ONE NIGHT 9: Eruption

14.3K 283 5
                                    

Third Person.

"Waaaaaaahhhhhhhh!!!!!" pagwawala ni Zar habang pinaghahahagis ang mga gamit sa bahay ng kanyang pinsan. "Nasan na sya Kuya?" tanong nya sa nakatatandang pinsan.

"Zar, huminahon ka nga. Nasa kwarto si Lemuel. Teka lang---"

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Lemuel habang wala pa sa tuluyan nyang ulirat dahil inaantok pa sya.

*Boooooggggggssssshhhhhh

Isang malakas na suntok ang sumagot sa tanong ni Lemuel. Galit na galit pa rin si Zar, galit din sya sa pinsan nya.

"Zar!" tawag ng kuya ni Lemuel kay Zar. Pero parang di narinig ni Zar ang tawag na ito at kinwelyuhan pa ang pinsan.

"Ano ba! Anong problema mo?" tanong ni Lemuel ng kwelyuhan sya ni Zar habang hawak ang nagdurugo na nyang labi.

"Gago ka! Kakuntsaba ka nung babaeng yon noh?!" pagaakusa ni Zar sa pinsan nya. Nakainom si Zar at dala na rin ng sobrang pag iisip at sa mga hinala ni Louis, ang babaeng pinaka pinaniniwalaan nya ngayon, marahil nga, napagkaisahan sya sa nangyari at kakuntsaba pa ang pinsan nya.

*boooggggssshhhhh

Muling sinuntok ni Zar ang pinsan nya. Marahil, sa paraang ito, kahit papaano ay mailalabas nya ang galit nya.

"Zar! tama na yan!" awat ng kuya ni Lemuel sa pinsan nya, kasabay ng paghigit dito at paglayo sa kapatid.

"Gago!" pahabol na mura ni Zar sa pinsan nya.

"Langya! Ano bang kasalanan ko??!" naguguluhang tanong ni Lemuel sa pinsan nya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng bibig nya.

"Gago ka! Pinagkatiwalaan kita! Yun pala, binugaw mo lang ako sa stalker ko! Ginaya mo pa ako sayo! Gago!" walang humpay na sigaw ni Zar.

"Zar Ano ba! Lasing ka lang...Tara na!" yakag ng kuya ni Lemuel kay Zar.

"Hindi! Hindi ako lasing! Bitawan mo ko!" sigaw ni Zar dito ng wala ng respeto.

Tumayo si Lemuel.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Di kita maintindihan tol!" naguguluhan pa rin si Lemuel. Ano nga ba ang gustong ipunto ng pinsan nya?

"Gago! Dahil jan sa date date na yan, nag break kami ni Louis! Dahil jan sa date date na yan, may nangyari samin nung babaeng yon! At dahil jan sa date na date na yan, HINDI NA TAYO MAG PINSAN!!" kasabay ng mga salitang iyon ang pagpumiglas ni Zar sa hawak ng kuya ni Lemuel at tuluyang paglabas nya ng bahay.

"Zar!" tawag ng kuya ni Lemuel kay Zar. "Lemuel, ano bang nangyari dun?" tanong naman nito sa kapatid.

"Aba malay ko!" sagot nya dito. Pero, may bagay syang di maintindihan. Ano bang nangyari ang pinagsasasabi ng pinsan nya?

"Lemuel! San ka pupunta?" sigaw na tanong ng kuya ni Lemuel sa kanya.

"May tatawagan lang!!" sigaw na sagot din naman nito sa kapatid.

.

"Hello?"

"Hello! Sophie! Si Lemuel to!" tawag nya dito. Tinawagan nya si Sophie, baka may alam ito sa kung ano mang pinagsasasabi ng pinsan nya. Tutal, parang tungkol naman sa date na nangyari ilang araw na ang nakakalipas ang tinutukoy ng pinsan nya.

"Lemuel?” halatang di makapaniwalang tanong ni Sophie sa kabilang linya. Magsasalita na sana si Lemuel pero napatanggal sya ng cellphone malapit sa tenga sa sunod na sinabi ni Sophie. “Walanghiya ka! Bakit ngayon ka lang tumawag? Nagtatago ka ba? Ang kapal mo din noh?!”

