay"

Nag-uusap sila na parang wala ang napakabigat na aurang pumapaligid sa kanila.

Sinundan lang ni Rhea si Eunice papunta sa basketball gym. Halos buong campus nalaman ang tungkol sa duel. Pati mga teacher nakiki-isyoso.

Sumabay ako sa paglalakad ni Rhea "Sigurado ka ba dito?"

"Hindi mo siya kayang labanan gamit lang ang Spiritual Knife. Masyadong maliit ang Spiritual Knife, Ate " sabi ni Seila na kasama si Zion at si Nate "Magtiwala ka lang sa'kin, Selia" she said as she enter in the Basketball Gym with Eunice.

Marami kaming istudyante na nandito sa labas ng gym. Lahat kabado dahil nakalock ang gym. Paano kung may masaktan dahil sa nangyari?

RHEA'S POV

"Eunice, mag-usap tayo pagkatapos nito"

"Hindi ba't nag-uusap na tayo?" Nakangiting saad niya.

"Isa kang Demon, isa sa mga tauhan ng Dark Lord" Sabi ko na may boses na seryoso. "Nararamdaman ko ang presensya niya sa'yo. Naramdaman ko 'to unang araw na nagkita tayo"

Ngumiti siya "Haha! As expected, Death Goddess Freiya. Totoo ang mga sinasabi nila na kahit ang maliit, ay hindi mo dapat maliitin" naglaho ang baril niya at napalitan ito ng Spiritual Arrow. Katulad din ito ng Spiritual Knife na gumagamit ng Spiritual Magic .. Mas malakas nga lang ang Arrow kaysa sa Knife "Sure, mag-usap tayo pagkatapos nito.. 'yun ay kung makalabas ka pa ng buhay dito"

"Okay"

"Bago tayo magsimula, gusto kong ipaalala na seryoso ako sa pagkitil ng buhay mo" umatras si Eunice hanggang sa pader ganun din ako.

"Gusto ko ring ipaalala, na hindi ako rito mamamatay"

"Tignan nalang natin" At biglang may hinagis si Eunice sa lapag na nagbuga ng maraming usok. Nagconcentrate ako hanggang sa tumira siya 9 times.

JHIRO'S POV

"Nararamdaman ko ang Spiritual Magic ni Ate" bulong ni Zion.

"N-Nararamdaman ko si Leafeira pero..... hindi ko siya makita" sabi ni Seila at bigla siyang nagulat "S-Sh*t! Isang Demon si Eunice. Kailangan nating protektahan si Ate" Bago pa ako nakapagreact sa sinabi ni Seila ay nakarinig kami ng 9 na putok

9?.... Isang bala lang ang usapan. B-bakit bumaril siya ng 9 na beses? Saka bakit iba ang tunog?

Kaagad kaming tumakbo pupunta sa pintuan pero nakalock. "Rhea! Oy Rhea! Sumagot ka Rhea!"

May isang teacher na dumating dala ang isang susi. Pagbukas ng pinto sumalubong sa'min ang napakakapal na usok "Rhea! N-nasaan ka?!"

Tumakbo kaagad si Seila sa isang lugar kaya sinundan ko siya. Duon nakita namin si Rhea na nakahiga. "A-Ate Rhea! Ate Rhea, okay ka lang?!" Natatarantang sabi ni Seila.

"Ate .. " sabi ni Zion.

"Oy Rhea! Rhea!"

"Jhiro, tignan mo" tumingin ako sa tinuturo ni Nate. Si Eunice nakasandal sa pader at gulat na gulat at sa gilid niya ay may mga Arrow na asul ang nakatusok sa pader at may hawak siyang Arrow? "A-anong nangyari rito?"

"Jhiro, dalhin natin siya sa clinic" sabi ni Seila.

"S-sige"

"Nate, Zion dalhin niyo rin si Eunice" utos niya pa "Marami tayong itatanong sa kanya"

Sinunod na nga lang namin si Seila at dinala namin sila parehas sa Clinic "Magiging okay lang ba siya?" Tanong ko.

"Oo, gumamit siya ng 80% ng Spiritual Magic. Kaunting pahinga lang ang kailangan niya" sabi ni Zion.

Nakita namin na nagising na si Eunice at umupo siya "H'wag kang aalis sa kinalalagyan mo, Eunice!" Sabi ni Seila at may lumitaw na Spiritual Knife sa kamay niya. Sa gilid naman ni Zion ay may dalawang tigre pero parang kaluluwa ito.

"Huwag kayong mag-alala" lumiwanag ng asul ang kamay ni Eunice papunta kay Rhea "I-ikaw-- a-ano ba talagang habol mo? ...... " mahinang tanong ni Seila.

Hindi sumagot si Eunice sa tanong niya "Siya ang pinakamalakas na Goddess, kahit na hindi pa siya tuluyang nagigising. Pero kahit gaano man siya kalakas, hindi niya dapat pinupwersa ang sarili niya.... kung hindi maglalaho siya at sa muling pagbabalik niya, wala na siyang mga ala-ala" sabi niya habang nakatingin kay Rhea.

"A-anong sinasabi mo?" Sasagot na sana siya sa tanong ko nang magising si Rhea kaya lumapit kami kaagad sa kanya "O-okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Hm"

"Goddess Freiya, ang Twin Holy Blade lang ang tinawag mo imbis na pati ang katawan niya. Haha, ngayon lang ako naka encounter ng katulad mo" sabi ni Eunice.

"Dahil hindi ko kaya na tawagin ang katawan niya dahil sa Chain Seal. Eunice, maaari ko na bang malaman ang reason kung bakit nandito ka? Nandito ka ba para kunin ako? Pinadala ka niya rito hindi ba?"

"Pinadala niya ako para hanapin ka, pero against to sa gusto ko. Dahil dito, napilitan akong mapalayo sa pamilya ko" at nilingon niya si Rhea ng puno ng seryoso "Papunta na siya dito para kuhanin ka"

P-papunta? ... papunta ang Dark Lord dito?

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें