CHAPTER 26: Mission Accomplish

338 11 0
                                    

"Pakawalan mo siya!" sigaw ni Zion kahit namumuo na ang mga luha sa mata niya.

"Sorry, pero hindi ko maaaring gawin 'yon" Ang sagot ng Dark Lord

"Bakit ba gustong-gusto mong mabuhay?! Bakit ba hindi ka nalang magpahinga!" Galit na sigaw ni Seina

"Leafeora, wala ba tayong magagawa?" Tanong ko.

"Lahat ng nakatadhanang mangyari.... ay mangyayari" seryosong sabi niya.

T-tadhana...

"Tama na. Umalis na kayo" kalmadong sabi ng Dark Lord.

"Hindi kami aalis hanggat hindi namin siya kasama" sabi ko naman.

Biglang tumakbo si Seina kasama si Zion papunta sa Dark Lord "Jhiro, ikaw na ang bahala kay Ate. Kami na ang bahala sa Dark Lord" Seina said using her telepathy.

"Sigurado ba kayo?" Tanong ko at tumakbo narin pero papunta kay Freiya.

"Hm. Hindi namin hahayaan na tuluyan niyang makuha si Ate Rhea ... "

"Hm, naiintindihan ko"

"Simulan na natin 'to, Zion!" At nagsimula na silang umatake. Si Zion may mga sinasabi at may lumalabas na mga Ghoul sa gilid niya na umaatake. Si Seina gamit ang Dark Spiritual Sword na iniwan sa kanya ni Reila, nagrirelease ito ng Dark Spiritual Magic na sobrang tindi ng epekto sa Dark Lord.

Nang makarating ako sa kanya hindi ko alam kung paano ko aalisin ang mga chain "H-hindi 'to ordinaryong kadena, Jhiro..... umalis na kayo" pinilit niyang ngumiti kahit nagluluha na ang mga mata niya.

"Hindi kita iiwan dito. Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Pero Jhiro--" pagputol ko sa kanya.

"Kahit na ano pang sabihin mo, hindi kita iiwan dito"

"May isa pang paraan para makalaya siya .. " si Leafeore na biglang lumitaw nalang.

"I-ikaw.... ikaw ang Divine Spirits ng Deity Goddess. A-anong ginagawa mo dito" Sabi ni Freiya na may pagkagulat.

"Kilala mo siya?" Tanong ko pero umiling siya.

"Nakikita ko siya sa panaginip ko. Kasama ang Deity Goddess"

Tumingin si Leafeore sa kanya ng seryoso "Katulad ng iniisip ko .."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rhea.

"Time will come, malalaman mo rin ang katotohanan" at lumayo siya ng kaunti sa'min "Naaalala mo ba ako?" Sigaw niya pagharap niya sa Dark Lord.

"L-Leafeore .. Hahaha!!! Kung nandito ka... ang ibig sabihin lang nito ay buh-- !" Natamaan siya ng atake nila Seina at Zion dahil sa pagkakadistract. Kasabay din noon ang pagkawala ng kadena sa katawan ni Freiya. Bumagsak siya sa mga braso ko. "T-thanks .. "

"Walang anuman" may ngiti kong sabi.

"Seina, Zion! Aalis na tayo!" Sigaw ni Leafeore.

Tumakbo narin sila Seina at Zion. Iniwan nila ang Dark Lord na hiniheal ang sariling sugat.

Inalalayan ko si Rhea sa pagtakbo "Okay ka lang?" Tanong ko.

"Paano siya magiging okay sa dami ng sugat niya?" Sabi ni Seina.

Napansin ko rin na nagkaroon ng mga sugat sila Seina at Zion dahil sa laban "Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Zion nang biglang may bumungad sa'ming napakaraming daan.

"S-sorry.... nagamit ko na ang halos lahat ng lakas ko" sabi ni Seina na nakahawak sa braso niya.

"Sa pangatlo sa kanan mo, Selia.. " napatingin kaming lahat sa biglang pagsasalita ni Rhea pero si Leafeore parang hindi nagulat sa sinabi niya at napangiti nalang "Hm?"

"May pakiramdam lang ako.. na parang galing na ako rito" diretsong sagot niya.

"Tara na" sabi ni Leafeore at tumakbo na kami palabas.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now