CHAPTER 9: Seila's Past

702 20 0
                                    

"Seila, katulad ka rin ba ni Rhea?" Tanong ko habang papasok kami sa kwarto ni Rhea.

"Hindi, hindi ako katulad ni Ate na galing sa Land of Priest, lumaki ako sa Land of Eye. I had the ability to see everything kahit kasulok-sulukan ng mundo. Kaya ko ring magbasa ng isip at kumausap ng tao kahit malayo"

"W-woah.... Ah! Naaalala ko, sinabi mo na hindi kayo talagang magkapatid"

"10 years ago, 5 years old palang ako, inatake kami ng Dark Lord. Naglaho nalang bigla sa mapa ang lugar namin na para bang hindi ito nag e-exist before. Akala ko, 'yun na ang katapusan ng buhay ko. Pero dumating ang mga Guardian mula sa Land of Priest. At duon ko siya nakilala"

"Si Rhea?"

Tumango siya "Naalala ko pa mga sinabi niya that time"

FLASH BACK (seila's pov)

"Nahuli nanaman tayo... " ang sabi ng isang babaeng halos kaedad ko lang, may mahabang kulot na buhok at kulay pula ang mata "Libutin niyo ang paligid. Nakakasiguro akong may ilang nakaligtas" utos niya sa maraming Guardian.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ang mga naririnig kong mga tungkol sa kanila ay ginagawa nilang mga slave ang taga ibang lugar "Goddess Freiya, may isa po akong nahanap dito" ang sabi ng isang Guardian habang tinatayo ako.

"Wala na bang iba pang nabuhay?" Tanong ng Goddess.

"Wala na po" A-ang ibig sabihin wala na si Ate? Wala na si Ate Reila?

"Dalhin na natin siya at bumalik na"

Habang pabalik kami halos lahat na ng dasal ay nadasal ko na sa isip ko hanggang sa makarating kami sa Land of Preist.

Pagkatapos nilang gamutin ang sugat ko ay hinarap na nila ako sa lahat ng Goddess. Parang siya ang pinakabata sa lahat .. Ang Death Goddess.

Hawak ako ng dalawang Guardian habang ang tatlong Goddess ay tinitignan ako "Siya lang ang nakaligtas?" Tanong ng Goddess of Luck.

"Isa lang ba siyang survivor?" Tanong ng Goddess of Calamity.

Tumango ang Death Goddess "Anong balak niyo sa kanya?" Tanong ng Goddess of Luck.

"Ibigay niyo siya sa'kin at ako na ang bahala" sagot ng Death Goddess.

"Siya lang ang natitirang survivor. Ako na ang bahala sa kanya" sabi niya habang handa ng maglakad palabas.

"Little Death Goddess--" putol niya kay Goddess of Luck "H'wag mo akong tratuhing bata, kahit nasa murang edad palang ako, isang Goddess parin ako" sabi niya na may seryosong muka na nagpatigil kaagad kay Goddess of Luck.

"Guardian's bitawan niyo na siya" pagkabitaw nila sa'kin ay nagsimula na siyang maglakad "Sundan mo ako"

Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Mahirap man, mahalaga buhay ako kahit maging slave pa ako. Ang mahalaga.... buhay ako.

Maraming araw ang lumipas, hindi ko alam kung slave nga ba ako o ano. Naglilinis ako pero hindi ako inuutusan. Minsan nakikipaglaro lang ako sa kapatid ng Death Goddess "Seila .. "

Lumingon ako sa nagsalita "Goddess Freiya"

"Freiya nalang, kung maaari. Ate Freiya .. iyon ang tawag sa'kin ng kapatid ko" sabi niya ng may ngiti.

"H-hindi, k-kailangan kitang respetuhin. Hindi mo ako nakababatang kapatid para tawagin kita ng ate at.... isang outsider ako"

"Ganun ba"

"Pwede ba akong magtanong?"

"Sure, go ahead"

"Ang akala ko ba magigi akong isang katulong.. pero pakiramdam ko parang hindi 'yon ang nangyayari"

"M-May sinabi ba ako?"

"H-hindi, pero ang alam ko ginagawa niyong mga slave ang mga nahuhuli niyong taga ibang lugar?"

"Oh, nakarating din pala sa inyo ang usap-usapan"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa hiya at nagpatuloy siya,

"Maaari ba kitang maging kapatid? Una palang kitang nakita, nahiwagaan ako kaagad sa'yo. Hmmm, is that what you called Love At First Sight? Hahaha"

Duon ko lang siya nakitang ngumiti ng malaki. Mga ngiting alam kong puno ng saya.

END OF FLASHBACK

(Jhiroh's Pov)

"At duon kami nagsimula na maging magkapatid. Pero after 4 years, pinadala nila ako dito sa mundo ng mga tao. Na ang alam ni Ate ay namatay ako dahil kay Dark Lord. Dinala ako dito dahil sa biglang pag-atake sa Land of Priest ng Dark Lord. At duon na napag-usapan ang posibleng mangyari kay Ate Freiya nang hindi niya namamalayan" hindi na ako nagsalita dahil sa sinabi ni Seila.

Gusto kong baguhin ang tadhana niya ...

Tumingin sa'kin ng seryoso si Seila na halatang nabasa ang iniisip ko

"Jhiro, handa ka bang itake ang risk para lang mabago ang tadhana niya, kahit kapalit pa nito ang buhay mo?"

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now