CHAPTER 23: TRAP

352 15 0
                                    

Paglabas ko sa Dimensional Gate bumungad sa'kin ang ilan pang Goddess at si Mom na nakahiga sa higaan niya. "F-Freiya? Zion, ang akala ko ba ay hindi sasama sa'yo si Freiya. Kaya bakit.. " Sabi ni Goddess of Calamity.

"A-ang akala ko rin .." Mahinang sagot ni Zion.

"Gusto kong malaman ang condition ni Mom" sabi ko at lumapit kay Mom.

Kaya ang hina ng chain seal.... dahil nasa ganitong sitwasyon si Mom.

Ang daming dark spot sa katawan niya. Nararamdaman ko dito ang Dark Spiritual Magic ng Dark Lord.

"Rhea--" napatingin ako bigla sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni Jhiro. Kasama niya si Seila. "M-mortal..  anong ginagawa niyo dito, Seila?!" Tanong pa ni Goddess of Luck.

B-bakit sumunod ka pa...

Nabalik ang tingin ko kay Mom nang biglang may lumabas na Dark Magic sa katawan niya at nagi itong isang cube na bumalot sa'kin "A-anong nangyayari... "

"R-Rhea!" Sabi ni Jhiro at lumapit siya sa'kin. Lahat ng nandito ay nataranta. Nararamdaman ko unti-unting paglakas ng Dark Magic. Lumiwanag ang cube sa sobrang liwanang ay napapikit nalang ako.

Sa pagbukas ko ng mga mata ko, nasa isang napakadilim na lugar na ako "Nagkita tayong muli.... " Dark Lord ...

JHIRO'S POV

Nawala siyang parang bula. "N-nasaan si Freiya? Narinig ko ang boses niya .. " ang sabi ng isang babae na nakahiga sa kama. Nawala na ang mga dark spot na kanina ay nasa balat niya. As I recall, siya ang Mom ni Freiya.

"Hindi ko siya masense" sabi ni Zion habang inaalalayan ang Mom nila "Katulad ng iniisip ko, isa itong patibong" sabi ni Seila.

"Sinabi niyo ba ang condition ng Ina niyo?" Tanong ng Goddess of Calamity, as I remember.

"Hindi" sagot ni Seila.

"Kung ganuon, paano?" Tanong ng Goddess of Luck.

"Malaki ang possibilities na narinig niya kami" Sagot ni Zion.

"Hindi ba dapat iniisip natin kung paano siya mahahanap?" Singit ko naman sa usapan.

"Anong magagawa ng isang mortal? Bumalik na kayo sa totoong mundo niyo" sabi ng Goddess of Calamity kung tawagin nila.

"Ilang araw bago ko ulit magagamit ang Dimensional Gate" sabi ni Zion.

"Hindi rin ako babalik hanggat hindi ako nakakasigurado na ligtas si Rhea" dugtong ko.

"Ligtas? Haha, parang napakadaling sabihin para sa'yo. Paniguradong nasa kamay ngayon si Freiya ng Dark Lord" sabi ng Goddess of Luck.

"Anong plano niyo?" Tanong ko.

"Wala tayong idea kung nasaan man siya ngayon. Maghiwa-walay tayo. Kung may mapansin kayong kahinahinalang lugar, magreport kayo kaagad" he looked at me serious "Ikaw mortal, anong plano mo?"

"Tutulong ako" straight to the point kong sagot.

"Selia, Zion, magtungo kayo sa East" tumango na kami at nagsimula sa paglalakad. Paglabas namin nagulat ako sa nakita ko. Pasikat palang ang araw dito "A-advance pala ang oras sa mundo namin?"

"Nope. Mabilis lang ang takbo ng oras dito. Ang isang linggo sa inyo ay katumbas ng isang taon dito" sagot ni Zion.

"W-waaa--"

"Tara na. Duon tayo pupunta.. " and tinuro niya yung isang forest.

"Kuya Jhiro, nagtataka lang ako ... si Sharmane and kuya Nate nasaan? Diba kasama niyo lang sila kanina?" Tanong ni Zion.

"Sa human world"

"Oh..."

Naghanap lang kami ng lugar na kahinahinala pero bumababa ang araw ng wala kaming nahahanap. Kumain kami ng pagkain na mga bunga lang ng mga puno. Kakaiba ang mga puno dito pati rin ang bunga.

Hindi na kami bumalik sa pinanggalingan namin at duon nalang nagpasya na matulog. Pansin ko dito walang lamok o kahit na anong insekto kaya kahit sa mga damo lang kami humiga ay komportable na.

"Hindi ako makatulog hanggat iniisip ko na anytime maaaring mapahamak si Ate Freiya.. " sabi ni Zion.

"Nag-aalala narin ako" sabi ni Seila.

Parehas lang silang nakatingin sa langit na puro bituin. Ginaya ko sila "Naniniwala akong okay lang siya.. .. "

"Hmm, paano mo nasabi?" Napansin kong tumulo ang luha ni Zion sa lupa.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, ligtas siya"

"Hm, magtiwala nalang rin tayo. Siya parin ang Death Goddess.. " sabi ni Seila at ngumiti ng malaki kasabay din ng pagpatak ng luha niya.

"Hm, hindi siya sa ganitong bagay babagsak"

"Magsitulo na tayo, dahil paniguradong hinihintay niya rin tayo"

Tumango nalang ako at pumikit.

To be continued ...

MY LITTLE DEATH GODDESSWhere stories live. Discover now