One Night 29: Confirmed and Crazy.

10.3K 193 1
                                    

Third Person.

1. Iniisip mo sya parati. (CHECKED)

2. Nagseselos ka kapag may kasama syang iba. (CHECKED)

3. Nakikita mo ang sarili mo kasama sya sa future. (CHECKED)

 

Nakangiting nakatingin si Zar sa piraso ng papel na iniwan ni Lemuel sa desk nya.

"Akala ko ba mahaba ang listahan nya, bakit tatlo lang to? Loko talaga yun." isip isip pa nya habang nakangiti. Mga ngiting hindi parin nabubura simula ng araw na iyon. Ang araw na nalaman nya kung ano ba talaga ang nararamdaman nya para kay Heather.

"I am inlove. And that's for sure" isip isip pa nya.

Isang tawag mula sa kanyang sekretarya ang bumasag sa kanyang pag iisip.

"Sir, Mr. Ashton is here." pag inform sa kanya nito.

"Okay, tell him na papunta na ako." agad na tumayo si Zar. Kinuha nya ang mga dokumentong kakailanganin nya para sa kanyang meeting.

Papaalis na sya ng mahagip ng paningin nya ang piraso ng papel na kanina nyang tinitingnan. Kinuha nya iyon at finold sa apat na tupi saka inilagay sa kanyang itim na leather wallet.

"Kailangan safe to." isip isip pa nya.

Habang naglalakad, hindi mapigilan parin ni Zar na hindi mapangiti at maisip si Heather. Excited na sya para makitang muli ito.

**

Heather Stewart.

"Waaahhh!! Kasalanan mo to eh!" maluha luha kong akusa kay Sophie.

"Oh, ako na naman. Panglima mo na yan Heath ah. Kanina mo pa ako sinisisi sa nangyari." sagot nya sabay lapit sa Eiffel Tower painting na nandito sa opisina ko.

"Eh ikaw naman talaga ang may kasalanan! Dahil jan sa dare mo nangyari yun." naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Yung unexpected kiss. Hooh! Nangingilabot talaga ako dahil dun.

"Hoy Heather, ipapaalala ko lang sayo ha. Titig yung dare na sinabi ko at hindi kiss. Malay ko bang iba pala kayong dalawa kung umintindi. Malay ko bang mag ma-make out kayo dun."

"Waah Sophie! Tumigil ka nga jan!" pigil ko sa kanya. Ayoko ng marinig pa ang mga susunod nyang sasabihin. Hindi kinakaya ng utak ko ang kailangan nitong igenerate na imagination lalo na sa bagay na yon.

"Ano ka ba! 24 ka na Heather! As if naman na hindi mo pa alam yung mga--"

"Waaahhh! Tama na! Oo na!" sigaw ko sa kanya. Nakakaloka ang babaeng ito!

"Then stop pestering me na ako ang may kasalanan sa nangyari noh! Pareho nyo namang ginawa at ginusto yun."

"Sophie..." warning ko sa kanya habang umiiling.

"Okay fine." itinaas pa nya ang mga kamay nya na parang pa surrender.

Napalingon kaming pareho ni Sophie sa aking telepono ng tumunog ito.

"Yes Kim?"

"Ma'am, a person named Carlo Ashton is here. Gusto nya daw po kayo makausap. Papapasukin ko po ba?" tanong ni Kim.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now