CHAPTER 27: Future Vision

342 13 0
                                    

JHIRO'S POV

Dinilat ko ang mata ko at nagtaka,

Ang akala ko patay na ako?

Kaya bakit-- "S-Seila! N-nasaan si Rhea?!" Sabi ko sabay biglang tayo.

Iba ang mga expression nila. Si Zion naluluha na "G-ginamit niya ang Forbidden Spiritual Magic para mabuhay ka... " Zion said habang pinipigilan niya ang iyak niya.

Tinignan ko kung saan nakalingon si Seila. Nakita ko ang isang malaking itim na bilog na nasa harapan namin na unti-unting binabalot si Rhea. "Death Penalty .. "

"Rhea!!!! Rhea!!!! Rhea!!! Rhea!!!" Sigaw ko kahit wala kong naririnig na sagot. Nakatayo lang siya doon at nahihirapan "Walang magagawa ang pagsigaw mo. Walang makakatakas sa isang Death Penalty" mahinang sabi ng Dark Lord.

"Nagkakamali ka. May isang barrier ang maaaring makapagligtas sa kanya--"Putol pang sabi ni Leafeore ng magsalita ang Dark Lord.

"Wala na akong pakialam. Tatapusin ko na 'to" May lumitaw na itim sa kamay niya at lumalaki ito ng paunti-unti. "U-Using our contract of blood and spiritual magic, .." Lahat kami ay napatingin kay Rhea.

"Plano niya bang tawagin si Leafiera?" Tanong ni Zion.

"P-pero paano" sagot ni Seila at wala akong nagawa kung hindi ang tignan ang Mahika na bumabalot kay Rhea.

"become like a swords that protects me and appear before me now! .... Come forth, Divine Spirit, Leafiera! In my name, I command you ... Protect them at all cost!" At biglang lumitaw pasugod sa Dark Lord si Leafeira. Kasabay din nito ang pagkasira ng mga Chain sa katawan niya.

"Si-sinira niya ang Chain Seal... para lang sa'tin?..... Paano naman siya?.... " sabi ni Seila na halos hindi na makapagsalita kasunod ng pagtulo ng luha niya.

R-Rhea ..

"Ano ba, Rhea! Bakit hindi ang sarili mo ang protektahan mo!"

"All this time sarili ko lang ang iniisip ko, Jhiro. Pero ikaw ang nagturo sa'kin na hindi lang sa sarili natin umiikot ang mundo. Maraming taon ko ng pinoprotektahan ang sarili ko dahil sa takot, kaya naman.... hayaan niyo akong protektahan ko kayo sa huling hininga ko" ngumiti siya kahit pumapatak ang mga luha niya, "Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Masaya ako na mamaray para lang protektahan kayo" at tuluyan na siyang nabalutan ng itim.

"RHEA!!!"

RHEA'S POV

"Rhea?! Please! Sumagot ka!" Jhiro?? Dinilat ko ang mga mata ko. Puro puti lang ang paligid.

Wala ako sa lugar kung saan nakakakita ako ng kamatayan.. Nakalimutan ko.... namatay pala ako. Nakarinig ako ng mga hagul-hugol ng mga taong umiiyak mula sa ibaba.

Nakaparaming tao sa ibaba. Nanduon sila Mom, Zion, Seila, Sharmane, si Nate. Umiiyak sila sa harap ng isang puntod. Puntod kung saan naka-ukit ang pangalan ko. "Bakit kayo nag-iiyakan? Bakit niyo siya iniiyakan? Hindi pa patay si Rhea. Ano bang iniisip niyo? May nakita ba kayong katawan? Meron ba? Ha?! Sabihin niyo, meron ba?" Sabi ni Jhiro na kakadating lang at pinagsisipa niya ang mga bulaklak na nasa harap ng puntod.

Patuloy bumubuhos ang mga luha niya kasabay ng pagpatak ng ulan "Jhiro, tama na! Wala na siya! Wala na si Ate Rhea!!!!" Ang sabi ni Seila at tinakpan niya ang muka niya dahil sa pag-iyak niya.

"Kuya, tama na. Tanggapin nalang natin ang lahat! Wala na tayong magagawa!!" Sabi ni Sharmane na umiiyak.

Yumakap si Zion kay Seila at yumakap si Mom sa kanila. "Hindi pa siya patay. Hindi pa. Imposibleng mamatay siya. Siya si Rhea ... imposible 'yon" patuloy siya sa pagsira ng mga halaman hanggang sa pigilan na siya ni Nate.

"Jhiro, tama na. Tanggapin nalang natin na patay na si Rhea" Sinuntok siya bigla ni Jhiro.

"Hindi! Hindi siya patay!" Habang patuloy siya sa pagsuntok kahit nasa lapag na si Nate.

"Itigil mo na 'yan, Jhiro. Please! .. " sabi ko nang hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko "Please, stop. Hindi ito ang hinaharap na gusto ko .... Gusto ko kayong maging masaya. Gusto ko kayong bigyan ng kinabukasan na payapa! Hindi ganito!"

Tinakpan ko ang muka ko dahil patuloy ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko. "Ito ang pinili mong hinaharap.... at ganuon rin ako" nang makarinig ako ng isang boses ay tinaas ko ang ulo ko at nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan ko. May mahaba siyang brown curly hair na hanggang tuhod.

"Goddess... Eriela"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now