ONE NIGHT 4 : The Night part 2

18.1K 299 2
                                    

Third Person.

“Kaloka tong si Heath, ang lagkit ko tuloy…” bulong ni Sophie habang palakad papuntang cr ng babae. Panay ang punas nya sa kanyang dibdib dahil sa cocktail drink na kumalat sa kanya. Nakalatan man ng cocktail drink sa katawan, hindi naman galit si Sophie sa kanyang kaibigan, alam nyang kagulat gulat ang kanyang ibinalita. Sa totoo nga, nagulat din sya, pero mas nagulat nga lang si Heather at may kasamang excitement pa.

Sampung minuto pa ang nakalipas at natapos na rin si Sophie sa paulit-ulit na pagbasa ng panyo ni Heather at pagpunas nito sa dibdib nya. Lumabas na sya at pabalik n asana sa kwartong nirentahan nila sa bar ng mahagip ng paningin nya ang katauhan ng isang lalaki. Matipuno, matangkad, maputi at higit sa lahat, may pamilyar na mukha.

Agad na napatungo si Sophie na tila ba nagtatago.“Shit, shit, shit, anong ginagawa ng gungong na yan dito?” isip isip ni Sophie. Sa dinami dami ng lugar at oras, bakit dito pa nya nakita ang ex nya? Ang ex nya na ayaw na nyang balikan ang mga ala-ala dahil alam nyang nagpakatanga sya ng iyakan nya ang lalaking yun ng iwan sya nito. “Bakit ko pa kasi sya iniyakan at hinabol?”tanong muli ni Sophie sa sarili. Okay lang sana kung hindi nya hinabol ang lalaking yun pero kung babalikan at iisipin nya. Nahihiya sya. Nahihiya sya sa sarili nya dahil nagawa syang paiyakin ng isang lalaki lang. bagay na sinumpa nya sa sarili nyang hinding hindi na mangyayari.

Ng wala ng pagaatubili pa. Dahan dahang lumabas si Sophie ng bar. Kinapa nya ang cellphone nya para tawagan si Heather at sabihin na umuwi na sila pero naka dress nga pala sya at nasa bag nya ang cellphone nya. “Makakauwi naman siguro yun mag isa. Sa bahay ko nalang sya tatawagan…”. Mula doon, dahil sa ayaw na talaga nyang bumalik sa loob ng bar, dali daling pumara ng taxi si Sophie at nagpahatid pauwi sa bahay nila.

Labinglimang minuto ang kinailangan ni Lemuel bago makapasok ng cr ng panlalaki. Ilang babe kasi ang nakasalubong nya sa labas at nahirapan syang tangihan na pansinin sila isa-isa at batiin, o tanungin ang mga pangalan.. Limang minute lamang at nakalabas na sya ng cr. Handa na sana syang bumalik sa kwartong nirentahan nila ng pinsan nya ng isang pares ng mga braso ang biglang pumalupot sa kanya. Hindi nya naaninagan ang mukha nito noong una dahil sa madilim ang parte na iyon ng bar pero agad naman syang napamura sa kanyang isipan ng makita nya kung sino nga ba ito. Si Audrey, isang hindi napapagod nyang stalker.

“Aud, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Lemuel habang pinipilit tanggalin ang nakapalupot na braso ni Audrey sa kanya pero hindi nya magawa.

“Lem, dito lang pala kita makikita…” lalo pa nitong hinigpitan ang kapit nya. “Ang tagal na nating hindi nagkikita. Miss na kita…” idinikit pa ni Audrey and mukha nya sa braso ni Lemuel na tila ba nakayakap na nga sya dito.

“Oo nga Aud. Pero, may mga kasama kasi ako kaya---“

“Ano? Sinong kasama mo? Babae ba yan? Nagtataksil ka sakin?” mabilis at kunot noong tanong ni Audrey.

“Shit, anong nagtataksil pinagsasasabi ng babaeng to? Patay na naman. Ano bang ginagawa nito dito?”

“Lemuel! Sagutin mo ko!” sinigawan na sya ni Audrey.

“Uhm Audrey kasi…Eric?” sabay turo nya sa bandang direksyon ni Audrey. Napalingon naman si Audrey ng marinig ang pangalang iyon. Pangalan ng nakatatanda nyang kapatid na lalaki. Tutol si Eric kay Lemuel para kay Audrey, sa tingin kasi nito ay babaero ang binata.

Agad na napalingon si Audrey ng may kaba sa dibdib.

“Kuya---Nasan?” tanong ni Audrey ng wala syang nakita. Ibinalik nya ang tingin nya kay Lemuel pero patakbo at palayong likod na lamang nito ang naabutan nyang makita.

“Lemuel!” malakas nna tawag nya dito pero agad ng nawala ito sa paningin nya. Tinakasan na naman sya ni Lemuel.

Tatlumpung minuto ng hindi mapakali si Heather. “Nasaan na ba yung si Sophie? Si Lemuel nasan na rin ba? Na flush na ba yung dalawa sa cr?”isip isip nya. Hindi na sya mapakali ng upo habang kasama si Zar. Hindi talaga sya mapakali at tila ba pinipigilan nya ang kanyang paghinga habang pinananatili ang distansya na meron sila ni Zar.

Sa kabilang banda, patuloy lang naman ang pag inom ni Zar sa cocktail drink na nasa mesa. Walang ibang bagay syang iniisip kundi si Louis. Kung anong nangyari at natapos na ang apat na taon nilang relasyon, ang mga rason at ang pagiging padalos dalos nya sa sitwasyon. Wala syang sinisisi sa mga oras na ito kundi ang kanyang sarili.

Ilang oras pa ang lumipas, walang ibang bagay na naging libangan ang dalawa kundi ang inumin at ubusin ang inuming nasa harap nila. At sa hindi malamang dahilan, biglang uminit, umikot at nabingi silang dalawa sa paligid. Unti-unti, nawala sila sa kanilang mga sarili.

Dahil na rin siguro sa nararamdamang init na dalawa sa kanilang katawan, sa kakaibang ikot ng kanilang mundo, ng magtagpo ang kanilang mga paningin, parang isang mababangis na hayop na nag iba ang kanilang naramdaman. Mabilis nilang hinawakan ang mukha ng isa’t isa at naghalikan. Naging isang malaking kasalanan ang kanilang ginagawa, bagay na hindi nila alam na kanila palang ginagawa.

Parehong dumaloy ang kanilang mga kamay sa maseselang bahagi ng katawan ng isa’t isa habang hindi napuputol ang pilit nilang pag aangkin sa isa’t isa. Lalong lumalalim, lalong umiinit, lalong nagiging makasalanan. Hanggang sa nangyari na ang hindi dapat mangyari.

A One Night LoveWhere stories live. Discover now