CHAPTER 22: Going back?

385 13 0
                                    

"Merry Christmas!!!" Ang sigawan ng buong klase. Nandito kami ngayon sa school.

Nanditon kaming lahat including Zion. Last day na niya dito sa Human world dahil makakabalik na siya bukas sa mundo namin. Wala narin akong balak na sumama dahil alam ko naman na aalagaan ni Zion si Mom at hinding hindi sila papayag pero sa di ko malamang dahilan, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko simula nang inatake kami ng Dark Lord.

"R-Rhea, okay ka lang?" Napatingin ako bigla sa katabi ko ng marinig ko ang boses niya, si Jhiro "Dalawang beses na kitang tinawag pero hindi mo ako nililingon. May problema ba?"

Umiling ako, "Okay lang ako. Wala kang dapat na alalahanin. Si Sharmane nga pala nasaan?"

Nagpoint siya sa left side niya na hindi kalayuan "Kasama sila Selia" masaya lang silang nagkekwentuhan habang may hawak na juice.

"Sa totoo lang, masaya ako sa decision mo na magstay dito .. " sabi ni Jhiro habang nakatingin sa mga mata ko. "Narealised ko lang na ilalagay ko lang panganib ang lugar namin. Medyo naging selfish ako sa part na inisip ko na mapapahamak ang mundo ko kapag nagstay ako duon, pero hindi ko naisip na maraming inosenteng tao rin ang mapapahamak sa mundo na 'to"

"Mahal na mahal mo talaga sila"

"Hm. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sila"

"In that case, ako na ang bahalang magprotekta sa'yo habang pinoprotektahan mo sila"

"Thanks ..."

"Ahem" nawala ang mga ngiti namin ng biglang sumulpot ang apat sa harap namin. "Y-yes?" Tanong ko naman.

"Malayo pa po ang Valentines Day, ano? Paalala lang po at baka langgamin tayo dito at maging ant party ito imbis na Christmas Party" sabi ni Seila.

"Asus! Si Ate Seila naiinggeeeeet!! Hoy! Kuya Nate, pansinin mo naman kasi si Ate Seila oooh!" Sabi ni Sharmane.

"Ano 'to double date? Hahaha!" Sabi ni Zion.

"W-waaa? A-ano bang sinasabi mo, Zion?! H-hindi ako in love kay N-Nate 'no!"

"Hmm, sigurado ka? Haha!" Seila nodded three times para sa tanong ni Sharmane "Okay fine, akin nalang si Kuya Nate. Hihi! Any objection?"

"W-waa..!"

"Seila, napaghahalata ka talaga"

Nagtawanan lang kami hanggang magsimula na ang program. Masaya ang naging party, nakalimutan namin ang lahat ng problema namin kahit sa sandaling oras lang.

***

Nagising ako nang may narinig akong kaluskos. Hindi ko dinilat ang mata ko dahil may narinig akong naguusap "Hindi ba dapat malaman niya ang condition ni Mom?" Rinig kong tanong ni Zion.

"Mag-aalala lang siya. At kapag nangyari 'yon, magpupumilit siya na sumama pabalik sa'yo" Sagot ni Seila.

"Paano kung totoo ang mga sinabi ng Dark Lord? Paano kung si Ate Freiya lang talaga ang makapagpaggaling kay Mom? Paano kung kumalat ang nilagay na Dark Magic sa katawan ni Mom? Ayaw ko na walang gawin lang"

"Zion, malaki ang chance na patibong 'to para kay Ate Rhea. Alam kong may iba pang paraan para mailigtas si Mom. Kaya sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo. Gigisingin ko na si Ate Rhea" maya maya narinig ko na bumukas na ang pinto. Naramdaman ko rin ang sikat ng araw nang buksan ni Seila ang mga bintana. "Gising na, yuhoo! Aalis na si Zion, ayaw mo bang magpaalan?"

"Okay susunod ako sa labas .. " after all his preparation sakto namang dumating na sila Jhiro kasama pa ang ilan. 

And later on, nakaready narin ang portal na pagtatawiran namin "Mauuna na ako guys! Salamat sa lahat. Kayo na muna ang bahala sa dalawa kong kapatid. See ya!"

"Sure .. " sabay pa na sagot ni Jhiro at ni Nate kaya parehas nagkatinginan pa silang dalawa "Si Ate Seila, kinilig naman hahaha! Oh paano Zion, byebye!" Sabi ni Sharmane kaya nagtawanan kami.

"H-hindi ah! B-b-bakit naman ako kikiligin. Ah! Basta, ingat ka nalang palagi Zion-- kayo nila Mom" tumango si Zion at ngumiti ako

"Sige na Zion. Baka hinihintay ka narin sa kabila. Mag-iingat lagi ah?" Sabi ni Seila.

"Hm, kayo rin! Bye!" Pagpasok niya sa portal kaagad akong sumunod sa kanya. Nakapagdesisyon na ako, gusto kong malaman ang mga nangyayari sa kabilang mundo. Hindi ko mapoprotektahan ang mga mahal ko kung hindi sila abot ng mga kamay ko. .

Narinig ko pang nagsilita si Jhiro "R-Rhe-"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now