CHAPTER 15: The Deal

468 14 0
                                    

"N-nakalimutan kong mag thank you para sa breakfast" sabi ko bago ko ipagpatuloy ang hakbang ko papasok sa school "Eh?" Tanging nasabi niya.

Napahinto ako sa nakita ko. "Z-Zion?" Kasama niya si Seila na nakatayo lang sa harap ng building hawak ang eye glasses ko.

Kaagad akong sinalubong ng yakap ni Zion. Halos magkaheight lang kami dahil isang taon lang agwat namin. "Namiss kita!"

JHIRO'S POV

Sino 'tong guy na 'to? "Bakit nandito ka?" Tanong ni Rhea sa guy habang inaabot ni Seila ang eye glasses ni Rhea.

"Well, ilang araw na ba kitang hindi nakikita? Or maybe months? Never mind! Namiss kita!" B-boyfriend niya?

"Haha! Seila, thanks nga pala. Mauna na kayo sa room makikipagkwentuhan muna ako kay Zion. Tara Zion" at naglakad sila na sa tingin ko papunta sila sa Cafeteria.

Sino siya?.... Kamag-anak? Kapatid? Boyfriend? .. Hindi ko alam mga pinagiisip ko habang naglalakad kami papasok sa room. Napatingin ako kay Seila, nakangiti siya. "M-masaya ka ata?"

"Well, you know. Nagkita nanaman kasi sila~~ may forever nanaman~~ hihi! Ang sweet nilang lover 'no?" L-l-lover?...

"O-oo nga. K-kung makayakap nga 'yung guy eh. S-sino ba 'yon?"

"Si Zion, boyfriend niya sa mundo namin~~~" nakangiting sabi niya.

"O-oh, g-ganun ba? W-well c-congrats nalang sa kanila, hindi ba?"

"Hm, hm!" Pagtango niya.

Pagpasok namin sa room umupo kaagad kami. "Seila, bakit ka absent kahapon?" Tanong ni Nate.

"Hehe, eh 'yun ba. M-may inayos lang ako" napaghahalatang may gusto si Seila kay Nate...

"H-hoy! W-wala ah!" Biglang sabi ni Seila at duon ko lang naalala. Mind reader nga pala 'tong babaeng 'to. Yung mga iniisip ko kanina .. Alam niya!!! "Sigurado ka?"

Tumango tango siya. Kahit sabihin ko sa kanya? Sabi ko sa isip ko na mukang nabasa niya naman.

"H-huwag! Sige ka, sasabihin ko kay Ate Rhea lahat ng iniisip mo kanina!"

Then let's make a deal, hindi mo sasabihin sa kanya lahat at hindi ko naman sasabihin kay Nate!

"Okay deal!"

"Huh? A-anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong ni Nate.

"W-wala naman, hindi ba, Jhiro?"

"Hm! "

"Hey! Sinong nagsabi na pwede ang stranger dito?" Napatingin kami bigla sa pinto dahil sa pagsalita ng malakas ni Eunice.

Yung Zion guy! Kaagad lumapit si Seila. "W-wait, Eunice. Kapatid ko siya"

"Wala akong pakialam. Ako ang batas sa klase na" to!" Nagulat ako nung itulak niya si Seila kaya nasa lapag siya ngayon. Kaagad namin siyang pinuntahan. "Se-Seila, okay ka lang?"

"G-gasgas lang. Okay lang ako, Zion"

Kinuwelyuhan ni Eunice si Zion papunta sa blackboard "Hindi ba't bawal ang strangers sa school na 'to? Anong ginagawa mo dito?" Hindi nagsasalita si Zion at parang natatakot siya na nagugulat.

"Eunice, tama na!" Sabi ni Janna.

"Sino ka para utusan ako? Dapat pinaparusahan ang mga lumalabag sa rules. Hindi ba't part ng protocols ng school 'yon? Hindi naman ako brutal na tao para mamahiya, kaya ikaw lumabas ka na ng kwarto na 'to bago maubos ang pasensya ko"

Pero sa di ko malamang dahilan, nakaramdam ako na parang katapusan na ng buhay ko.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang kapatid ko. At wala kang karapatan na saktan sila, kung hindi ako ang makakalaban mo" si Rhea. Hindi ko mabasa ang expression ng muka niya. Naghalong inis at galit. Wait parehas lang 'yon.

Ito ang unang beses na nakita kong ganito si Rhea.

Pero saglet, ang sinabi niya kanina... kapatid? "Kinakalaban mo ba ako? Gusto mo bang mapalayas"

"Eunice, want to make a deal?"

"Anong sinasabi mo?"

At tinignan nito ang binti ni Eunice, "May baril sa kanang binti mo. Ilabas mo 'to"

Ngumiti si Eunice kasunod ang pagkuha niya ng baril na na-attached sa binti niya.

"Professional ka, kaya sa tingin ko kaya mong maasinta ang hindi gumagalaw na target. Kapag napigilan o naiwasan ko ang unang bala mo, babawiin mo lahat ng mga sinabi mo sa kapatid ko. Hindi lang 'yon, babalik sa normal ang lahat. Babalik si Janna bilang Class President. At ikaw, papasok ka sa klase na 'to ng walang pagmamataas"

"Alam mo ba ang sinasabi mo? Sa oras na hindi mo maiwasan ang bala ko, mamamatay ka"

"Nakalimutan mo na ba ang tawag sa'kin sa eskwelahan na 'to? Hindi ang bala mo ang makakapatay sa'kin"

"Paano kung manalo ako?" seryosong tanong ni Eunice.

Hindi siya nakasagot sa tanong ni Eunie "Kung wala kang maisip, ako na ang bahalang magdecide" at nilingon niya ako, "Close kayo ni Jhiro, actually nakuha niya ang attention ko pagkapasok ko dito. Wala naman sigurong masama kung ibibigay mo sa'kin ang kaibigan mo. At ikaw, magiging utos-utusan ko"

"A-ano ba kayo mga bata? Wala ka man lang bang sasabihin, Rhea?" Naiiritang sabi ko.

"Okay, deal. Selia, ibigay mo sa'kin ang gamit mo" walang tonong sabi ni Rhea na ang tinutukoy ay ang Spiritual Knife.

Rhea, papasukin mo ba talaga ang bagay na'to para sa mahal mo? Para sa mga kapatid mo?

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSМесто, где живут истории. Откройте их для себя