CHAPTER 19: Confession

437 12 0
                                    


"AAHH!" nagulat ako nung tangayin ako ng malakas na hangin papaitaas para akong nasa loob ng isang dark magic. Pero dahil sa hawak ako ni Jhiro hindi ako nagpatuloy sa paglipad pero ang kamay niya nasa loob ng magic at napapansin ko na unti-unti siyang nasusugatan.

Naisip kong gamitin si Leafeira. Nagrelease ako ng Spiritual Magic. Napansin ko na bumalik ang pulang mata ko. Ramdam ko ito dahil sa nakikita ko "Using our contract of blood and spiritual magic, become like a swords that protects me and appear before me now! .... Come forth, Divine spirit, Leafiera! In my name, I command you, Protect me at all cost!" Lumitaw siya kasabay ng Chain Seal. Pero naglaho din siya kaagad dahil sa Chain Seal kasabay ng pagbabalik ng mata ko sa normal.

Maraming Spiritual Magic ang kailangan ko para matawag siya pero ang nakakapagtaka, hindi katulad noon ang Chain Seal. Parang humina ito.

Tumingin ako kay Jhiro "Bitawan mo na ako!"

"Putulin mo man ang kamay ko, hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo"

Dahil duon uminit ang mga mata ko.

"K-Kapag hindi mo ako binitawa... parehas tayong mamamatay" pero pinilit niyang ngumiti, "Kung hindi ko man mabago ang tadhana mo, kasama mo akong mamamatay"

Kahit patuloy na tumutulo ang mga luha ko, tinatangay ito kaagad ng malakas na hangin bago pa man ito pumatak sa lupa, "Nababaliw ka na ba..."

"Siguro nga nababaliw na ako"

"Pero kailangan mo ng bumitaw, Jhiro..." gamit ang isa kong kamay, tinulak ko pabitaw ang kamay niya pero nahagip niya parin ang kamay ko, "Hindi kita bibitawan. Hindi ko alam kung saan ka dadalhin ng bagay na 'to. Hindi ko alam kung makikita pa ba kita once na tangayin ka nito. Kaya naman, please... Rhea, hayaan mong hawakan kita ng mahigpit. Hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa'yo. Babaguhin ko pa ang kapalaran mo"

Hindi ako makapagsalita dahil sa luha kong pilit kong pinipigilan.

"Wala akong pakialam kung ako ang kasalukuyan ng Dark Lord. Wala akong pakialam kahit na... kahit na ang buhay ko ang maging kapalit para lang maligtas ka. Ang hindi ko lang gusto, ay 'yung makakalimutan kita. Lumayo ako dahil naging selfish ako, dahil natatakot ako na mawala ka sa mga ala-ala ko. Tinatak ko sa isip ko na okay na 'yung nakikita kitang buhay. Pero nagkamali ako, masakit para sa'kin na hanggang tingin lang kita" sa pagtingin niya sa'kin, siyang pagkakita ko sa luha sa mga mata niya, "Dahil gusto ko ring mayakap ang mahal ko"

"N-nababaliw na nga... Jhiro" pinunasan ko ang luha ko.

"Papahirapan mo ba talaga ako? Once na mabitawan kita.... mahihirapan akong hanapin ka. Hindi napakadaling hanapin ang isang bata, Rhea. Kaya naman, please.... hawakan mo ang kamay ko"

May ngiti ko siyang tinignan mula sa itaas, at inihanda ko na ang kamay ko para hawakan pa ang kamay niyang napakahigpit hawakan ng is kong kamay.

"Hindi mo na ako kailangang hanapin.... hindi ako aalis sa tabi mo"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now