ChAPTER 7: Blame

768 23 0
                                    

After kong marinig ang sinabi ni Ate, nawalan na ako ng gana kaya umakyat nalang ako sa itaas para matulog. Dahil alam ko naman na wala na kaming magagawa.

Nagising ako nung makaramdam ako ng gutom. Pagbaba ko malalagpasan ko na sana ang kwarto ni ate ng mapansin ko siya na nakaupo at nakatulog sa study table niya habang nakabukas ang laptop niya.

Lumapit ako sa kanya at napansin ko ang papel sa ilalim ng ulo niya. Ate..

JHIRO'S POV

Days already passed since that day.

Maaga akong gumising para dalawin si Mom. Ito na naman ang gawi ko bago pumasok sa school at bago umuwi.

Pagpasok ko bakas sa muka ni Mom ang saya pero dahil saan? Madalas ko siyang nakikitang ganito.

Inayos ko ang kumot niya and I noticed the basket besides her. On the inside, may isang platitong may mga hiniwang prutas na mukang kagabi pa. Madalas na akong may nadadatnang ganito. Sino naman ang nagdala nito? Maybe it's Nate dahil ang sabi niya dadalawin niya kagabi si Mom.

Hindi ko na siya ginising at umalis na kaagad bago ako mahuli sa klase. "Nate, thanks ah?" Sabi ko pagkadating ko.

"Your welcome. Pero para saan?"

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Ma'am kaya umayos na ako ng upo "Okay Class, pass your project"

Napansin ko na nilabas na ng mga babae ang mga project namin. "Oy Nate. Sino may gawa ng project niyo?" Rinig kong tanong ng isa kong kaklase.

"K-kaming dalawa" sagot ni Nate.

"Woah, seryoso? Mabuti at buhay ka pa, haha" at biglang nagsitawanan ang buong klase.

Si Rhea nakatingin lang sa labas ng bintana na parang hindi naririnig ang mga pinag-uusapan nila.

Natapos ang maghapong klase at inaya ko si Nate na dalawin si Mom. Sila Seila at si Rhea hindi ko alam kung saan na nagpunta. "Nate, wala ka bang napapansin kay Rhea?" Tanong ko habang naglalakad kami sa loob ng hospital.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parang may Kakaiba sa kanya ngayon. Parang oras-oras ang lalim ng iniisip niya. Hindi mo ba siya napansin kanina, pinagtatawanan na siya pero hindi katulad ng dati hindi siya tumingin sa'tin ng masama"

Napansin ko ang pagbabago ng tingin ni Nate na para bang ang lalim ng iniisip niya.

Pagkabukas ko ng pinto nakita namin si Sharmane na naghihiwa ng prutas "Maaga ka ata ngayon, Sharmane?" Tanong ni Nate.

"Wala kaming last subject so nagpaalam ako kaagad"

"Sharmane, binili mo ba 'yang basket na may mga prutas?" Tanong ko na may pagtataka.

"Nope, bakit hindi ba kayo ang nagdadala nito?" Tinignan ko si Nate pero umiling siya "Kanino naman kaya?"

"Baka sa kaibigan ni Tita?" dahil sa sagot ni Nate, namagitan sa'min ang katahimikan.

Mas pinili na naming hintayin si Mom na magising dahil baka maapektuhan ang kundisyon niya kung pipilitin namin siya.

Halos isang oras din ang hinintay namin pero hindi dumidilat si Mom.

"Sharmane, nagmeryenda ka na?"

"Hindi pa, Kuya"

"Tara bili muna tayo" sabi ko at binaba muna namin ni Nate ang bag namin sabay alis na.

Dumiretso kami sa tindahan pero sa pagbalik namin "Emergency!!! Doctor Capiral, go to room 18 please. I repeat, Emergency!!! Doctor Capiral, go to room 18 please!"

Si Mom...

Kasabay namin ang mga nurses at ang mga Doctor papunta sa room 18. Pagdating namin duon kaagad na tinignan nila ang condition ni Mom "Sorry, wala na kaming magagawa" may lungkot na yumuko ang doctor bago siya lumingon sa mga nurse "Kayo na ang bahala na magguide sa kanila" sabi ng Doctor.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang papalapit ako sa kanya. "Mom, b-bakit mo kami iniwan kaagad? Ang daya mo naman ih" habang niyayakap ko siya hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mga mata ko.

Si Sharamane pilit na pinapatahan ni Nate. Freya... bakit mo hinayaan na mamatay si Mom? Bakit mo hinayaan na mawala siya sa buhay namin?...!

Patuloy ang pag-iyak namin nang biglang bumukas ang pinto. Si Seila pumasok ng may gulat sa muka. Habang si Rhea halos hindi ko mabasa ang muka "N-no way .." Mahinang gulat na sabi ni Seila.

Sa sobrang inis ko lumapit ako kaagad kay Rhea at kinuwelyuhan siya "Hindi ba may kakayahan ka na mapredict ang kamatayan ng isang tao? Bakit hindi mo sinabi sa'min na mangyayari 'to? Bakit hindi mo kami binalaan?! Kung sinabi mo sana, sana wala akong pagsisisi ngayon! Bakit wala kang ginawa, Rhea..." Sabi ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

"Kahit sabihin ko, hindi mo mababago ang tadhana ng isang tao" Mahinang sagot ni Rhea.

"H'wag mong pangunahan ang tadhana, Rhea"

Hindi ko inaasahan ang pagtingin niya sa mga mata ko at duon ko napansin ang nagluluha niyang mga mata, "Sinubukan kong baguhin ang kapalaran... pero mahina ako, Jhiro"

"Jhiro, tama na. Nasa hospital tayo. Hindi 'to kasalanan ni Rhea" awat sa'kin ni Nate.

Hindi ko magawang bitawan ang kwelyo ni Rhea dahil sa sobrang inis. Nakakainis. Kung alam ko lang na mangyayari 'to... kung alam ko lang na ito na pala ang huling araw na makakasama kita.. sana mas naparamdam ko pa ang pagmamahal ko.

Pagkabitaw ko kay Rhea, tinalikuran ko siya. Nailigtas mo ako, Freya. Pero bakit hindi ang pamilya ko?

"Bawat tao may sari-sariling kandila. Lahat ng buhay magtatapos" mahinahon pero puno ng lungkot na sabi ni Rhea kaya nilingon ko siya, "Sa tingin mo ba ganun nalang kadali para sa'kin ang lahat? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kinayakaya ko ba ang milyong-milyong namamatay sa harap ko? Sa tingin mo ba masaya ako na makita silang mamatay? Alam ko na mamamatay ang isang tao pero wala akong magawa, Jhiro. Hindi ko hawak ang buhay ng mga tao, kahit ang sarili kong buhay hindi ko hawak"

Sa pagsasalita ni Rhea kasabay nuon ang pagbagsak ng mga prutas sa basket na hawak niya na ngayon ko lang napansin at ang luha niya "I-ikaw ang nagdadala araw-araw ng .. ng mga prutas?"

"Sinusubukan ko ring baguhin ang tadhana ng isang tao, Jhiro. Pero hindi sapat ang kakayahan ko para baguhin ang tadhana"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now