CHAPTER 14: Warm hand

496 15 0
                                    

"Ikaw, bakit mo ako tinutulungan?"

"Dahil nakakasawa rin palang makita ang mga tao na nagdurusa.... at ang isa pa, trabaho namin ang gabayan ang mga tao"

"Ganun rin ako. Hindi naman dapat na kami ang palaging tinutulungan niyo, hindi ba? Hindi ba oras naman para kami ang tumulong sa inyo? Hindi kita tutulungan dahil may utang na loob ako sayo kung hindi dahil ayon ang dinikta ng isip ko" pagkatapos ng usap na 'yon. Katahimikan na naman ang namamagitan sa'min "Rhea, pwede ba kitang tanungin?"

"Hm?"

"Paano kung nakuha ng Dark Lord ang mga mahal mo sa buhay, at ang kapalit ng buhay nila ay ang pagbuhay mo sa kanya. Anong gagawin mo?"

"2 choice lang ang naiisip ko. First, kung mamamatay ako ng maaga, wala na siyang pag-aasa na mabuhay but theres a chance na saktan niya ang mga mahal ko. Second choice, papayag ako sa kundisyon niya pero papayag lang ako kung hindi niya sasaktan ang mahal ko"

"Mamamatay ka sa mga choices mo. Handa ka ba talagang mamatay?" She just nodded with a smile "Nakwento sa'kin ni Seila na nakita mo na mismo ang sarili mong kamatayan, kaya ka nandito para baguhin 'to"

"Para sa kanila nandito ako para mabuhay, para takasan ang tadhana ko. Pero para sa'kin hindi, dahil kahit saan pa ako magpunta... hindi ko matatakasan ang tadhana ko. Mamamatay at mamamatay padin ako sa oras na 'yon. Walang makakapagbago ng tadhana ng isang katulad ko"

"Babaguhin ko ang tadhana mo. Gustuhin mo man o hindi, hindi kita hahayaan na mamatay"

Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko at tinignan ako ng seryoso na parang nakikita niya ako. Narinig ko pa siyang magbuntong hininga bago tumayo "Matulog ka na? Sa sofa niyo nalang ako matutulog para may kasama ka dito" Lumapit ako sa kanya para alalayan siya papunta sa kama niya.

Humiga na rin siya, aalis na sana ko nung hawakan niya kamay ko "P-pwede bang ... d-dito ka nalang din humiga?"

"H-ha?"

"N-naiintindihan ko kung naiilang ka. H-hindi lang kasi ako makakatulog ng maayos kapag ganito ang sitwasyon ko"

"K-kung g-ganun naman, b-baka dapat dito na ako mahiga? K-k-kung mahihirapan ka"

"T-thanks. M-maglagay ka nalang ng unan sa gitna" at sinunod ko nalang ang sinabi niya bago ako mahiga. Tumalikod nalang ako sa kanya para hindi ako mailang.

Maraming minuto ang lumipas pero hindi ako makatulog. Lalo na kapag iniisip ko na si Rhea ang katabi ko "Bakit gising ka pa?" tanong ni Rhea.

Gising pa siya?! "Paano mo nalaman na gising pa ako?"

"Sa paghinga mo" d-dahil lang duon nalaman niya?"

"Nakikita mo ba ang kamay ko?" Umayos ako ng higa at nakita kong nakataas yung kanang kamay niya "Hanggang sa makatulog ako.... maaari mo bang hawakan ang kamay ko?"

Hinawakan ko nalang kamay niya at pumikit na ako. Ang init ng kamay niya..

***

Nagising ako nung mag-alarm ang phone ko. Pagdilat ko ng mata ko hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa gulat. Ang lapit ng mukha niya.... Imbis na isang Goddess, maa mukha siyang anghel kapag natutulog.

Maya maya unti-unti narin siyang dumilat. "Hmm--? WAAA!!!" nagulat ako sa sigaw niya. Nakakakita na nga pala siya >_<

"WAAA! Bakit ganyan ka makatitig sa'kin kauma-umaga?!!!! W-wala ka naman sigurong ginawang kabaliwan sa'kin?! D-diba? Diba?!!!"

"W-w-wala syempre! N-nakatingin lang ako sa'yo d-dahil .. d-d-dahil may muta ka!"

Kaagad naman siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo. "Rhea, b-balik na ako sa bahay"

Paglabas niya may tuwalyang nakasabit sa balikat niya. Magsasalita na sana siya nung mas naunang magsalita ang tiyan niya dahil sa gutom. "Makakaagluto ka ba ng breakfast?" Tanong ko.

Hindi siya kaagad nagsalita at umiwas ng tingin sa'kin "Tara sa bahay. Iinit natin 'yung pagkain na naiwan ko kagabi"

FREIYA'S POV

B-bakit ang sarap niyang magluto? Ang sarap grabe.. "Bakit naiwan mo 'to kagabi? Samantalang ang lapit lang ng bahay niyo sa'min"

"Bigla kasi akong kinausap ni Seila habang nagluluto ako ng hapunan. Sinabi niya sitwasyon mo so nagmadali ako para puntahan ka"

Ibig sabihin hindi siya nagdinner para lang mapuntahan ako? 'Tong lalaking 'to ... g-ginawa niya 'yon para lang samahan ako?...

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now