"Pwede wag ka sumigaw? Ano bang pinagsasasabi mo?”tanong nya dito.

“Magkita tayo.” Yun nalang ang sinabi ni Sophie bago patayin ang linya ng cellphone.

“Ano bang nangyayari sa mga tao?” bulong ni Lemuel habang nagtatakang nakatingin sa cellphone nya.

Ilang minuto ang lumipas, nakatanggap si Lemuel ng text mula kay Sophie laman ang lugar kung saan sila dapat magkita. Walang pag aatubiling tumayo si Lemuel at agad na pumunta sa nasabing lugar.

.

*SLLLLLLAAAAAAAAAAAAPPPPPPPPPPPPPPP

“Para saan naman yun?” nagtatakang tanong ni Lemuel kay Sophie matapos nito syang salubungin ng sampal.

“Para yan sa ginawa nyo kay Heather. At eto naman---“ muli sanang sasampalin pa ni Sophie si Lemuel pero agad naman nitong napigilan ang kamay ni Sophie.

“Please Sophie, wala akong alam sa pinagsasasabi mo. Dalawang suntok na ang natanggap ko ngayong araw at nasampal mo pa. Pwede ba, mag usap muna tayo saka ka manampal jan..”

“Siguraduhin mo lang yan, kung hindi…” masama ang mga tingin ni Sophie kay Lemuel.

Binigyan ng pagkakataon ni Sophie na magpaliwanag si Lemuel. Pinaliwanag nito kung paano syang umalis ng bar dahil sa isang babaeng stalker nya, pero hindi na nya ito pinangalanan pa. Ilang araw din syang nagtago sa probinsya nila dahil sa babaeng iyon kaya hindi na sya nakatawag pa sa kahit na sino. Lalo na rin naman kay Sophie, sa totoo lang, wala naman talaga silang koneksyon. Simpleng naging textmate—ganun lang—isang bagay na alam naman nilang dalawa.

Sa kabilang banda, ipinaliwanag din naman ni Sophie ang nangyari kay Zar at Heather. Lubha itong ikinagulat ni Lemuel pero dahil dito, naging malinaw na rin naman ang lahat sa kanya.

“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Lemuel kay Sophie.

“Anong anong gagawin? Pasalamat kayo dahil ayaw na ni Heather ng iskandalo kaya hindi na sya nanggugulo. Pero kung ako lang, ipapa shoot to kill ko na kayong mag pinsan..”

“Grabe ka naman Sophie.” Hindi alam ni Lemuel kung seryoso ba si Sophie sa mga sinasabi nya.

“Talaga! Kaya, wag nyo na guluhin pa si Heather, kung hindi,” nilean pa ni Sophie ang ulo nya si table. “Ako mismo ang papatay jan sa pinsan mo sinasabi ko sayo…”

“Oo na..” pag aagree ni Lemuel. “Teka lang, sabi mo walang alam si Zar at Heather sa nangyari?” muling pagtatanong ni Lemuel.

“Oo nga, paulit-ulit?” inis na sagot ni Sophie.

“Imposible yun…” nakakunot noo at naiiling na sambit ni Lemuel.

“Panong imposible eh nangyari na nga..”

“Pero hindi nalalasing si Zar” napaangat ang ulo ni Sophie sa sinabi ni Zar.

“Yan naman ang imposible. Walang taong hindi nalalasing.” Sabi ni Sophie kasama ang expression na parang nagsasabing “Duh?! Sinong tao naman ang hindi nalalasing. Malamang lahat nalalasing kapag nakainom.”

“Seryoso ako. Hindi si Zar. Kahit ilang bote ng alak ang ipainom mo dun, hindi yun nalalasing. Hindi sya nawawala sa sarili..”

Napakunot noo naman si Sophie sa sinabi ni Lemuel.

“Hindi kaya, eto ang nakainom?”isip isip ni Sophie.

Nakatitig lang si Sophie kay Lemuel ng may isang malaking pagtataka sa mukha. Hanggang sa lalo syang nagtaka ng ngumiti ito.

“Gusto mo bang mag-imbestiga?” nakangiting tanong ni Lemuel kay Sophie.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now