One Night 40: Searching for some answer

8.9K 175 2
                                    

Heather Stewart.

7am. Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Evo kasabay ang excitement ko na makita silang magkasama.

Napangiti ako sa itsura ni Zar at Evo. Nakayakap ang maliit na katawan ni Evo sa dibdib ni Zar habang ganun din naman si Zar, masyadong malaki ang mga braso nya para sa maliit na katawan ni Evo pero sa itsura nila, nag complement naman lahat.

Hindi. Hindi ko pinayagan si Zar na matulog sa kwarto ko. Mahirap na. Kahit paaano, lalaki’t babae kami at…well kahit hindi man na kami bata eh hindi parin kami dapat magsama sa isang kwarto.

Haha! Natatawa ako. Para kaming teenager dalawa na kailangang kailangan talaga magpigil. Mahirap na. Baka masundan pa si Evo. Pero in faireness naman kay Zar, mahilig lang syang manlandi pero hindi sya namimilit.

Muli akong napangiti. Gulu gulo ang buhok ni Zar, medyo naghihilik pa sya pero mahina lang at infaireness naman ah, gwapo pa rin kahit tulog at hindi suot ang mga suit nya at fashionable na mga damit. Pinasuot ko kasi sa kanya yung mga lumang damit ng tatay ko na naiwan dito sa bahay. Okay naman pero unusual lang talaga kasi hindi naman yun ang fashion nya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Buti nalang dala ko to! Matahimik akong lumapit sa kama, itinapat ang cellphone sa kanya saka sya pinicturan. Haha! Matutuwa si Sophie neto pag pinakita ko!

Pinigil ko na ang sarili ko sa kakatawa. Hindi ko parin mapigilan. Hahaha! Matapos ang ilang minuto, okay okay na rin naman ako.

Agad kong hinawi ang kurtina ng kwarto ni Evo, agad din namang dumaloy ang sariwa at medyo mainit init lang na sikat ng araw. Maganda ang epekto at dating ng init ng araw sa kwarto ni Evo dahil na rin sa may puno sa labas ng kwarto nya, hindi masyadong direct at mainit ang init nito.

“Goodmorning! Gumising na po! Gising na!” malakas kong sabi kasabay ng mahina kong pagtapik sa kanila para magising na sila.

Agad namang gumalaw sila Zar at Evo.

“Mommy, five more minutes.” Saad ni Evo kasabay ng pagyakap nya kay Zar.

“Oo nga.” Pag agree naman ni Zar.

“Hindi pwede. Gising na kayo. Malalate ka sa school Evo.” Muli kong paggising sa kanila sabay yugyog muli.

Nagstretch si Zar at marahan pang binuksan ang mata nya.

“Anong oras na ba?” mahina nyang tanong habang nakabukas ang isang mata habang nakasara naman ang isa.

“7 na. Bumangon ka na rin baka malate ka sa trabaho.” Nakangiti kong sagot.

“Ah oo nga.” Sagot nya. “Anak, gising na. Gumising ka na.” tapik nya naman kay Evo.

Humikab muna si Evo bago tuluyang gumising at umupo. Pumunta sya sa lap ko at niyakap ako, niyakap ko din sya.

“Mommy, I still want to sleep.” Saad nya habang nakayakap sa akin at suspetya ko, habang nakapikit.

“You’re all good kaya maligo ka na dun or do you want me to bath you?” tanong ko. Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

“No I can manage.” Sagot nya.

“Okay, maligo ka na ha.” Hinawi ko pa ang buhok nya saka hinalikan ang noo nya.

“Okay Mommy.” Saka sya bumaba sa lap ko at parang tinatamad pang naglakad papuntang banyo.

Agad akong napatingin sa kanan ko ng maramdaman ko ang aura ng katawan ni Zar sa tabi ko.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now