CHAPTER 11: The Transferee

595 16 0
                                    

Halos sabay narin kaming naglalakad kaming dalawa lang dahil yung mahuhusay naming kapatid ayun hindi na namin makita. "Narinig ko ang balita na may transferee sa klase natin" Tanong ko na nagsira sa katahimikan.

He simply nodded "Usap-usapan na hindi ito ang lugar na kinalakihan niya"

"Babae siya, hindi ba? Ang sabi sa'kin ni Seila kakaiba ang ugali niya .. "

"100% right. She's more brutal than you"

"Huh!, b-brutal? Gusto mo ba talagang malaman ang salitang brutal?" Sabi ko pagkahinto ko sa paglalakad.

"Hehe! Hindi ko kasi alam kung paano siya idescribe"

"Mas brutal ah? Anong ibig mong sabihin?" At pinagpatuloy na namin ang paglalakad namin.

"Hindi naman siya pumapatay or what. Natatakot lang ang marami dahil sa kanya" at napabuntong hininga siya bago nagpatuloy, "Maraming estudyante ang nabubully dahil sa takot sa kanya"

"In what way? Anong kinakatakutan nila sa kanya?"

"Professional siya sa paggamit ng baril"

"Pro huh? Hmm, sounds interesting.. "

"I-interesting? Hoy, h'wag mong sabihin--" putol ko.

"Of course hindi ko siya papatulan. Except nalang kung pinilit niya akong patulan ko siya .. "

"Oy little girl, just to remind you. Apat na tao lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao mo sa mundong 'to. Hindi mo magagamit ang Spiritual Magic mo against sa kanya, kaya paano mo siya kakalabanin ha?"

"Well for that ... Hindi ko alam"

"HA~~?"

"Ang laki ng problema mo, hindi naman ikaw yung lalaban"

Nagkekwentuhan kami hanggang pagdating namin sa room ng wala sa loob ko. Nag-uusap kami na parang close na close kami kahit hindi naman "Nasaan ang tinutukoy mo?" Tanong ko kay Jhiro pag pasok namin ng room.

"Hmm? May hinahanap ba kayo?" Tumingin kami parehas ni Jhiro sa likod namin. Mukang siya ang tinutukoy niya dahil hindi pamilyar yung muka niya. Pero may Kakaiba akong nararamdaman mula sa kanya.

Si Jhiro hindi makapagsalita "Ako si Rhea ikaw ba ang transferee?" Kalmadong tanong ko na nagpalingon ng buong klase-- hindi lang sila dahil kahit ang mga estudyante na naglalakad sa hallway.

"Ako si Eunice Vineyard, so ikaw pala si Rhea? Ang usap-usapan na isang Clone of a Goddess. Totoo ba?" Th-this feeling--

"Who knows" At sarcastic akong ngumiti sa kanya na nagpalitaw din ng malademonyo niyang ngiti.

"Ooh, sa wakas. May napaka-interesting na tao rin akong nakita" at pina-ikot ikot niya ang baril niya sa daliri niya "Oh what a coincidence. So far, ikaw palang sa klase na 'to ang nakapagbuka ng bibig ko ng ilang minuto. Well, nice to meet you again. Mag tulungan nalang tayo paitaas, kung gusto mo lang naman" sabi ko at binatak na ang nanlalamig na kamay ni Jhiro.

Lumapit sa'kin si Seila ng may pag-alala "Masyado ka atang namutla, Jhiro?"

"A-ako? N-nagulat lang ako"

"Talaga lang ha?"

"Since when, what, where kayo naging close?" Singit ni Seila.

"C-Close? K-kami, haha! Kailan ka pa natutong magbiro, Selia" sabi ko naman.

Ang iba naming kaklase nagtataka sa inaasal ko ngayon. Maraming nagtataka kung bakit daw ang dating palaiwas ngayon ay nakikisama sa iba. Kaya naman nagtaka rin ako, kailan pa ako natutong makihalubilo sa mga tao?

"Ikaw, masyadong maraming tao sa cafeteria. Bilhan mo ako ng makakain" tumingin kaming tatlo sa nagsalita. Si Eunice.. . Inutusan niya ang isa sa mga lalaki na mayayabang dito. And I'm surpriced hindi man lang siya nagreklamo at kinuha nalang 'yung pera sabay alis na "Ah! May assignment nga pala. Ikaw na nakapula, gawin mo 'to" Utus niya sa isa sa mga rankings sa room namin.

"Pero Eunice--" putol na sabi niya ng tutukan niya ito ng baril. "O-okay.. G-gagawin ko na"

Anong nangyayari sa school na 'to? At ang isa pa, bakit hinahayaan nilang magbitbit ng baril ang babaeng 'to?

Hahakbang na sana ako para pigilan siya nung pigilan ako ni Seila at si Jhiro hinawakan yung kamay ko para pigilan ako "Mayaman ang pamilya niya enough reason para walang magawa ang mga instructors. Masyadong malawak ang connections nila, Ate Rhea" sabi ni Seila.

"Hindi natin alam kung anong mga possibilities na mangyari kung papatulan mo siya"dugtong ni Jhiro kaya kinalma ko lang sarili ko "Since when did you two become that close, huh? Or should I say LOVER?" Sabi ni Nate.

Tumingin kami sa kanya at nakatingin siya sa baba namin. Nung tignan namin duon lang namin narealized. Ma-magkaholding hands kami?! Kaagad akong kumalas kaya tumawa ng mahina 'yung dalawa. "Y-Yung kamay mo kung s-saan-saan napapadpad!" Sabi ko.

"H-h-hindi ko maalalang hinawakan ko ang kamay mo! B-b-baka gumamit ka ng Spiritual Magic mo p-para magkadikit ang kamay natin?!"

"Huh?! Kung ginawa ko nga, sana may nakita ka ng asul na kadena sa katawan ko. May nakita ka ba?!!"

"Ah! Maliit ka kasi kaya pati ang mata mo maliit din! Pandak!"

Nasisiraan na ata ako ng bait dito?! Bakit puro nalang mga baliw ang nandito sa Human World? Wala na bang mas matino kay Jhiro? Waa!

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon