CHAPTER 25: Leafeore

331 9 0
                                    

"Si R-Rhea? Alam mo kung nasaan siya?!" at tumango lang siya. Sinundan namin siya kahit hindi pa kami sigurado sa ginagawa namin "Mapagkakatiwalaan ka ba namin?" Tanong ni Zion.

"Bakit hindi mo tanungin ang mga mata ng kasama mo?"

Tumingin kami kay Seila. At seryoso ang mga tingin niya "Mapagkakatiwalaan natin siya... Light Spiritual Magic ang dumadaloy sa kanya... isa siyang Divine Spirit"

"Divine Spirit? Katulad ni Leafiera?" Tanong ni Zion.

"Hm. Kaya naman gusto kong malaman ang pangalan mo"

"Katulad ng inaasahan ko mula sa mga tao ng Land of Eye ... Ako si Leafeore"

"Deity Goddess's Spirit ... " bulong ni Seila.

"Wait! Matagal ng patay ang Deity Goddess. Hindi maaaeing magstay dito ang isang Divine Spirits na matagal ng patay ang nagmamay-ari nito" sabi ni Zion.

"Kung ganuon. Bakit nabubuhay pa siya sa mundo na 'to?" mahinang tanong ko na parang sarili ko ang kausap ko.

Ako nakikinig lang Din dahil wala akong alam "Tama ka. Sa oras na maglaho ang isang Goddess, maglalaho rin ang Divine Spirits nito. Ang mga owner namin ang nagiging source ng buhay namin. Sa madaling salita, nandito ako dahil hindi patay ang nagbibigay buhay sa'kin. Nakakulong siya sa isang lugar na hindi niya kayang buksan" Huminto siya sa paglalakad kaya huminto din kami.

Lahat kami ay iniwan niyang puno ng pagkabigla. Nabalik nalang kami sa realidad matapos niyang huminto.

"Nandito na tayo" at hinawi niya ang nagtataasang mga damo. Bumungad sa'min ang isang malaking lugar na binabalutan ng itim na enerhiya. "Nandito siya.... nararamdaman kong nandito siya. Pero anong magagawa nating tatlo?" Sabi ni Selia.

"Hindi natin matawagan ang ibang Goddess" sabi ni Zion.

"Dahil lumalaban sila. Kalaban nila ang milyong-milyong mga Demons" seryosong sabi ni Leafeore.

"Pero kung nagtitiwala naman kayo sa kanila. Mananalo sila. Tandaan niyo, walang mamamatay kung hindi mamamatay si Freiya. Siya lang ang makakapagtigil ng gulong 'to"

Pumasok kami sa loob ng itim na magic. At sumalubong sa'min ang 10 daan "Ito ang tinatawag na Labyrinth Of Death. Dito naglaban ang God of War at Deity Goddess hanggang sa huli"

"Maze?" tanong ni Zion.

"Sa sampong daan na 'yan, isa lang ang totoong daan. " sagot ni Leafeore.

"S-so.. maghihiwa-hiwalay ba tayo?"

"Nakalimutan niyo na bang may kasama kayong mula sa Land of Eye?" at nilingon niya si Selia. Si Seila nakapikit na at halatang seryoso siya sa ginagawa niya. At pagkatapos "Sa pang-apat!"

Pinagpatuloy na namin ag paglalakad namin papasok sa pang apat na daan. "Sigurado ka ba dito, Seila?" Tanong ko.

"Minamaliit mo ata ako, Jhiro. Nandito siya.... kasama ang Dark Lord" sabi niya with a serious face habang tumatakbo kami.

Marami kaming naging paikot-ikot. Lumiko sa kanan, kaliwa, diretso at akala namin ay hindi na kami matatapos pero napapansin namin ang painit na painit na lugar  "Hmm, may mga bisita pala tayo.. " isang napakafamiliar na boses pagkadating namin sa dulo.

Ang dilim ng paligid. Ang tanging ingay lang sa paligid ay ang parang tubig na umaagos. Sa sobrang init din, mistula na kaming mga naligo dahil sa pawis.

"Sinong mag-aakala na aabot kayo sa punto na 'to? At ang isa pa.... Hahah, isang mortal? ... " sabi ng familiar ang boses.

"Nasaan ka, magpakita ka!" sigaw ko.

"J-Jhiro?!" Boses ni Rhea hindi kalayuan.

"N-nasaan ka?!" Sigaw naming tatlo at biglang lumiwang ang paligid.

Nakatali ang buong katawan niyang puno ng mga sugat.

"Ate...." hindi lang ang mga kapatid niya ang gustong lumapit sa kanya..

Gusto naring maglakad ng mga binti ko.

Bakit hindi ko siya nagawang protektahan?

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon