CHAPTER 31: ATLAST

948 17 0
                                    

3 and a Half years passed .. Nakagraduate na kami ni Seila and Nate ng High School habang si Sharmane ay papasok na ng High School.

Napatakbo ako palabas ng kwarto ko nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Sharmane habang pauwi siya. Nakita ko na nakatayo si Seila habang hawak ang isang magazine. Nandito siya dahil naiinip daw siya sa kabila "K-kuya! Kuya! May good news ako!!" Sabi niya nang hingal na hingal.

"Ano?" Sabay na tanong namin ni Seila.

"Nakita ko si Ate Rhea!"

Lumapit ako sa kanya "S-saan?! Saan mo siya nakita?!"

"Sa intersection! Sinundan ko siya pero nawala siya kaagad sa paningin ko"

Hindi ko na inisip kung anong expression mayroon ako ngayon. Dali-dali akong lumabas at tumakbo "Jhiro! Antayin mo ako" Sabi ni Seila na tumakbo kasama si Sharmane.

"Sigurado ka bang si Ate Rhea ang nakita mo?"

"hm! Sigurado ako!"

Tumakbo kami hanggang sa marating namin ang intersection. "Nasesense mo ba siya?" Tanong ko kay Seila.

"Ginagawa ko na pero.... nasesense ko siya sa buong paligid"

"A-anong ibig sabihin no'n?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Kahit ako hindi ko rin maintindihan"

"Maghiwahiwalay tayo" at di na namin pinag-usapan kung saan kami pupunta basta naghiwahiwalay kami.

Please, Rhea. Huwag mo na akong pahirapan.

"Wala siya dito" sabi ni Seila through the Telepathy "Dito rin" sabi ni Sharmane.

"Paano kung nandito nga siya pero hindi niya na tayo naaalala?" mahinang sabi ko.

"Masasapak kita, Jhiro" sabi ni Seila at nagbuntong hininga siya, "Nabanggit ko na 'to sa Land of Priest"

"Malapit na ang oras ng pagbabalik niya. Hindi pa siya kumpleto kaya hindi siya nakakapagstay ng matagal. Mapalad nalang daw tayo at dito unang nagpakita si Ate Freiya, meaning to say, naaalala niya ang mga mortal. Iyon ang sabi ng Goddess of Calamity" sabi ni Zion na nasa Land Of Priest pa.

"So hindi pa ito ang tamang oras" sabi ni Seila.

3 months passed  Papasok na kami sa isang University as a new student. "See ya later, Jhiro!" Sabi ni Seila bago humiwalay sa'kin dahil magkaiba kami ng klase.

Naghanap ako ng isang Campus Map nang biglang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

RHEA'S POV

Here I am again in the Human World, hindi ko maintindihan kung bakit dito ko gustong dumiretso, and I dont remember anything except for being a Death Goddess. At para kasing may kulang sa sarili ko pero hindi ko malaman kung ano. At malakas ang pakiramdam ko na dito ko mahahanap ang sagot ko.

"Bata, pwede ba kitang tanungin kung saan ang room 8?" matapos kong marinig ang familiar na boses nagsimulang mag-init ang mga mata ko.

Sa tuluyang paglingon ko sa kanya, siyang pagpatak ng luha ko.

"S-sinong bata ba ang tinutukoy mo? Hindi mo ba nakikita na hindi nga ako nag-aaral dito?" at hindi ko napigilan ang yakapin siya.

"Sorry.... sorry kung ngayon lang ako. Sorry, Jhiro"

Naramdaman ko ang paghimas niya sa ulo ko, "Ang mahalaga, nandito ka na, Rhea"

"Hm"

And we lived happily ever after!

MY LITTLE DEATH GODDESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora