CHAPTER 24: Strange Girl Spirit

343 11 0
                                    

FREIYA'S POV

"Tanggapin mo nalang ang kapalaran mo, Freiya. Tanggapin mo ang alok ko at papalayain kita"

"Magkamatayan na tayo, pero hinding-hindi ko babanggitin ang mga salitang 'yon"

Ang cube ay nawala at napalitan naman ng mga chain. Naka chain ako sa isang malaking bato at ang chain na 'yon ang pumipigil sa'kin para makapagrelease ng Spiritual Magic. Well, para namang wala ng isang chain sa loob ng katawan ko.

"Sige, naiintindihan ko. Bibigyan kita ng oras"

"Nagsasayang ka lang ng oras. Hinding-hindi magbabago ang desisyon ko. Kaya anong plano mo? Hindi ka mabubuhay ulit unless gustuhin ko" Sarcastic kong tanong.

"May isa pang option, Goddess Freiya. 'Yun ay ang palayain ko ang lahat ng mga nasasakupan ko para sakupin ang buong mundo"

Dahil sa sinabi niya, lahat ng nakita ko dati ay nakita ko ulit. Ang war, ang mga taong nakikipaglaban sa mga demons at ang pagkamatay ko. "B-bakit..... bakit mo ba 'to ginagawa?! Bakit mo pinapahirapan ang mga taong dapat na pinoprotektahan mo?!"

"Kung ganuon, asan ngayon ang mga taong dapat na pinoprotektahan ko? Ano ngayon ang tingin nila sa katulad ko?! Masama bang maging malakas, pero dahil sa lakas ko na 'yon kinatakutan ako at kinasuklaman ako. Isa lang naman ang nais ko, gusto kong gumawa ng mundo na magiging magkasama kami ni Eriela. Pero alam mo kung anong sinabi nila? Kailan man hindi maaaring magsama ang isang anghel at demonyo"

"Pero sino bang pumatay sa Goddess na binabanggit mo?" at tinignan ko siya ng seryoso, "H'wag mong ipamukha sa kanya na parang nabalewala ang pagkamatay niya"

"Namatay? Hindi, alam kong nasa paligid lang din siya katulad ko"

"Nababaliw ka na... "

Isang turo niya lang sa'kin ay may lumabas sa daliri niya na Dark Magic at tumama ito sa bato sa malapit sa mata ko "Tumahimik ka!"

"Bakit hindi mo idirect sa'kin? Bakit natatakot ka bang mamatay ako?"

Napansin kong nagkiskis ang mga ngipin niya sa sobrang galit "Dahil sa oras na mamatay ako... sinong bubuhay sa'yo?"

"Manahimik ka!" Sa sobrang inis niya sunod sunod ang pagatake niya. May ilang tumama na sa balat ko. Marami rin akong natanggap na sugat.

Bakit kahit na alam kong masakit, bakit walang luhang tumutulo sa mga mata ko?

Jhiro, kaya mo ba talagang baguhin ang tadhana ko?

JHIRO'S POV

Jhiro, kaya mo ba talagang baguhin ang tadhana ko.

R-Rhea .. Sa isip ko at biglang bumangon.

Panaginip?

"Oh? Gising ka na? .. " sabi ni Seila na biglang lumitaw sa damuhan. Tumingin ako sa kanan ko. Tulog pa si Zion "Saan ka galing?" tanong ko.

"Naghahanap ng mga kakaibang lugar and at the same time, naghahanap ng makakain" hinagis niya sa'kin ang isang prutas na kinain namin kagabi. Kakaiba siyang pagkain dahil mabubusog ka talaga. "May balita na ba kay Rhea?"

"Wala pa" sagot niya habang ginigising si Zion "Pero may napaka-interesting na bagay akong natagpuan .. " dugtong niya.

"Hm?" Tanong ni Zion na nagkukusot ng mata "Ang milyong-milyong mga demons na lumilipad papunta sa west"

"Meaning to say, malapit lang tayo sa Dark Lord" seryosong sagot ni Seila.

"Tara na .."

Hindi na kami nagsayang ng oras. Habang naglalakad kami ay sinasabayan narin namin ng pagkain. "Ang ibang Goddess, anong balita sa kanila?" Tanong ko.

"Iyon ang pinag-aalala ko. Hindi namin sila matawagan, wala rin kaming natatanggap na tawag mula sa kanila" sagot ni Zion.

"Paniguradong may nangyari" sabi ni Seila.

We are walking almost 3 hours. Huminto kami sandali sa ilalim ng puno para magpahinga "Hah, pagod na ako.. " sabi ni Zion at huminga ng malalim.

"Same ... " sabi ni Seila.

"Susuko nalang ba kayo, kayo lang ang pag-asa ng isang Goddess" sabi ng isang boses ng babae

"Sino ka?" Tanong ko.

"H'wag mong sagutin ng isang tanong ang sagot ko" seryosong sabi niya.

"Sino ka ba? Anong connection mo kay Frieya?"

Tinitigan niya ako, "Well, kahit hindi mo sagutin ang tanong ko. Ramdam ko naman kung anong sagot mo" at naglaho siya.

"Nandito ako" at biglang may lumitaw sa ilalim ng puno. Nakalutang siya, isang babaeng katulad ni Leafeira. "F-Free Spirit" Bulong ni Zion.

"Sino ka ba talaga?... "

"Hindi niyo na kinakailangang malaman" sa paglaho niya, papalayo siya ng palalayo "Saan ka pupunta?!" tanong ni Selia.

"Gusto niyo siyang iligtas, hindi ba? Kung ganuon, sundan niyo ako"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now