CHAPTER 30: Bye For Now

460 9 0
                                    

"Jhiro, mahihintay mo ba ako?" Seryosong tanong niya. Napansin ko ang pagliwanag ng katawan niya "A-ano bang klaseng tanong 'yan. A-ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko at pinipigilan ko ang luha ko.

"Masamang inaabuso ang Spiritual Magic ng isang God at Goddess. Sa oras na maabuso ito, maglalaho ito ng 208 years... at sa tagal nito, halos bumabalik na ang isang God at Goddess ng walang memorya" sabi ni Leofeore habang naglalakad siya papalapit sa'min at duon naalala ko ang sinabi ni Eunice

"Siya ang pinakamalakas na Goddess, kahit na hindi pa siya tuluyang nagigising. Pero kahit gaano man siya kalakas, hindi niya dapat pinupwersa ang sarili niya.... kung hindi maglalaho siya at sa muling pagbabalik niya, wala na siyang mga ala-ala"

"208 years?.. " Tanong ko na hinaluuan ko ng biro. Pinapanalangin ko na sana .. Na sana nagbibiro nga lang talaga siya.

"208 years sa mundo na 'to, pero 4 years lang sa mundo ng mga mortal" sabi ni Leafeira.

"Matagal din ang 4 years pero... babalik ka naman hindi ba?" tanong ko dahil alam ko na anytime pwede siyang maglaho.

"Hm, babalik ako" and unti-unting naglalaho ang katawan niya. "H'wag mo akong kakalimutan, Rhea" sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko sa kanya niya.

May malukungkot siyang ngiti sa pagtango niya, "Pinapangako ko"

Hinalikan mo siya sa noo bago siya tuluyang naglaho.

Kasabay ng paglaho niya ay naglaho narin si Leafeore at si Leafeira. "Alisin mo 'yang malulungkot na tingin mo" sabi ni Seila sabay binatukan ako.

"Sa oras na makalimutan mo si Ate Freiya, ako ang papatay sa'yo Jhiro Fuentes" Sabi ni Zion.

"Iniisip ko lang... " hindi ko napigilan na tuluyang mawala ang ngiti sa labi ko "Paano ang 4 years ko kung wala siya? Paano kung after 4 years na paghihintay ko sa kanya.... paano kung wala na ako sa mga ala-ala niya?"

"So, anong plano mo kapag nangyari 'yon?" Tanong ni Seila ng may ngiti at duon ko narealized "Gagawin ko ang lahat para maalala niya ako. Kung kinakailangang ikwento ko sa kanya ng detalyado ang mga nangyari, gagawin ko"

"Isipin mo nalang na after 4 years, magkakasama kayong muli" sabi ni Seila.

"Think positive"
Sabi ni Zion.

"Thanks" sabi ko.

"Aaah! Finally! Kapayapaan"

After naming makabalik sa Land of Preist ay bumalik narin ako sa totoo kong mundo kasama si Seila. Maraming nagbago simula nung maglaho si Rhea. Maraming nagtatanong na mga kaklase namin kung anong nangyari pero hindi ko naman maaaring sabihin ang buong nangyari. Si Sharmane at si Nate alam narin ang nangyari sa kanya.

Habang ako, umaasa na babalik siya kasama ang mga magagandang memorya naming dalawa.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSOnde histórias criam vida. Descubra agora