CHAPTER 10: Decision

691 17 0
                                    

RHEA'S POV

"Deity Goddess is back!!" Sigawan ng mga tao habang palipad ako papunta sa Palace. Maraming tao ang nasa ibaba ko at kumakaway sa'kin. Kinakawayan ko din naman sila "Our Deity Goddess is back!"

Paglapag ko sa Palace sinalubong ako ng isang babae kasama pa ang dalawang batang Goddess ang Calamity at ang Luck "Mom, okay na ang lahat. Ligtas na po tayo" at niyakap ko siya.

"Salamat at nakabalik ka ng ligtas. Proud na proud ako sa'yo"

Dahil duon ay nagising ako. Medyo malabo na ang paningin ko pero alam kong nasa bahay na ako at nasa kwarto ko ako nakahiga. Baka pagabi na? Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil nanduon parin ang sakit ng kapitan ako ng Chain Seal. Napatigil ako nung may naramdaman ako sa gilid ko. Nang lingunin ko siya "J-Jhi .. ro?"

Tinaas niya ang ulo niya kahit hindi ko siya makita ng malinaw "Ang sabi ni Seila dapat daw hindi ka muna gumalaw. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?"

Umiling lang ako "You sure?"

"At ang isa pa.... problema ko 'to"

"N-naging ganyan ka dahil sa'kin. Kaya responsibility ko na alagaan ka"

"Para sabihin ko sa'yo, wala akong naaalala ni isang bagay sa mga nangyari kaya wala ka ng dapat problemahin"

"H-hindi mo naalala?"

"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?"

Hindi siya nagsalita sa sinabi ko.

Nagsisinungaling ako, bawat detalye ng nangyari, naaalala ko. Even 'yung pag-iyak mo hanggang sa pagyakap--- wa! Just forget about that part! "S-so ilang oras na ang nakalipas since mawalan ako ng malay?"

"2 weeks"

"2 WEEKS?!" Sa sobrang gulat ko napaupo ako kaagad. Hindi ko naramdaman yung sakit ng katawan ko dahil sa narinig ko "Yeah, may ina-apply lang sayo si Seila para hindi ka mamatay dahil sa hindi pagkain. Nanggaling daw 'yon sa Mom mo"

"Kay Mom.... Si Selia, nasaan?"

"5:30 palang. Nagpaalam siya na mahuhuli siya ng uwi dahil sa activity"

"Y-you mean nagcutting classes ka?!"

"B-bakit naman ako magkacutting class?! N-nagpaalam ako na hindi maganda ang pakiramdam ko... na totoo naman! Kaiinom ko lang ng gamot"

Kahit wala akong mga matang katulad ni Selia, alam kong nagsisinungaling ka.

--

2 more days bago nabalik ang buong lakas ko. Lumabas na ako sa bahay at duon hinintay si Seila "Whoa, ngayun nalang ulit ako nakalabas"

"Na miss mo ba ang view na 'to? O ang lalaki sa kabila?" Biglang sulpot ni Seina sa likod.

"L-l-lalaki, h-huh? Sorry pero wala sa vocabolary ko ang mamiss ang lalaking 'yon"

Para namang napaka-importante ng lalaking 'yon, paimportante pwede pa. Napakapa-importante niya dahil lagi siyang nag eexcuse sa mga klase niya, anong tingin niya sa'kin? Madaling mamatay? Sarili niya kaya isipin niya, magkasakit pa siya ng dahil sa'kin, kasalanan ko pa. Pasalamat nalang talaga siya dahil nag-aalala pa ako sa kanya.

Crap!! Now I've done it! Nakalimutan ko, mind readers nga pala 'tong kasama ko.

Tumingin ako sa kanya "Hihi *grin w/ peace sign*"

"H'wag na h'wag mong ilalabas sa bibig mo ang mga narinig mo! Papainumin kita ng maraming juice!" Maglalakad na sana kami nang biglang may lumiwanag sa malayong lugar. Diretsong asul ang kulay nito. "A-ano 'yon?"

"W-wala naman akong maramdamang Spiritual Magic"

"Baka ang Fireworks Corporation? Balitang may pinag-aaralan silang mas safe na fireworks. Malapit na ang Christmas means malapit na rin ang New Year" Tumingin ako sa gilid namin. It's him! Bakit ba lagi nalang siya lumilitaw kapag ayaw ko siyang makita?!

"Tara na Sharmane. Hayaan na muna natin sila~" at biglang binatak nalang ni Seila si Sharmane pababa ng dorm building, A-anong iniisip ng mga batang 'yon?! -- "Tara na, gusto mo bang malate sa klase?" Aya niya.

Inunahan ko nalang siya sa paglalakad pero sunod parin siya ng sunod abay malamang parehas kami ng pinapasukan "R-Rhea .. " napatingin ako bigla sa kanya dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Hm?" Matipid kong sagot.

"Thank you ... "

Napatigil ako sa paglalakad ganun din siya "Kinausap ako ng doctor ni Mom, malaking tulong din ang mga prutas na binigay mo. Kung wala ka, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay ngayon. Especially, thanks for giving me a chance para makausap si Mom, sa huling pagkakataon kahit na mahirap ito para sa side mo"

"Huh?"

"Sinabi na ni Seila ang lahat sa'min. Kung sino ka, kung ano ka at kung bakit nandito ka. Pero nakapag decision na ako..." biglang nagbago ang tono ng boses niya. Bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"K-Kung ganuon, tatanggapin ko ang thank you mo. Tara na" at naglakad na ako.

Gusto kong marinig ang sasabihin niya. Pero natatakot ako na malaman kung ano 'yon.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now