CHAPTER 26: Really the End?

346 13 0
                                    

"Ilagay mo 'to sa sugat mo" sabi ni Leafeore at hinagis sa'min ang mga dahon. "Para san to?" Tanong ko.

"Dahon na kayang maghilom ng mga sugat" sa sinagot niya ay nilagay nalang namin sa mga sugat nila ang dahon at naghihilom kaagad ang mga sugat nila! "Ligtas na ba tayo?" tanong ni Rhea.

"Sa ngayon, oo" sagot ko.

"Nagbago na ba ang tadhana ko? Hindi ko na ba kailangang mamatay?"

I hugged her "Hindi kita hahayaang mamatay. Pinapangako ko"

"H'wag niyong kakalimutan na hindi pa tapos ang laban" sabi ni Leafeora at biglang yumanig ang lupa.

"Hindi ko kayo hahayaan! " Ang sabi ng Dark Lord na lumilipad. Lumalakas ang hangin. Dumidilim ang mga langit. "Mabubuhay akong muli!"

RHEA'S POV

"AAAH!" Sabay sabay naming sigaw ng bigla kaming itulak ng hangin patama sa mga naglalakihang bato "Kung sinunod mo lang sana ang gusto ko. Hindi ako aabot sa punto na 'to" Tinaas niya ang kamay niya. May malaking itim na magic ang nabuo.

Tumingin ako sa mga kasama ko. Wala silang lakas para makaiwas dito.

Nangako ako na poprotektahan ko sila... nangako ako.

Hinarang ko ang sarili ko at kasabay nito ang pagbato ng Dark Lord sa amin nito "DEATH PARADOX!!!" Sa sinabi niya duon ko lang narealized.

Dito ako mamamatay...

Nanlaki ang mata ko nang makita kong pumunta sa harap ko si Jhiro. Ngumiti siya ng puno ng saya "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Habang pinoprotektahan mo sila, ako ang bahalang magprotekta sa'yo" at duon nagliwanag ang buong paligid dahil sa pagsabog.

"Jhiro!!!!!"

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilampon kami. Matapos ang nangyari nawala ang liwanag at nakahiga nalang si Jhiro sa lapag. Pinilit ko na tumayo at lumapit sa kanya. Hiniga ko siya sa mga binti ko. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Pumapatak na sila sa muka ni Jhiro "Bakit.... bakit kailangan mong gawin 'yon... "

"Dahil... N-nangako... ako, h-hindi ba.... " at pumikit na ang mga mata niya.

Narinig ko ang halakhak ng Dark Lord "B-bakit nandito ka pa? P-patay na si Jhiro Fuentes" pagtataka ni Zion.

"Haha, kaya nga ang sakit ng dibdib ko ngayon" sabi niya habang hini-heal niya ang dibdib niya "Matagal ng putol ang linya namin. Makakaramdam lang ako ng kaunting sakit lang naman, pero hindi ibig sabihin nito ay mamamatay ako" puno ng sayang sabi niya.

Lumakas lalo ang pagtawa niya "At para saan naman ang pagsasayang mo ng buhay, mortal?!, Hahahahah!! "

"Manahimik ka..... " mahinang sabi ko kasunod ng paglitaw ng mga kadena sa buong katawan ko. Pero sa di ko malamang dahilan, wala pa ang sakit nito sa nararamdaman ko habang hawak ko ang katawan ni Jhiro.

"God and Godesses, now in the dark sky that cant reach, the wind that cant hold, the rain that cant stop falling and the infinite world" Nararamdaman ko na ang malakas na Spiritual Magic sa katawan ko.

"A-ang Forbidden Spiritual Magic... " hindi. Makapaniwalang sabi ni Leafore. Nagulat ang lahat including the Dark Lord.

"Tumigil ka! Hindi!" Sigaw ng Dark Lord at sinimulan niya akong pag-aatakihin para mapigilan ako pero naglalaho ang Dark Spiritual Magic niya dahil sa pinoprotektahan ako ng mga salitang binibitiwan ko.

"In the name of the one of the Greatest Goddesses in the Land of Priest. I'm calling you, soul who abandon by it's own body I command thee! I compel! descend from the heavens and back to your body!"

Dinilat ko ang mata ko at napansin ko ang isang puting enerhiya na pumasok sa katawan ni Jhiro kaya napangiti ako.

FLASHBACK

"Freiya, your Forbidden Spiritual Magic. Use it to someone you dont want to lose. To someone you want to live with. To someone you love the most"

END OF FLASHBACK

Hm, natupad ko ang bilin niyo Mom... Kahit sa huling pagkakataon, hindi ko kayo sinuway.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now