PANIMULA

35.6K 551 5
                                    

edited

Isang mainit na sikat ng araw ang gumising sa akin. Kasabay ng pagkahawi ng kurtina ng bintana ang mabagal na pagtama ng init nito sa aking ulo at mabagal na pagdaloy sa aking katawan. Kakaibang init. Sa sobrang sakit ng ulo ko, alam kong hindi lang ang init ng araw ang dahilan kung bakit tila ba ng bigat ng katawan ko ngayon. Gayunpaman, sinikap kong pilitin ang katawan kong umupo mula sa pagkakahiga.

Ano bang nangyari? Nasaan ba ako? Inilibot ko ang mga mata ko at mabagal na naglanding sa katawang nakahiga rin sa kamang kinauupuan ko ngayon. Nakikita ko ang hubad nyang likuran at nakakumot na ibabang bahagi. Pinipilit kong wag sumigaw, wag magpanic. Pero ikinagulat ko lalo ng malama kong wala rin pala akong suot na damit. Agad kong hinila paitaas ang kumot na hawak ko para lalo pang matakpan ang aking katawan. Hindi. Nasaan ako?

Hindi ko na napigilang pigilin ang aking paghinga ng gumalaw ang nilalang na nasa tabi ko ngayon. Nakatingin ako sa kanya at natatakot na baka sya magising pero---

“Z-zar?” gulat kong nasambit ng makita ko ang mukha nya. Gising na sya at kalmado lang na nakatingala sa akin. “A-anong ginagawa mo dito?” hindi ko alam kung bakit ko iyon tinanong. Pero ang gusto ko talagang sabihin ay kung bakit ba kami nandito.

“Sino ka?” tanong lang nya ng walang halong pagpapanic.

“Ah—“

“Ah alam ko na..” inalis na nya ang baling ng tingin nya sa akin at mabilis na umupo mula sa pagkakahiga.

“Z-Zar---“ muli, nagsalita na naman sya bago pa man ako makapagtanong.

“Magsho-shower lang ako…” mabilis nyang sabi kasabay ng paghigit nya sa kumot at pagcover nya sa kanyang ibabang bahagi at mabilis na pagpunta sa CR.

Teka, anong nangyari? Anong trip nun? Nagising sya sa isang ano ba to…hotel? na may kasamang babae tapos, ganun pa ang reaksyon nya? At may gana pa talaga sya mag shower ha.

I feel…disappointed. Hindi ko alam, siguro kasi hindi ito ang inaasahan ko sa kanya.

Bahala sya…aalis na ako bago pa man sya matapos sa CR.

Naguguluhan man, sinikap kong higitin ang kumot at mahigpit na itakip ito sa katawan ko. Pero, isang bagay ang matinding nagpatigil sa pagiging kalmado ko sana sa mga oras na ito.

Dugo.

May Dugo.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now